Chereads / 30 Doors / Chapter 32 - Epilogue

Chapter 32 - Epilogue

Kakalabas ko lang ng ospital no'n after a week of confinement. Hindi pa talaga ako dapat pwedeng lumabas, but I had to. Kailangang kong maihatid sa huling hantungan si Vladimir. Sa loob ng isang linggong iyon, maraming naganap.

Laman ng balita ang pagkasunog ng MOS Tower at ang massacre ng Reds at ang kanilang mga empleyado. Kinakalat ng media na terrorist attack ang posibleng nangyari. Minabuti namin: Mina, Bella, ako at ni Sykyoe na sakyan ang pinapalabas ng mga balita. We had to secure our safety as well.

Tinagurian kaming survivors ng MOS massacre. I know, the coming days will be a lot of complexities, of lies and deception; but we had to do it. Sometimes, people have to do the worse just to keep the interests of their loved ones.

It is what we are doing.

Nasa isang black limousine na ako patungo sa libing ni Vladimir, sa Bonifacio Global City.

"Sir Andreas, here's the place." Turan ng personal driver ko na si Jofferson. Kaagad itong bumaba mula sa driver's seat para alalayan ako sa pagbaba. Pipilay-pilay pa rin kasi ako pagkatapos ng surgery ko sa binti.

Paglapag ng paa ko at ng kahoy na tungkod sa sementadong daan ay mabilis na iniabot ni Joff ang isang itim na tarhetang may ginintuang selyo kung saan nakaguhit ang espada. Kinutuban ako pero pinilit kong balewalain iyon dahil nais kong ituon ang oras ko sa pagluluksa para sa pagpanaw ni Vladimir.

***

"What would I have wanted to say if I had had the opportunity to see him one more time?" Inulit ko ang tanong saakin ni Mina. I heaved a heavy breathing then continued, "I would like to think that I would have kept it simple and said, "I'm sorry and thank you."

"Atleast he was able to forgive you, Andreas." Nakangiting usal ni Bella na katabi ni Mina at Syk habang nasa harap kami ng puntod ni Vlad.

"Yes he did. He never ruined the forgiveness with a common excuse that most people do. That's how good Vlad is." Napatanaw ako sa asul na kalangitang tumatakip sa kulay berdeng kapaligiran. Bigla kong nakapa ang itim na tarheta at wala sa sariling binuksan iyon.

Nakatitig naman sina Syk, Bella at Mina habang binubuksan ko iyon.

Wala ni isa saamin ang umimik.

Tanging ang tunog ng malutong na papel ang naririnig. Hanggang sa tuluyan kong mabuksan ang mensahe ng kulay pilak na papel. At doon nakasulat:

Welcome to the Iron59!

So, we've just been recruited. My heart almost came out from my rib cage.

Scorpions is gone.

Infinites has been enfeeble.

Now, here's Iron59.

-End-