Chapter 5 - Sine Tayo

"Ate, nuod tayo nitong Avengers: Endgame sa sinehan, maganda to."

"Ayoko nyan, Gusto ko yung romance, yung Alone Together."

"Luma na 'yon a!"

"Kuya samahan mo 'ko manuod ng Avengers" Napahinto ang labing apat na taong gulang na bata ng alukin nya ang kanyang nakatatandang kapatid.

"Sige, kailan ba?" Nakangiti nitong sagot. "Sa April 24 pero okay lang kuya, kahit 'wag nalang." Sabi nya sa kanyang kuya habang nagpapakita ng lungkot ang kanyang mga mata.

"Okay lang bunso, sasama ako." Ani ng kanyang kuya. Maya-maya pa't tumayo ito. Gamit ang kanyang mahabang tungkod na kanyang iwinawasiwas ay pinakiramdaman nya ang paligid habang  panay ang hawak ng kanyang kabilang kamay sa pader. Nadali niya ang isang paso, nahulog ito at nabasag.

"Sorry, hindi ko nakita."