Chapter 4 - Monay

Parang isang materyal na lamang ang tingin ni Monay sa kanyang sarili matapos niyang  mabalitaan mula sa doctor ang pagiging positibo niya sa HIV.

Hindi niya na kayang buhatin ang bigat ng problema kaya naman naisip niyang makipagtalik sa kung kani-kanino para lang makabawi.

Hindi siya pumapayag na gumamit ng proteksyon ang mga lalaking kanyang nakakatalik upang mahawa ang mga lalaking sabik sa laman. Maging ang kanyang emosyon sa pakikipagtalik ay wala na ding ipinapakitang sigla, kahit ungol ay wala. Pagkatapos sa isang lalaki, ay hahanap naman sya ng mabibiktima, sa isang araw ay 'di bababa sa lima. Walang bayad libre lahat, basta't ang sakit ay maipakalat. Isang umaga'y nagising siya sa pagtunog ng kanyang telepono, agad niyang sinagot ang tumawag.

"Ito ho ba si Ms. Monalisa Flores?" Tanong ng babaing tumawag. "Ito nga ho." Sagot niya

"Mula ho ako sa Ospital ng Maynila, Good news ma'am, mali po ang dating resulta ng test ninyo. HIV negative ho kayo ma'am"