Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

My Babies

🇵🇭ILoveHR
--
chs / week
--
NOT RATINGS
7.5k
Views
Synopsis
"I want you to work for me but...as a mother of my children" Mga salitang nagpabago sa buhay ni Maricar. Mga salitang nagpagulo ng kanyang puso at isipan. Papaano na lamang kung biglang isang araw, hindi na lamang maging pekeng ina ang gustuhin nya? Papaano na lamang kung ayaw nya ng maging trabaho 'yon at gustuhin na nyang totohanin ang lahat? Totohanin ang pagiging ina sa mga anak ng business tycoon na si Edwin Jimenez?
VIEW MORE

Chapter 1 - GOODBYE

"Cleo, hindi mo naman kailangan gawin 'to" sambit ni Edwin kaya mabilis akong lumingon sa kanya.

"No. Kailangan kong gawin 'to Edwin. Hindi nila tayo titigilan hangga't patuloy ko pa rin silang iiwasan!" sigaw ko sa aking asawa.

"Pero papaano na ang mga bata kapag umalis ka?" Edwin asked. Naluluha na kong tumitig sa mga mata niya.

Hindi rin naman madali para sa'kin ang gagawin kong paglayo sa kanila. Pero dapat niyang maintindihan na gagawin ko ito para rin sa kapakanan nila.

"Magiging okay sila Edwin. Alam kong mas makakabuti kung nasa puder mo sila at alam ko ring aalagaan mo sila ng mabuti dahil ikaw ang daddy nila" utas ko at saka niyakap ang aking asawa.

Pagkatapos, mabilis na kong lumabas ng kwarto habang bitbit ang mga gamit na dadalin ko sa pag-alis. Hindi na ko nag-abala pang lingunin si Edwin dahil baka kapag nakita ko siya, hindi ko kayanin. Hindi ko kayanin na iwan sila.

Bababa na sana ako ng hagdan ng makaramdam ako ng maliliit na braso na nakayakap sa mga hita ko. Then I saw a little boy. Si Lucas John Jimenez. Ang dalawang taon kong anak.

"Mi mi! Pwe-pwhere are you g-gwoing" bulol na tanong ng aking anak.

Kaagad akong pumantay sa kanyang tangkad habang nakatingin sa kanyang inosenteng mga mata.

"Baby, si mi mi ay may bibilin lang sa labas hah. Kaya habang wala si mi mi, be a good boy okay? Wag maging pasaway kay nanny" nakangiti pero malungkot kong utas habang nakaharap na sa aking inosenteng anak.

Gusto kong umiyak ngunit hindi pwede. "Mi mi will be back...soon" pagpapatuloy kong utas na halos pabulong na lang ang pagkakasabi ko sa huling salita at halos hindi na rin marinig ng aking anak.

"P-pwamis?" my baby said. Halos tumagos ang puso ko dahil sakit na nararamdaman ko.

Naaawa ako sa anak ko. Sinasabi ko pa naman sa kanya na bawal ang magsinungaling pero heto ako ngayon. Punong-puno ng kasinungalingan ang mga sinasabi ko sa anak ko. Parang gusto ko ng mag-back out pero hindi pwede. Kailangan kong ituloy ito. Ano man ang mangyari.

"Promise" I said then I kissed him on his forehead bago ako pumunta sa baby girl ko na hawak-hawak naman ngayon ng nanny nila.

Lumapit ako roon at kiniss ko rin ang forehead ng 1 year old baby girl ko na si Ayesha Jane Jimenez.

"Goodbye princess" utas ko bago ako tuluyang bumaba sa malawak na hagdanan ng mansyong ito.

Napabuga ako ng hangin habang maluha-luha akong lumabas ng mansyon.

Sa huling pagkakataon, lumingon ako sa itaas ng hagdan at nakita ko ang mga mata ni Edwin na may bahid ng sakit.

Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko bago tuluyang nagsara ang malaking pintuan ng mansyon at hindi ko na makita pang muli ang aking pamilya.

Isa-isang nagsipatak ang aking mga luha.

At ngayon, determinado na kong tapusin ang lahat para sa pamilya ko.

Sa oras na matapos ko ang lahat, pangako, babalik ako. Babalikan ko sila ano man ang mangyari. Pangako 'yan.