Chereads / If I was Your Boyfriend / Chapter 2 - Chapter 1: A Memory From Past Love

Chapter 2 - Chapter 1: A Memory From Past Love

-RAYKE-

Two years na lang graduate na ako. At napakagandang simula nitong araw na 'to sa akin. Parang ang aliwalas kasi ng panahon pati na ng paligid. Ang sarap sa pakiramdam ng hangin at napakagandang tingnan ng mga puno at halaman nakapalibot dito sa Tsumetai Reyez University. Akala mo na sa ibang bansa lang eh.

Maaga pa para sa una kong klase kaya chill-chill lang akong naglalakad sa ground ng TRU. Habang ako ay nagmumuni-muni bigla na lamang bumalik sa alaala ko kung paano ko nakilala si Lyannah.

"Musta naman Rayke? Hahaha. Hanap-hanap na din kasi 'pag may time!" Pang-aasar ni Troy at tumawa silang dalawa ni Arwin. Makikigatong pa si Mico niyan. 'Tong mga 'to! Porque ako na lang walang ka-relationship sa barkada, ganyan na sila.

"Ewan ko sa inyo! Pangako! Di pa natatapos 'tong academic year, makakahanap na ako!" Bato ko sa kanila.

"Wow nice! Naka-move on na agad kay Kershelle! Hahaha!" Tira ni Arwin. Nagtawanan na naman sila.

Binatukan ko nga si Arwin. Loko eh!

Nandito nga pala kami nila Arwin, Troy, Jamill, Mico at Rico sa may bandang harapan ng room at obviously nagdadaldalan. Nakasandal lang ako sa teacher's table. Si Arwin nakaupo sa table. Si Troy sa upuan ng teacher namin. Si Rico nasa bandang harapan naka-upo. Si Mico sa arm-chair ng kinauupuan ni Rico nakaupo. Si Jamill naman nakasandal sa blackboard namin.

Ang ingay ng room palibhasa wala pa yung next instructor namin. Kung anu-anong ginagawa ng mga kaklase ko. May kung makatawa akala mo hindi siya tumawa ng isang taon eh. May mga nagdadaldalan na akala mo mga nakalunok ng microphone sa ingay. May mga kumakanta na akala mo mga singer, gusto lang yata nilang bumagyo eh. Akala nila nasa karaoke bar sila at kung makakanta walang-wala sa tono. Buti sana kung yung mga boses nila eh yung ganun kila Sarah G. Di naman. Yung iba nagsasayaw ng kung anu-anong routines na nakuha nila sa Kpop. Oo. Isipin niyo na lang kung gaano kagulo ang room namin.

"Nga pala! Kamusta na sila Nico at Janella?" Tanong ko sa kanila.

"It seems like there's no any glimpse of hope that they'll be together again" sabi ni Mico.

"Huh? Bakit?" Na-curious kong usisa sa kanila.

"May bago ng girlfriend si Nico eh" sagot ni Rico.

"And he's damn serious about that girl" Dugtong ni Mico.

"Tss. Sayang naman sila" Komento ko.

"Talagang sayang! Wala eh, ganun talaga" sabi naman ni Troy.

Habang nag-uusap kami at nag-iingay 'yong iba naming kaklase biglang may nag-slide ng pinto ng napakalakas kaya napatahimik ang buong klase ay napatingin sa taong gumawa nun.

Lakas loob siyang pumasok at naglakad sa aisle ng room namin. Lahat kami nasa kanya ang tingin at nagtataka kung sino siya at anong ginagawa niya sa room namin.

Bigla siyang huminto sa harap ko kaya medyo nabigla ako.

Tumingkayad siya at...

...hinalikan ako.

What the—?!!! I was really really surprised. It even made my eyes grow wide. That kiss last almost few seconds.

Pagkatapos niya akong halikan ay diretso siyang lumabas ng pinto at isinara ulit ito ng malakas.

A-ANO 'YON?!!!

Napahinga ako ng malalim. Para kasing may bigla kumurot sa puso ko. Nakakainis. Sana madali lang mag-move on 'no? Para wala ng sakit dito sa puso. Sana every after heartbreak, automatic na mawawala yung love mo para sa taong 'yon.

Kaso hindi, "Love the pain so it will leave you" Hahaha. Kasi lahat ng minamahal mo iniiwan ka.

Ano na namang ka-dramahan 'yan Rayke Vincent Baltazar?

Haysss.

Note to heart: Take a break from heart break.

Sana wag na akong pagtripan ng tadhana. Nakakapagod kayang masaktan at laging maiwan.

Bumuntong hininga ako. Nakaabot na ako sa garden at grabe ang ganda ng bagong landscape ngayon. Sarap tumambay dito. Uupo na sana ako sa damuhan ng may marinig akong sumisigaw.

"Aaaaaaahhhhhh!!!"

Tumingin ako sa kaliwa at kanan ko pati narin sa likod at harap pero wala namang tao hindi kaya nasa taas ko. Dahan-dahan kong tumingala at tila dumidilim yung paningin ko.

Naramdaman ko na lang na lumagapak ako sa lupa pati na yung nilalang na nahuhulog kanina. Ano siya? Anghel na nahulog mula sa langit?

Unti-unti kong idinalat ang mga mata ko. And yeah, nakahiga lang naman ako sa lupa at nakapatong siya sa akin.

"S-sorry" Agad siyang tumayo at lumayo ng kaunti.

Ako naman ay minamasa-masahe ang likod ng ulo ko habang bumabangon at tumatayo. Pinagpagan ko yung uniform ko at saka tumingn do'n sa babaeng nakatayo sa harapan ko na nanonood sa ginagawa ko.

Umiwas siya ng tingin na tila nahihiya sa akin.

"U-uhmmm…p-pasensya na talaga"

Ngumiti ako. "Okay lang"

Tumingin siya sa akin ng may pagkagulat. "T-talaga? A-ayos lang sa'yo?"

Tumango-tango ako sa kanya.

"S-salamat ah! Ako nga pala si Erin---" Akma niya sanang iaabot yung kamay niya ng bigla siyang mapatigil at mapahawak sa kanan niyang kamay.

"Oh! Okay ka lang ba? Sumasakit ba 'yang kamay mo?"

"Oo. Siguro dahil naitukod ko ito kanina para hindi ako tuluyang sumubsob sa'yo" Tugon niya na parang nasasaktan dahil sa kirot na dulot ng kanan niyang kamay.

"Samahan na kita sa clinic" Alok ko.

"H-hindi na. Masyado ng nakakahiya sa'yo. Tsaka baka ma-late ka na sa unang klase mo"

"Mamaya pa naman yung una kong klase. Tara na?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"S-sige pala. Salamat talaga ah"

Sabay na kaming naglakad papuntang clinic. Tahimik lang sana kaming maglalakad nang bigla kong maalala kung bakit nahulog siya mula sa langit.

"Ano nga palang nangyari at nahulog ka mula sa langit? Hindi ka naman anghel diba? Mukha lang?" Tumawa ako sa huli kong sinabi.

Napatawa din siya ng kaunti.

"Mukha lang akong anghel pero di naman talaga" Napatingin ako sa kanya na nakatingin lang sa dinaraanan namin. She's smiling but it feels like there's a hint of pain in her voice.

"S-sorry. Parang may naalala kang hindi maganda"

Lumingon siya sa akin ng may ngiting malawak. "Haha. Okay lang"

"Teka, ano na nga pala ang dahilan kung bakit ka nahulog mula sa langit?"

"Ah 'yon ba? Lumabas kasi ako ng deck at naglakad ako do'n sa gilid na sementado rin na medyo manipis lang kaya nakatingkayad ako tsaka nakakapit rin ako sa deck. Inaabot ko kasi yung pugad ng ibon na malapit ng mahulog ang kaso ako naman yung nahulog" Napatawa siya sa paliwanag niya sa akin.

"Ganun talaga, minsan ikaw na nga yung nag-e-effort, ikaw pa din yung masasaktan" Komento ko sa kanya.

Narinig ko ang paghagikhik niya kaya tumingin ako sa kanya.

Ang cute ng giggle niya.

Hey! Snap out of it Rayke! Nagsisimula ka na naman eh! Aalahanin mo naman yung note to heart mo!

"Ang lalim ng hugot mo ah. Broken ka din ba?"

"Medyo. Alam mo naman, di madaling mag-move on diba? Lalo na pag minahal mo talaga ng husto ang taong 'yon?"

Ngumuso siya at tumango-tango siya habang nakatingin sa daanan namin. Maya-maya pa ay bigla niyang pinanhawak ang kaliwa niyang kamay sa braso ko at biglang nagtago sa likod ko. Napahinto din tuloy ako sa paglalakad at takang-taka sa kung ano mang ginawa ng babaeng 'to.

Tumingin ako sa harap namin upang malaman kung sino yung pinagtataguan niya.

Nagsalubong ang dalawa kong kilay. Teka...kilala ng babaeng 'to si Troy?

"Uy Rayke!" Masiglang bati sa akin ni Troy kasama si Julia.

Blooming ang dalawa. Malamang , in love eh.

Huminto silang dalawa sa harap ko.

"Ba't pagala-gala kayo?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Syempre! Gusto ko pang makasama ang bal-loves ko!"  Pagmamalaki ni Troy.

Napangiwi ako. Yung mga ganong endearment? Di mo ma-appreciate pag broken ka.

"Baka kamo gusto mo na namang kumain!" Pang-aasar ko kay Troy.

"Hay naku Rayke! Hiyang-hiya ako dyan sa kaibigan mo! Sa sobrang hiya ko, araw-araw pinagluluto ko na siya. Baka kasi pumayat siya" Sarkastikong tugon ni Julia.

"Grabe ka naman sa akin Bal!"

"Totoo naman Troy Erick Reyez!"

Ngumuso si Troy. Pinalibot niya yung kamay niya sa balikat ni Julia at hinila ito palapit sa gilid niya. Nakasimangot lang si Julia.

Napahagikhik na lang ako. 'Tong mga 'to talaga. Sooobbbrrraaanggg sweet sa isa't isa. Naramdaman niyo ba?

Pero atleast, kahit ganyan silang dalawa, 3 years na silang mag-on.

Biglang gumalaw si Erin sa likod na tila nagsasabing tara na.

Magpapaalam na sana ako kay Troy nang bigla siyang magsalita.

"Sino 'yong nagtatago sa likod mo Rayke?" Medyo sumilip pa siya ng kaunti.

Ginalaw ulit ni Erin yung kamay ko na parang sinasabi niyang wag mo akong ipakita sa kanya pero huli na ang lahat dahil bahagya na siyang hinila ni Troy mula sa gilid ko.

"Erinelle?" Nagtatakang tanong ni Troy at pinagsalit-salit niya yung tingin niya sa amin ni Erin.

Teka nga! Paano sila nagkakilala?

"Woah! Magkakilala kayong dalawa?" Nahihiwagaang tanong ni Troy.

"Uhhh...medyo?" Nag-aalangan kong sagot.

"Huuuh? Anong klaseng sagot 'yan Rayke?"

"Matino!"

"Si Erin na nga lang tatanungin ko!"

Napangiti na lang si Erin ng may pag-aalangan.

"T-troy"

"Erin, long time no talk! Kayo na ba nitong  ni Rayke?" Tanong ni Troy sa kanya.

"Huh?!" Sabay naming reaksyon ni Erin.

"Sabagay, okay naman kayo. You have my blessing" Sabi ni Troy at tinap niya yung balikat namin ni Erin. Pagkatapos no'n ay umalis na sila ni Julia.

Magkasalubong ang kilay kong sinundan ng tingin sila Troy habang papaalis.

Parang baliw talaga ang isang 'yon.

Tiningnan ko yung reaksyon ni Erin. May lungkot sa mata niya at medyo nakanguso din siya.

Hinawakan ko yung balikat niya dahilan upang mapatingin siya sa akin.

"Paano mo nakilala si Troy?" Sabay naming tanong sa isa't isa.

×××

To be continued...