Chereads / 30 Doors / Chapter 2 - 30th Doors

Chapter 2 - 30th Doors

Riddle: Without breath, I live like you. I am as cold as I am in my death; thirst is not my word because I always drink, dressed in a mail but never a clink.

We talk about death almost everyday. It has been a fascinating subject of mankind for thousands of years. So much that every culture has adapted ways to talk about death to pass down their own traditions and ways of thinking --like riddles. I hate riddles. I hate how people play with the language. How they twist them just to hide a simple thing that is being described by the riddles when in fact they can just tell it in simpler words.

But with what's happened right now which is not a mere coincidence, I think I may be able to force myself learning riddles. I need to if I have to. It might save my ass from all the trouble.

It may sound funny but I still don't believe with what's behind my brain as I scan my email and have a glance at the timer.

167:36:03 hours left.

Everything seems to be back to normal. Twenty minutes have passed and nothing has happened yet. Pero ang timer sa computer ko, hindi pa rin natatanggal. Sinubukan ko na lahat just to get rid of this shitty running numbers in red. Task manager, uninstalling and all the troubleshooting. Tinanong ko na rin ang isa sa mga IT specialist naming si Simond pero hindi rin niya nagawan ng paraan ang pagtanggal sa nakakairitang timer sa Macbook ko.

I already sent a message to the Employee Engagement team. The creepy reality was that they denied that they were sending death riddles but promised will further investigate it. I wonder how they could maintain positive scripting with their response even if shit's happened. Ang nakakapagtaka ay walang employee representative na naka-indicate as a sender of the mail. It could be a spam mail. Could be.

Check all the employees on the 31st, this code: 1b2f3l4e matches with the murderer's name left by the victim written on the mirror.

Solve the mystery name before everything ends! Your time is running.

Nagreply ako: Who are you?

Walang sagot na dumating mula sa strange mailer.

Who the hell are you?

What do you want?

Don't you now that this can escalate and can lead to termination?

Naatat akong padalhan siya ng questions. Natataranta na ako.

Ilang minuto akong naabala. Hindi na ako makapagtrabaho dahil pumasok na sa utak ko ang estranghero. Napapapisil ako sa sintido at halos madurog ang bagang ko sa sobrang pagtiim ng mga ito. I tried to block the sender on my PC. The task was successful. Laking gulat ko nang tumunog na naman ang notification ng Macbook. Napapitlag ako.

1b2f3l4e. Solve the mystery name before everything ends! Your time is running.

Fuck off you're not real! mura ko sa email.

We'll see. You'll end up begging. Sagot nito.

Naalarma ako sa muling natanggap na email. Hindi ko alam kung sasabihin ko ito sa boss kong si Ryanne De Guzman o pansamantalang ililihim ang lahat. Hindi biro ang mga ganitong spam mail na natatanggap ko mula sa Employee Engagement Department. Someone might be messing up with my day. It could be a joke but it could be an issue that must be taken seriously.

Pailing-iling akong hinarap ang computer. Nagsimula na akong kabahan.

Dahil ako ang sales manager ng kompanya, may listahan ako ng mga empleyadong posibleng konektado sa code na binibigay ng anonymous sender. I checked each employee one-by-one. Nagdalawang isip pa ako noong una pero mas nangibabaw ang kyuryosidad ko. Kunot noo kong inisa-isa ang bawat pangalang naroon: Deedrae Schreave, Zyril Angel Samonte, Thrina Kronos, Kyziel Galathynius, Haliya Hamilton, Kid Reyes-Mañibo, Nyl Carosa, Claina Erina Piencenaves, Angelyn Lopez, Bella Alc antara, Maddielyn Saragoza, Rielle Sison, Maxine Leynes, Michonne Grenne, Emerald Reyes, Mildred Cortez, Natas Vandergouh, Nicolla Louisse Feyton, Greyson Andreas Choi, Athena Sakura, Sykyoe Laurel, Satana Dracor, Simond Lockhart, Minalyn Itoshiki and so on. The list went on. There a total of fifty employees on the 31st floor ng Montellano Towers. How can I decipher the code that is related to the killer's name?

Bumalik ako sa riddle. Sinulat ko sa isang dilaw na post-it card and code, 1b2f3l4e pati na ang mga pangalang naroon: "Minalyn", "Andreas", "Haliya", "Ryanne, "Thrina" and "Rielle". Paano naging konektado ang 1b2f3l4e sa mga pangalang ito? Kung babasahin ko ng biglang tingin ang code, parang may hawig siya sa pagkakasulat sa pangalan ni Rielle Sison, isa sa mga intern ng Montellano Online Shopping Sales Department.

Napatingin ako kay Rielle na kasalukuyang nakasuot ang headset at tila may kausap na customer. Wala itong malay na sinisipatan ko sya at tahimik na inoobserbahan mula sa aking cubicle. The girl has a white complexion, long hair and always on a ponytail at minsan noong nakausap ko ito sa dinner ng office ay may mga maliliit na nunal sa mukha. She can be snobbish sometimes lalo na kapag wala itong ganang makipag-usap dahil abala sa pagbabasa ng libro. Nasabi na rin 'yan minsan saakin ni Natas noong nagsabay kami sa elevator at nabanggit ang pangalan ng babae.

Biglang tumunog ang notification tone ang PC ko. Napansin kong may panibagong email na sinend ang mystery sender. Kunot noo kong binalikan ang laptop sa aking cubicle. The email says:

Your answer? Whos's the killer?

Huminga ako ng malalim. Napalunok ako bago ako nagdesisyong replayan siya. I don't know where I took the guts to reply to an email from a stranger. Maybe the weird happenings earlier triggered my willingness to cooperate to a headless ghost.

This is a matter of life and death.

Maybe? I'm not sure.

Morals are no longer important when it comes to this.

I keyed the name: RIELLE SISON

Bago ko pinindot ang enter ay muli akong napasulyap sa abalang si Rielle. Tahimik akong huminga ng patawad sa Diyos dahil sa walang basehang pinagbibintang ko si Rielle ang killer kung totoo man. Just to make the spam mailer stop and regain the peace of mind I had these past days.

Wala pang isang minuto ay muli akong nakareceive ng mensahe mula sa spam mailer. It is getting into my nerves. Almost. Nagtimpi ako bago binuksan ang email.

Isang malaking "X" ang tanging laman ng body ng email. Nanlaki ang mga mata ko. Ibig sabihin ay mali ang sagot ko.

So what now? Are we all gonna die? Nagawa pang magbiro ng utak ko. I had to do a reversal on my emotions para hindi na ako ma-stress pa sa mailer. Sumandal ako sa swivel chair at pilit na kinumbinsi ang sarili na isang malaking joke ang lahat.

This shit is not happening. We're in the 20th century! Napapikit ako. Lumipas na ang ilang minuto, wala akong natanggap na mensahe mula sa spammer. Unti-unting umangat ang mga dulo ng labi ko. I am about to release a deep whimper but then, a deafening scream conquered the whole 31st floor.

Halos sabay-sabay na napatayo ang mga tao sa buong floor dahil sa malakas na sigaw na nanggaling mismo sa restroom ng mga babae. Our office setting was an open floor. Tanging ang opisina ng mga directors at higher operations ang may mga pintuan kaya dinig na dinig 'yon sa buong 31st floor. Nagsimulang mag-kumpulan ang mga usisero't usisera. Nagsilabasan ang mga boss sa kani-kanilang opisina. Nagsimula na naman akong kabahan. May mga empleyadong tumakbo sa kubeta.

Ilang segundo lang nang mamataan kong nakapasok sila doon ay sinundan iyon ng sunod-sunod na pagsigaw. The screams coming from those who went to the rest room cause a stir on the whole 31st. Nagambala na ang lahat ng naroon. May mga nagsimulang lumabas na ng opisina. I am almost about to confirm that what has happened earlier and now is connected to this spammer who's sending me an email. But it's too early to conclude without any proof, I mentioned.

"I'm calling the security!" tumatakbong boluntaryo ni Kid Reyes papuntang phone booth ng 31st. Siya ang creative and design artist ng Montellano Online Shoppe. Moreno ito, makapal ang kilay, malaki ng konti ang mata, may matangos na ilong, makapal ng konti ang labi at may makapal na salamin. Lagi itong nakasuot ng itim na damit na parang araw-araw nagluluksa.

"Sama ako." Maarteng bulalas ni Satana Dracor na laging nakabuntot kay Kid. Siguro'y natatakot na rin ang babae at tanging si Kid lang ang alam niyang makakapagligtas sa kanya sa oras na magkagulo.

Naukopa ng isipan ko ang eksena sa paligid. Napahawak ako sa baba para pakalmahin ang sarili. Nang muli akong sumulyap sa aking PC, namataan kong may apat na sent email mula sa parehong mailer na kanina pa nambubulabog.

Mula sa dulo, binuksan ko ang chain mail:

Run!

In 3

...2

...1

I tasted my own fear.

I swallowed it.

Dagli, walang kamalay-malay kong hinablot ang aking bag saka tiniklop ang aking Macbook. Tila may sariling buhay ang mga paa kong humakbang palapit sa fire exit. Hindi ligtas ang mag-elevator lalo na't lumindol lang kanina at nagkakaroon na rin ng electrical short circuit sa buong tower. Nakailang buga ako ng hangin para maibsan ang papausbong na kaba sa aking dibdib.

Nakailang hakbang na ako bago ko tuluyang isigaw na, "Get to the exit! Something is coming!"

Malakas ang pagkakasabi ko sa mga katagang iyon. The warning created a stampede. Instant stampede. Halos 'yong iba'y hindi na nagawang kunin ang mga gamit nila at nagsitakbuhan na palabas. Others took the elevator. Hindi ko na nabigyan ng babala ang mga ito dahil para na akong tinangay ng isang malakas na daluyong gawa ng mga nagkukumahog na mga empleyado.

It took us three minutes to get to the 30th floor. Nandoon ang ilan sa mga kaibigan ko pati na rin ang ilang sa mga big boss. Namataan ko pang napagsarhan ng pintuan ang ilan sa mga empleyadong nasa 31st floor. It's weird dahil hindi nag-o-automatic lock ang pintuang iyon.

"Balikan natin!" malakas na sigaw ng kaibigan kong si Andreas. Matangkad ito at may matipunong pangangatawan kaya kayang-kaya niyang buksan ang malaking pintuang iyon ng fire exit pabalik sa 31st floor. Inilang hakbang nito ang hagdanan paakyat at pabalik sa mga na-stranded na empleyado. Ilang hakbang mula sa pintuan bago mahawakan ni Andreas ang pinto ay sumigaw ng malakas ang mga naiwang tao sa 31st floor.

Malakas. Nakakabingi. Nakakapangilabot.

Sa isang mabilis na iglap ay naputol ang mga tiling iyon. Natahimik ang lahat ng nasa hagdanang pababa ng 30th floor. Pero kaagad din iyong napilitan ng magkakasabay na tili at sigaw nang bumuhos mula sa ibaba ng nakasarang pintuan ang bumabahang dugo mula sa 31st. Napakapit ako sa rail ng hagdanan sa sobrang gulat.

Massacre!

Nanuyot ang lalamunan ko. It smelt rusty iron afterward because of the crimson blood that overflowed from upstairs.

I tried to deny that the thing I just witnessed was really not happening pero nakailang kurap na ako't nakikita ko pa rin ang tila ilog ng dugong umaagos mula sa itaas. Holly shit! Hindi ako mabait na anak ng Diyos pero hindi ako masyadong makasalanan para sa ganitong parusa, kung isa mang parusa ang nakikita ko ngayon. What the hell is happening?

Nagsimulang mag-iyakan ang ilan sa mga naroon.

"People, please calm down. Do not go downstairs yet dahil baka isa itong gawaing terorismo. We are not sure kung safe ba sa baba, so let boss Michonne call 911 first." Ryanne De Guzman tried to calm the employees in panic. Maski ito'y nahihirapan nang kontrolin ang paghinga sa sobrang nerbyos.

"911! Oh gosh 911 please pick up!" naiiritang sigaw ng executive director naming si Michonne Grenne. Bilugin ang mukha nito at may pilat sa kaliwang mata. May katangkaran ito kumpara sa ibang empleyado. Mangiyak-ngiyak na ito sa kinatatayuan. "Hello! Hello 911" halos sigaw nito sa kausap sa telepono.

Ang iba'y sinusubukan na rin tumawag sa telepono. Pero mistulang wala ni isa sa kanila ang nagawang maka-contact ng officer mula sa 911. I know at that moment that something suspicious is happening. Wala akong nagawa kundi buksan ang aking computer habang ang iba'y abala sa kinatatayuan.

Ilang segundo pagkatapos kong bukasan ang Mac ay bumulantang saakin ang nag-iisang email na nasa aking inbox. The email is from the same spammer who might have caused this trouble or should I say terrorism.

Enter the 30th floor. Take the elevator. Tila isa iyong utos mula sa isang makapangyarihang nilalang. The email sender had proven enough for me to be warned. Nagboluntaryo akong pumasok sa entrance ng 30th floor. Sumunod ang ilang empleyado saakin. Rielle, Haliya, Minalyn, Santa, Simond and Kid were behind me. 'Yong iba'y sumunod din pero malayo ang naging agwat ng mga ito saamin.

The door coming from the fire exit was on the West. Kinailangan naming dumaan sa production floor ng ibang departamentong nasa 30th floor para makapunta sa mismong elevator. Ang ipinagtataka ko'y wala ni isang tao ang naabutan namin doon. Tanghaling tapat pero walang mga empleyado ang naroon. It's Wednesday noon and it's not even a holiday.

"Nasaan 'yong mga empleyado dito?" nanginginig na sambit ni Minalyn na nakakapit kay Rielle. Medyo singkitin ito at laging napagkakamalang parang Japanese. Isa itong poker face at hindi kaagad nababasa ang emosyon on a first meeting basis. Now she's seem so afraid of what's has happened. Her expression betrayed all the strong features she's shown these past months.

"Relax Mina! Mas lalo akong kinakabahan sa'yo eh!" Angal naman ni Rielle na tila nabibigatan na sa mahigpit na hawak ni Minalyn.

Pigil ang hiningang tinungo namin ang elevator. Hindi ko alam kung bakit ako sumusunod sa utos ng isang estranghero. Marahil ay udyok 'yon ng isip ko, the mailer had proven enough and an attempt to disobey him is suicide. Nakabukas ang laptop sa aking isang bisig nang itulak ko ang pintuan palabas ng production floor at patungo sa elevator. Apat ang functioning elevator na naroon.

The elevators are not moving. Nasa 31st floor ang mga ito at walang arrow going down na nakalagay sa tapat ng mga button. May isang bagay akong napansin sa bawat pintuan ng elevator. Ang dalawang nasa kanan ay may markang ahas habang ang dalawang nasa kaliwa ay markang isda. Parehas ng marka ay nakasulat sa papel na may tintang gamit ang dugo.

Shit. Muli akong napamura. Gross.

Without breath, I live like you. I am as cold as I am in my death; thirst is not my word because I always drink, dressed in a mail but never a clink.

"A-ano 'yan Vladimir?" usisa ni Simond na nasa likuran ko. Napansin na rin ng lahat ang email na nasa laptop ko.

"A-answer this riddle, please! I am not good at this!" nauutal kong sabi without any plans of explaining to them what's really happening. Not yet. Masyado pang maaga para sabihin sa kanila.

Isang malaking bulto ng katawan ang humawi sa mga taong nakapaligid saakin. Pinagpiyestahan na kasi nila ang email na nasa laptop ko. Marahil ang iba'y may ideya na sa kung anong nangyayari. Ang iba nama'y naniniwala pa ring isa itong act of terrorism.

"Pabasa ng riddle. Is this riddle somewhat connected with all the shits in here?" galit na utal ni Andreas na di hamak na mas malaking tao kaysa saakin at kaya akong balian ng leeg kung gugustuhin niya. Inagaw niya saakin ang laptop at matamang binasa iyon. He mouthed the words. The others went silent.

Bago pa man may sumagot sa riddle ay sabay-sabay tumunog ang open button ng apat na elevator. Nagmadaling pumasok ang ilan sa dalawang elevator na nasa kanan dahil iyon ang mga naunang bumukas.

"Guys! Bilis!" sigaw ng isang empleyado.

Patakbo na ang ilan nang pinigilan sila ni Mina, "Wait! Wait!"

"What? We're all going to die kapag nag-aksaya tayo ng panahon sa kalokohan ni Vladimir!" bulyaw ng matabang security guard sa isang elevator na nanatiling bukas.

"The answer to the riddle is Fish!" Mina confirmed softly.

"Sure?" usisa ng nakakunot noo ngunit kinakabahan ding si Andreas. Tinipa nito ang apat na letra sa aking MacBook. He pressed enter. The two elevators on the right with the snake mark automatically closed.

###