Chereads / Ang mga tula / Chapter 9 - Ikaw ang aking idolo

Chapter 9 - Ikaw ang aking idolo

Nandito ako sayo nakatingin

para bang nakakita ako ng bituin

Bituin na walang kapareha at mahirap hanapin.

Ngunit nandito ako ngayon sa malayo , kung saan ako sayo'y nakatingin.

Wala na akong gustong iba pa

maliban sa makita kang masaya.

Na kahit na mahirap ang iyong ginagawa

Ika'y nagtatiyaga para sa inyong tagasuporta.

Salamat sa pagpapalaganap ng kasiyahan

ng dahil dito'y nakaalis ako sa kalungkutan

Na akala ko'y habang buhay ko na mararamdaman.

Salamat dahil kahit na hindi mo kami kilala , sinabi mo'y hindi mo kami kakalimutan.

Alam kong darating ang panahon na

Hindi na kayo sasayaw at kakanta.

Dahil nandiyan na kayo sa kaniya kaniya niyong pamilya

Namumuhay ng masaya at payapa