Chereads / My Babies / Chapter 2 - MARICAR FARRELL

Chapter 2 - MARICAR FARRELL

"Saglit lang!" utas ko sa mga kaibigan ko habang mabilisang pinaglalagay ang mga gamit ko sa aking bag.

"Hay naku babe! Ang bagal mo kumilos, kalerki" nag-iinarteng hinaing ng kaibigan kong bakla, si Jopet.

"Eto na nga diba? Binibilisan na! Eh kung tinulungan nyo kasi ako, edi sana masaya na tayong naglalakad lahat palabas tsk!" saka ako umirap sa kanila.

"Bat naman kasi ang dami mong dala? Eh next week pa naman ipapasa 'yang project kay sir Mitra" saad ni Aika, isa ko pang kaibigan.

"Sabi nga, the sooner the better, duh Aika" sagot ko bago pa muling ipagpatuloy ang pagsasalita. "At saka, alam nyo namang humahabol ako sa top dahil need ko 'yon for my scholarship"

"Nerd" sambit ni Ella, ang isa ko pang kaibigang babae. "Stop the talking girls, hurry up" masungit nitong sabi. Sanay na kame sa kanya, kasi kahit ganyan naman 'yan magsalita, sobrang bait nyan sa'min.

Nang matapos ko ligpitin ang mga gamit, agad na kaming lumabas ng university at dumiretso sa nagtitinda ng mga street foods. Nasa gilid lang naman 'yon at maraming nagtitinda do'n. Kaya pag uwian na, marami ring estudyante ang tumatambay dito.

Nang makarating, agad kaming humanap ng mauupuan at pinaglalagay do'n ang aming mga gamit.

"O eto Jopet, bumili ka ng makakain natin" sambit ni Ella saka nag-abot ng limang daan kay Jopet. Sya kasi ang manglilibre sa'min ngayon.

"Why me?" gulat na utas ni Jopet.

"Of course, sa ating apat, ikaw lang ang lalaki duh" mataray na sagot naman ni Ella.

"Ew! Babae ako babe!" maarteng saad ni Jopet saka kinuha ang 500 pesos. Pagkatapos saka ako nito hinila sa braso na ikinagulat ko naman.

"Tara girl, samahan mo ko! Tutal ikaw ang pinaka-pretty dito" hindi na ko hinayaan pang makasagot ni Jopet at basta na lamang ako dinala sa nagtitinda ng inihaw.

Marami kaming pinaihaw bago kami pumunta sa nagtitinda ng tusok-tusok.

Ngunit bago pa ko makakuha ng basong paglalagyan ng pagkain, muntik ko ng masampal sa mukha si Jopet nang bigla ako nitong kurutin sa braso.

Ouch! Baklang to!

"Shet na malupet babe! May gwapo!!!" malanding sambit nito saka pa naglabas ng salamin at tinignan ang sarili dito.

Napailing na lang ako. Kaya pala. Nakakita ng gwapo. Mga bakla nga naman.

Tinignan ko na lamang ang sinasabi nito at muntik pa kong mapanganga ng makita ang lalaki.

The fudge. Spell hot.

Hindi ko inalis ang tingin dito at tinignan ito mula ulo hanggang paa. Nakasuot ng suit. Ang linis at ang formal tignan pero ang lakas ng appeal. Shet. Halata ring maganda ang hubog ng katawan nito dahil sa kanyang suot. May pagkamoreno ang lalaki pero hindi 'yon nakabawas sa kagwapuhan nya. Yung mukha! Mukhang may lahi. Sobrang gwapo! Kala mo artista.

Hindi ko napansin na nasa harap ko na pala ang gwapong lalaki, at mahigpit ako nitong hinawakan sa magkabilang braso na syang ikinagulat ko.

Pansin kong pinagtitinginan na kame ng mga tao sa paligid, I mean let me rephrase that, pinagtitinginan na pala sya ng mga tao sa paligid. Papaano ba naman kasi, yung suot nya hindi nababagay sa gantong lugar, lalong-lalo na't ang gwapo nya pa.

"Kuya? Ahmm, pwedeng pakibitawan po ako hehe. Medyo masakit kasi ang paghawak nyo" saad ko dito na syang ikinagulat nya din.

Napangiwi na lang ako.

"Who are you?" tanong nito at saka ako pinakatitigan.

Medyo nailang naman ako, alam ko namang maganda ako pero nakakahiya pa din kung may dumi ako sa mukha lalong-lalo na't ang gwapo pa naman ng nakatitig sakin ngayon.

"Ah, Maricar po ang name ko, Maricar Farrell" walang pakundangan kong sagot sa tanong nito.

Agad namang nagsink-in sa utak ko na stranger pala ang kausap ko. Kaya muntik ko ng tampalin ang noo sa naalala. What the hell Maricar?! Porket gwapo ang nagtanong, binigay mo agad ang pangalan mo? Asan ang pagiging dalagang pilipina mo!