Nandito naman ako
iba pa rin ang pinili mo
nandito ako para sayo
ngunit binalewala mo lang ito.
Alam kong alam mo
na masakit ito sa damdamin ko.
Bakit hindi ka huminto?
masaya ka ba diyan sa babae mo?
Masaya naman tayong dalawa
anong nangyari? ikaw ay napariwara.
Iniwan mo ako ditong lumuluha
dito sa bahay kung saan tayo ay nagsama.
Okay naman tayo ,
bakit tayo umabot sa ganito?
Bakit ka nanloko?
minahal naman kita ng totoo
Sana naman inisip mo
ang nararamdaman ko ngayon sa mga pinaggagawa mo.
Sana hindi mo nalang ako pinaasa
para wala akong oras na maaksaya