Chereads / 30 Doors / Chapter 30 - 2nd Door

Chapter 30 - 2nd Door

I love those who can smile in trouble, who can gather strength from distress, and grow brave by reflection. 'Tis the business of little minds to shrink, but they whose heart is firm, and whose conscience approves their conduct, will pursue their principles unto death.

-Leonardo da Vinci

***

There were four of us left: Vlad, Bella, me and the wounded Andreas. Tatlo ang humahabol saaming samurais. We may have locked the door on the fire exit but knowing how skillful and capable the enemies were, they will still have us.

For sure.

Mafia ang kalaban namin. Sinong baliw ang sasangga sa mga katana ng samurai?

Andreas. Yes. The guy is a fighter. His strong will, not to mention, his skills as a secret assassin or whatnot would definitely give him the right to stand against those who chase us.

Vladimir can kick and throw some punches but he wasn't trained to kill and so as Bella and I. Pang-kalyeng suntukan lang ang kaya namin.

Tanging si Andreas lang ang may kakayahang harapin sila. I suspect Andreas to be a member of a Mafia as well, sila ni Zyril. Just like Satana, Mildred and Larryson, they were overly skilled and too fatal to deal with. They were born to kill, if not worse; to kill each other.

Andreas, wounded or not, was facing three or even four if Larryson would join the evil team-up. We'll all end up dead.

We need to strategize.

"Grab some cloth! Grab some cloth!", Paulit-ulit na sigaw ni Andreas nang maisandal ito ni Vlad sa silangang bahagi ng second floor--ang parking lot.

Nakatarak pa rin sa kanang binti nito ang matulis na espada habang hawak ng magkabilang kamay nito ang dalawa pang samurai.

Mabilis na nilibot ni Bella ang paligid. Hindi ito magkandaugaga sa paghahanap ng telang ipantatali sa sugat ng lalaki. Walang gamit sa floor na iyon, tanging apat o limang sasakyan lamang na nakakalat sa malawak na parking area ng MOS Tower.

"Ang bagal!" Bulyaw ng lalaki na tila nainip sa paghihintay ng tela.

Mula sa isang sulok ay muling bumalik si Bella sa kinaroroonan namin. Walang pasabi nitong inagaw ang matulis na patalim sa kanang kamay ni Andreas.

Wala ni isa saamin ang nakaimik.

Muling tumakbo ang babae sa kaliwang sulok ng ikalawang palapag. Nakadinig kami ng mga nabasag na salamin pagkatapos. Marahil ay may binasag na bintana ng sasakyan si Bella.

Kasunod no'n ay narinig ko ang mga tumatakbong yabag ng babae patungo saamin. May dala itong isang kulay asul na T-Shirt at isang bote na sa tingin ko ay alak ang laman.

Bella was gasping for air as she reached our point. Kaagad itong lumuhod sa gilid ng hindi mapakaling si Andreas. "Mina, hawakan mo ang kamay niya. Vlad, i-ikaw na ang humugot sa espada."

"Just do it. Hindi ako batang iyakin na kailangan pang pakalmahin para huwag umaray. Just remove the fucking sword!" Andreas demanded. He clenched his teeth hardly.

Huminga ako ng malalim. Nahuli kong nakatitig saakin si Andreas na tila nagmamakaawang tanggalin ko na ang espada sa kanang binti nito.

I folded the shirt and let Andreas bite on it. He would definitely need it. Then, I immediately grabbed his other sword and cut his jeans across to clear the wounded part. Mas madaling matatalian ang sugat at binti nito to apply pressure and stop the bleeding later on. "Bite hard. I'm not going to count. This will be very p-"

A loud manly scream conquered the entire greasy parking area.

Andreas grunted so hard. Hindi nito inasahang tatanggalin ko agad-agad ang nakatarak na espada habang kinakausap ko siya. Bumulwak ang masaganang dugo mula sa binti nito.

Mabilis na hinablot ni Bella ang damit na nakabusal sa lalaki. She used the sword to cut them into sheets while Vlad immediately opened the bottle of gin. Without any hesitation, he poured the alcohol on the poor guy's wounded leg.

Another loud growl from Andreas.

Bella swallowed a huge lump in her throat before she continued taking charge. Nang matupi nito ang dalawang layer ng tela ay mabilis nitong itinapal iyon sa sugatang binti ng lalaki.

Muling napasigaw ang lalaki. Napahawak ito sa kaliwang braso ko kasabay ng pagtagatak ng masaganang pawis mula sa iba't ibang bahagi ng katawan nito. I could almost feel the unbearable pain in his body.

"Press harder on the wounded part to stop the bleeding!" Natatarantang utos ni Bella. Sumenyas itong ako na ang humawak sa telang nakadiin sa sugat nito.

Napalunok ako bago mabilis na inilapat ang kanang palad ko sa sugat nito. Mas humigpit ang hawak niya sa braso ko. Hinayaan ko lang ito. The wounded guy needed a company in the first place. He needed me.

"Bella, wala na bang ibabagal ang bendang 'yan?" The guy clamored impatiently.

"Done here!" Maagap na sagot naman ng babae. Kaagad nitong ipinulupot ang benda na gawa sa T-shirt. Mahigpit ang ginawa nitong pagtali para mapigil ang pagdurugo ng sugat ni Andreas.

***

We were all exhausted after tending Andreas' wound. Hindi ko alam kung ilang oras ang nakalipas.

We all decided to hide beside a huge Adventure car. Napapagitnaan kami ng nangingitim na dingding at ng sasakyan. Andreas was seated on the southern side next to me. Nakayakap naman sa kanyang mga tuhod si Bella sa tabi ko habang nakaalerto sa tabi niya ang may hawak na espada at dalawang bote ng gin na si Vlad. I was holding a bottle which we took from the same car where Bella had the first one.

Nangangamoy langis na ang paligid. We have set-up the place for hell. All the car oil and gases have been equally scattered. May nakasabit na ring tatlong galon ng gas sa kisame kung saan inaasahan naming dadaan ang posibleng kalaban.

It was all or nothing. Wala kaming kasiguraduhan kung uubra ang plano namin. It was the only choice we had since we're overpowered by the foes.

Vlad and Andreas strategized everything. Sa oras na dumating ang mga nilalang na may hawak na patalim, magsisimula na ang pakikipagsapalaran namin para mabuhay.

If all else fail, then we die.

***

A screaching sound alerted us all.

Nagsimulang dumoble ang mabilis na kabog ng dibdib ko nang kusang bumukas ang elevator.

We've been expecting them.

Dagli akong tumayo. Andreas and Vlad gave me an encouraging stare which apparently did not help. Tumakbo naman sa isang sulok si Bella habang hawak nito ang lighter. Nasa likod ito ng isang poste, ilang metro ang layo mula sa elevator. Tumayo ako sa harapan ng elevator. Sa likuran non ay ang sasakyang Adventure kung saan tahimik na nakatago sina Andreas at Vladimir.

Isang ceiling joist ang pumapagitna saamin ng tatlong samurai. Sa joist na iyon nakasabit ang mga nakagalon na gas. Sa oras na tumakbo palapit ang mga ito, awtomatikong babatuhin ni Vlad ang mga nakasabit na galon para paliguan ng langis ang mga kalaban. Then Bella would burn them alive.

It was a lame idea but we had no choice. Andreas had an alternative plan which he did not mention further. Basta siya na daw ang bahala kapag pumalya ang lahat.

Kinabahan ako ng todo. Pakiramdam ko'y nakaharap na ako sa sarili kong lamay habang unti-unting bumubukas ang pintuan ng elevator at isa-isang bumulagta sa mata ko ang mga mukha ng kanina'y natatabingang samurai.

Napaatras ako nang mapasadahan ko ang mukha ng tatlong nilalang. Dalawa sa kanila ay mga utility workers ng MOS at ang lalaking nasa gitna ay walang iba kundi...

"L-Larryson..." Napaatras ako habang binabanggit ang pangalan ng mastermind ng lahat.

Humakbang palapit ang tatlo. Nagsimula akong umatras palayo habang tinatantiya ang distansya nila mula sa ceiling joist.

Mula sa peripheral vision ko, napasadahan ng paningin ko ang paghahanda ni Bella sa isang sulok.

Bumilis ang paghakbang pasugod ng dalawang mamang taga-Administrative Aide department. Larryson stepped back as he watched me run backwards. Mukhang hindi uubra ang plano!

Napahigpit ang hawak ko sa bote habang bumubulong ang utak ko ng isang malaking bahala na. Narinig ko naman mula sa aking likuran ang mabilis na pagtakbo ni Vlad paharap.

Sa sobrang bilis ng mga pangyayari'y hindi ko namalayan ang paggapang ng apoy mula sa kinaroroonan ni Bella at ang magkasunod na pagbato ni Vlad sa mga galon ng gaas na nakasabit sa joist.

Natamaan nito ang dalawang galon, kusa iyong kumalat sa tapat ng papalapit na samurai. Nasunog ang isa, siya yong mamang napuruhan ng ligo ng gaas, habang ang isa pa'y mabilis na nakaiwas sa apoy. Kaya naman habang sumisigaw ang nasusunog na samurai ay nagawang takbuhin ng isa pa ang distansyang namamagitan sa kanila ni Vlad.

Kumislap ang espadang hawak ng kalaban nang itaas niya ito sa ere upang tagain si Vlad.

Vlad was ready to block the attack with his own sword pero hindi ang hawak niyang espada ang nakasangga doon. A whooshing sound of metal in the air came across and a loud clang of swords warned the burning floor. Andreas was blocking the enemy's blade. Biglang sumenyas ang huli kay Vlad.

Mabilis na naiwasiwas ni Vlad ang hawak nitong espada pahalang sa katawan ng kalaban.

Napayuko ang lalaki. Hindi ko inaasahan ang mga sumunod na nangyari. Sa halos magkasunod na segundo, pinalipad ni Andreas ang patalim ng hawak nitong espada sa braso ng lalaking may hawak na samurai. Naputol ang braso nito. The blood squirted like a liquid from the faucet.

Hindi na narinig ang pagsigaw ng lalaki dahil nagilitan na ni Andreas ang lalamunan nito pagkatapos niyang putulan ng kamay ang kalaban.

Halos mangatog ang tuhod ko habang pinapanood ang mga kaganapan. Hindi ko alam kung lalabas pa akong normal pagkatapos ng mga natunghayan ko.

"Vlad! Ilag!" Isang malakas na sigaw mula kay Bella ang narinig.

Lumipad ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses --kasalukuyang hawak ito sa braso ni Larryson pero ang kagulat-gulat sa lahat ay ang kumimislap na dulo ng espadang nagawang maibato ng lalaki patungo sa kinaroroonan ni Vlad.

Hindi din iyon namalayan ni Andreas. Huli na nang tangkain nitong iligtas si Vlad. Hindi nakailag ang huli. Napatili ako nang tumama ang talim ng espada sa kanang dibdib ng lalaki.

"Vladimir!" magkasabay naming sigaw ni Bella.

Tila tumigil sa pagtakbo ang orasan nang paatras na naglakad si Vlad habang bumubulwak ang masaganang dugo mula sa sugatang katawan nito.

Kasabay no'n ay ang mabilis na pagtakbo ni Andreas patungo sa kinaroroonan nina Larry at Bella.

Awtomatiko namang tumakbo ang nanginginig kong mga paa patungo sa kinaroroonan ni Vlad. Pakiramdam ko'y bibigay na ang katawan ko sa sobrang tensyon.

"Vladimir..." tanging nasambit ko nang masalo ko ang katawan ng lalaki. Kusang kumawala ang mga luha sa mata ko. Nanginginig ang mga kamay kong napahawak sa katawan nito.

"M-Mina..." usal ng lalaki sa mahinang tono.

"Don't leave us. Malapit na tayo sa ground. Malapit na!" Hindi ko na mapigilang humagulgol. I have lost a lot of friends. Missing another one could kill me.

The guy gasped for enormous air. Tahimik itong napangiwi habang nakatitig sa nagsasagupaang sina Larry at Andreas.

"Leave me here M-Mina. You h-have to help Andreas. Mahina na siya. He's lost a lot of blood."

"N-no Vlad, hindi kita pwedeng iwan. You n-"

"Shhh... I'll live if they want me alive. You, too. Just g-go."

Wala na akong nagawa. Malungkot na nginitian ako ng lalaki nang muli ko itong lingunin.

"Thank you, Mina." He whispered. The saddest words of gratitude I have heard in this lifetime. It tore me apart.

Pinutol ng malakas na tili ni Bella ang usapan namin ni Vlad. Sugatan ang kanang pisngi ng babae na marahil ay mula sa samurai ni Larry.

Sa harap nito ay ang mabilis na tagaan ng patalim nina Larry at Andreas. May hiwa sa kanang braso si Andreas habang may sugat na rin sa binti si Larry.

Nang humakbang ako palapit kay Bella ay namataan kong nakatanggap ng magkasunod na suntok sa sikmura at isang malakas na side kick si Andreas. Tumilapon ito sa semento.

Hindi siya tinigilan ni Larry. Sinundan niya ang nakahigang lalaki saka tinangkang saksakin sa ulo gamit ang patalim ng espada nito. Mabilis na nahawakan ni Andreas ang espada at halos mapasigaw ito nang dumikit at dumaan ang patalim ng espada sa palad nito.

"Scorpions don't bleed, why do you?" gigil na tanong ni Larry sa lalaki.

Andreas grunted. He struggled to fight back the enormous strength. "I bleed for my people, for my friends. Do you?"

"I should have killed you upstairs. But I wanted a slow but painful death for you Grayson. This!" Pagkabanggit nito sa mga katagang iyon ay isang malakas na suntok sa sugatang binti ng lalaki ang ipinatikim nito.

Napasigaw si Andreas. Halos naihi ito sa tindi ng kirot na natamo.

Sa sobrang panghihina ni Andreas ay hindi na ito nakapalag pa. Hindi din kami nakalapit ni Bella dahil sa hawak ni Larry ang buhay niya. Iniapak nito ang kanang paa sa sikmura ng lalaki. " You killed my sister! You don't deserve an easy death buddy. You deserve this!" Mas lalo niyang binigatan ang paa nito.

"I did not kill her. K-Karen knows that. S-sinundan ko siya sa UN Avenue dahil sa banta sa buhay niya. The Reds shot her in the head. I w-was too late to save her."

"Either you or the Reds, all Scorpions must die. The war between Infinites and Scorpions has been passed through generations. Now, it's time to claim the trophy!"

Larry was about to slit Andreas throat nang mapansin ko ang nakakalat na samurai mula sa nasunog na kalaban. Wala sa sarili kong hinugot 'yon mula sa labi ng bangkay. Pakiramdam ko'y' yon na lang ang nakikita kong paraan para tulungan si Andreas.

Sa paglalakbay ng dulo ng espadang hawak ni Larryson patungo sa lalamunan ni Andreas, walang pag-aalinlangan kong hinawakan ang handle ng samurai at inihagis iyon patungo sa leeg ni Larry na parang isang javelin...

###