Chereads / If I was Your Boyfriend / Chapter 3 - Chapter 2: Them

Chapter 3 - Chapter 2: Them

RAYKE.

Nagkaroon lang daw ng kaunting inflammation sa kamay ni Erin kaya binigyan siya ng gamot para do'n. Lumabas na rin kami ng infirmary at sabay kaming naglakad sa hallway.

Mas matangkad ako kay Erin. Hanggang tenga ko lang yata siya. Pero ang cute niya talaga...para siyang anghel.

Kainis! Rayke! Magtigil-tigil kang ogag ka!

"Wala ka bang pasok Rayke?, nakangiting tanong sa akin ni Erin.

Bigla akong napatingin sa relo ko.

"Hala! Potek! Kita na lang tayo mamaya sa garden, Erin!"

Tumakbo ako ng mabilis dahil potek! Male-late ako sa unang subject ko ngayon! Saang room ba ako ngayon?! Takte naman kasi Rayke!

Huminto muna ako sa hallway at tiningnan yung enrolment form ko kung saan nakasulat ang schedule ko.

PHI103 10:00-11:30 am A222

Sa building A?! Nasan na ba ako ngayon? Luminga-linga ako. At tokwa naman talaga! Bakit nasa ZJR Building ako?!!

Saan nga ba yung Building A? Nanlaki ang mga mata ko ng maalala kong sa tabi lang pala ng MAIN BUILDING, kung nasaan yung infirmary, yung Building A.

Malapit lang pala room ko! Tinakbo ko pabalik yung Main Bldg at pagkalagpas ko roon ay tumambad na sa akin yung Bldg A.

Nagmamadali akong naglakad sa loob ng building habang hinahanap yung room ko.

A220

A221?!

Ito na yung dulo ng Ground Floor ?!!

Ibig sabihin nasa 2nd floor pa yung room ko?! Anak talaga ng takte! Bakit ba ang swerte ko ngayon?!! Napakamot ako sa ulo ko at tinakbo ang hagdan pataas.

A222

Sa wakas naman diba?!

"Takte kang room ka! Pinahirapan mo ako!!" Sigaw ko na pabulong habang dinuduro-duro yung room na nasa harapan ko ngayon habang nagm-make face na galit.

Teka? May professor na kaya? Dahan-dahan kong binuksan yung pinto habang nakayuko. Pagsilip ko sa siwang na ginawa ko...

"WAAAAAHHH!" Sigaw ko. Napabitaw ako sa door knob at napaupo sa hallway.

Paano naman kasi! Tanginis! May nakasilip din sa aking mata mula sa loob ng room! Sino ba namang hindi aatakihin sa puso?!

Naipikit ko ng madiin ang aking mga mata at napahawak sa tapat ng puso kong napakabilis ng tibok. Gawa na rin siguro ito ng pagtakbo at dahil nga nagulat ako sa matang nakasilip din!

Dahan-dahan akong nagmulat at...

"WAAHH!," sigaw kong muli. Napaurong pa ako ng kaunti habang nakaupo pa rin ako sa hallway.

Paano ba naman kasi pagkadilat ko may sumalubong sa aking isang pagmumukha na nakangiti. Nakaupo siya sa harapan ko.

Aatakihin talaga ako sa puso eh!

"Wala pang prof, Rayke" Nakangiti niyang sabi sa akin.

"T-teka...Erin?"

"Uhuh" Tumango-tango siya habang nakangiti pa rin.

Tinulungan niya akong tumayo gamit ang kaliwa niyang kamay. Nagpagpag ako ng slacks ko at inayos ko ang bag kong nasubsob din sa sahig kanina.

"Salamat," sabi ko sa kanya.

"Wala 'yon," sandali siyang ngumiti.

"Ah, Erin! Saang room ka ngayon?"

"Huh?," Lumingon siya sa pinto ng A222. "Dito ako," at saka ito tinuro.

Nagulat ako sa sinabi niya. "HUH?! Ibig sabihin blockmate kita?!"

Ngumiti siya ng parang natatawa. "Siguro..." Tumalikod na siya. Akma na niyang bubuksan ang pinto nang bigla siyang lumingon ulit.

"Ako yung matang nakasilip din kanina. Nagtataka kasi ako kung bakit nagbukas ang pinto pero nakasiwang lang kaya sumilip ako. Nagulat na lang ako na biglang kang sumigaw. Akala ko kung sino, ikaw lang pala Rayke," tuluyan na siyang pumasok sa pinto kaya sumunod na din ako sa loob.

"W-wait! Kaklase talaga kita?!," habol ko sa kanya.

"Malamang! Ano ka ba! Nasa iisang room lang tayo diba?," Natatawa niyang sabi.

"Eh bakit hindi mo ako hinila kanina? Napunta pa tuloy ako sa ibang building"

"Huh? Malay ko ba naman kasi kung anong sched mo. Wala ka namang sinabi sa akin 'no. Bigla ka na lang tumakbo kaya hinayaan na lang kita," Humahagikhik siya habang sinasabi 'yon.

Natawa na lang din ako sa sarili ko nang marealize ko 'yon. "Oo nga, 'no?" Napakamot ako sa batok ko.

"So, Logic and Critical Thinking din ang subject mo ngayon?," tanong niya.

"Ah, malamang nasa iisang room lang tayo diba kaya malamang iisa lang din ang subject natin"

"Ikaw talaga! Nagtatanong lang eh. Malay mo naman! Naligaw ka lang ng room," ika niya habang naka-pout ng kaunti.

Hala! Bakit ang cute nya pero ang mature niya pa ring tingnan?

Take a break from heart break, Rayke! Hindi lahat ng babaeng makakasalamuha mo, pwede mo ng gawing jowa mo! Wala ka bang kadala-dala ha?!

"Yow Erin baby!," may lumapit sa aming lalaki na halos kasing tangkad ko lang.

"Bakit Timi?," tanong ni Erin do'n sa lalaki.

"Sino siya? New friend?," nginuso niya ako.

Ngumiti si Erin sa aming dalawa.

"Let me introduce myself formally, I am Erinelle Night Gamboa," pagkasabi niya no'n ay inilahad niya sa akin ang kanyang kamay.

Binigyan nung Timi ng isang nagtatakang tingin si Erin.

"Formally? Ibig sabihin...di pa kayo magkilala masyado?"

Humagikhik si Erin. "Oo. Kakakilala ko lang sa kanya kanina"

Tumango-tango naman yung lalaki. "I'm Timios Moniko Oscar. Please to meet you. You can call me Timi" at ngumiti siya.

"Rayke Vincent Baltazar" Pagkasabi ko no'n ay ngumiti din ako.

"Tabi-tabi na pala tayo" Suhestyon ni Erinelle.

"Eh! Ayoko sa likod! Dito na ako sa harap!" Reklamo ni Timios.

"Okay. Di naman kita pinipilit Timi. Sa likod na lang kami uupo ni----"

"RAYKE?!!!" Sabay-sabay kaming tatlong napatingin sa may bandang pinto.

At nakita kong papasok si Troy at Mico na may kasama pang dalawang lalaki sa likod nila. Si Mico at Rico ang kambal sa tropa pero parang mas kambal pa sila ni Troy. Mas close sila at laging magkasama.

"Anong ginagawa niyo dito ni Mico?"

"Uhhh...kasi kami may-ari ng school? Uhhh...kasi may subject kaming Logic and Critical Thinking? Uhhh...ano pa ba?"

"Loko ka ah! Pilosopo kang ungas ka! What I mean is! Diba Educ kayo? Anong ginagawa niyo dito sa Engineering?!"

"Bakit bawal b---Uuy! KAYO NA BA TALAGA NI ERIN?!"

Sabay-sabay kaming napa-"HUH?!" nila Erinelle at Timios.

"OO! KANINA PA KAYO MAGKASAMA NI ERIN 'DI BA?!"

"Your freaking mouth is loud. You are talking to that guy like he's million of light years away from you" Cold na sabi nung isang kasama nila Troy. Grabe! Mas cold kay Mico eh.

Sa walang emosyong mukha ni Mico ay naglakad na siya papunta sa likod at halos nakasunod sa kanya yung dalawa.

Tila nagpanic si Erinelle at sinaway si Troy.

"H-hindi. Nagkakamali ka lang Troy. S-sinamahan lang ako ni Rayke sa infirmary kanina. T-tsaka kanina lang din kami nagkakilala"

Sa totoo lang, di naman niya kailangan pang magpaliwanag ng gano'n kay Troy eh...pero bakit? Parang kinabahan siya ng wala sa oras?

"Oi! Sandali lang naman!" Sigaw ni Troy sa tatlo. "Parang di ko talaga kayo mga pinsan! Sabagay...may punto din ako. Broken nga pala kayong tatlo! HAHAHA!"

Sarap batukan ng Troy na 'to! Porque may asawa na siya!

"Saan pala kayo nakaupo?" Tanong ni Troy kay Erinelle.

"Uh...doon s---" Bago pa maituro ni Erinelle ang upuan namin ay napahinto siya sa pagsasalita dahil sa nakita niya.

Dahan-dahang napangiti si Erinelle. "S-sa harap niyo lang"

"Talaga?! Pangalawang row bago ang pinakalikod? Sakto! Tara! Umupo na pala tayo!"

Nauna na si Troy maglakad at sumunod naman kami ni Erinelle sa kanya.

"Erin! Dito ako sa harap ah!" Sigaw ni Timios.

Lumingon si Erinelle sa kanya. "O-oo"

Bakit parang naging gloomy bigla si Erinelle?

"Wala ka bang balak lumipat dito?" Parang nag-aalalang tanong ni Timios.

"W-wala. Don't worry, Timi. I'm okay" She gave him a courageous smile.

Wala pa ang prof namin kaya wala nang ginawa ang mga kaklase ko kundi ang magdaldalan. Well, ako nakikipag-usap din naman ako kila Troy. Seriously, si Troy lang talaga yung pasimuno ng kaingayan dahil nanahimik naman si Mico. Pati na rin yung kasama nilang dalawa na di ko kilala pero parang nakita ko na sila dati. Nakita? Baka naman kamukha lang?

"Erinelle" lumingon siya sa akin at binigyan niya ako ng nagtatakang tingin.

"B-bakit ganyan ka tumingin? Mali ba yung pagkakasabi ko ng pangalan mo?"

Para siyang nabigla sa tanong ko dahil napabuka ng wala sa oras ang bibig niya. Binawi niya iyon sa pamamagitan ng isang ngiti at pag-iling-iling.

"Nakakapanibago lang kasi. People often call me Erin and not Erinelle. Usually they call me using the latter when they're serious," sabi niya habang nagc-calligraphy ng pangalan niya sa yellow paper.

"Ah...gano'n ba?," humagikihik ako. "Your name is too beautiful to be shortened. And I prefer calling you Erinelle because it's kinda unique," nakangiti kong tugon sa kanya.

Totoo naman kasi. Medyo kakaiba pangalan niya....may elle sa dulo.

Eh?! Naalala ko si Kershelle. Ganun din pala dulo ng pangalan niya. Edi ibig sabihin, unique din pangalan niya? HAHAHA. Di lang naman pangalan niya ang unique, pati siya mismo.

Nakakamiss din yung babaeng 'yon. Kundi lang talaga niya mahal 'yang si Mico aka Powdered Drink, malamang niligawan ko 'yon!

At ang nakakainis pa! Si Mico pa talaga yung nakipag-break! Nasapak ko talaga siya nang nalaman ko 'yon!

Nabigla kami nang biglang bumukas ang pinto ay iniluwa no'n ang isang babaeng halata mong tumakbo dahil sa hinihingal siya. Pagkatapos ay dahan-dahan niyang sinara ang pinto.

Nahalata niya siguro na nakatingin ako sa kanya kaya ngumiti lang siya. Nagmadali siyang umupo sa hanay nila Troy.

"Hi Wrong" Ngiting-ngiti niyang bati do'n sa lalaking mas cold pa kay Mico.

Tiningnan lang siya nung Wrong saka nangalumbaba siyang tumingin sa harap at dahil inoobserbahan ko sila nakita niyang nakatingin ako sa kanila.

Tinanggal ko na lang yung tingin ko sa kanila at saktong may tumatawag sa phone ko.

Uy! Si Kershelle?

Napangisi ako. Sinadya kong lakasan ang boses ko para marinig ni Mico.

"Kershelle! Bakit napatawag ka?"

"Masama ba? HAHAHA! Miss ko lang kayo diyan"

"Miss na din kita. HAHAHA!"

"Waaaahhh! Miss na miss ko na talaga kayoooooo"

"Miss na miss na din kita!"

"#SelosSiMico #BrokenSiMico HAHAHAHA!" Rinig kong pang-aasar ni Troy kay Mico.

"Shut up, Troy" Kahit nakatalikod ako ramdam kong inis si Mico. HAHAHA. Kasalanan niya kasi.

"Uuwi nga pala ako Rayke next month"

"Talaga uuwi ka next month?! Date tayo ah. HAHAHA"

"Tayo lang talaga? Hahaha. Sige sige! Ihanda mo na ang balde-baldeng ice cream ah. Hahaha!"

"Oo naman, para sayo Icieee"

"Yun naman! Kaya love kita eh"

"Mas love kita!"

"Ewan ko sa'yo Rayke!"

"Hahaha!"

Nilalakasan ko talaga ang bawat sagot ko kay Kershelle dahil gusto kong iparinig 'yon lahat kay Mico. Nang manghinayang naman siya kay Kershelle. Langya siya.

"Uy Mico! Saan ka pupunta? Wag kang mag-suicide ah! Hahaha"

Napatingin ako sa likod at nakatayo na nga si Mico paalis.

"I'm not suicidal like you, Troy" He just said coldly.

Halos matawa ako sa kanila. Habang nakatigin ako sa papaalis na si Mico, napansin ko namang nakatitig yung Wrong kay Erinelle.

"So long, Rayke" Pagpapaalam ni Kershelle sa tawag.

"Until then, Kershelle" Nakangiti kong pagpapaalam.

Ibinulsa ko na ang phone ko.

"Erinelle" Tawag ko sa kanya.

"Hmmm?" Tinanggal niya ang tingin niya sa phone niya at tumingin sa akin.

"Kilala mo ba yung Wrong?" Curious kong tanong.

Parang biglang nagbago ang itsura. Lumungkot ang mga mata niya. Saka ngumiti siya ng peke.

"Oo" Tipid niyang sagot.

"Sino ba siya?"

Suot pa rin ang pekeng ngiti sumagot siya.

"Ex ko"

To be continued...