Ako si Minaru Nagato, 17, at certified SINGLE EVER SINCE THE WORLD BEGUN.
Kasalukuyan akong nag-aaral sa Gangawa High School, 2nd year transfer student mula Hokkaido at pinili kong mag-aral dito sa Tokyo para sa isang napakapersonal na dahilan. Mukhang mababaw lang para sa iba ang dahilan ng paglipat ko ng eskwelahan. Pero para sa akin, iyon ang pinakamabuting bagay na ginawa ko sa buong buhay ko at hindi ko iyon pinag-sisisihan—ang sundan ang tinitibok ng aking puso...
Oo, si Yuri Aikawa—s'ya nga ang tinutukoy ko, ang aking PRINCE CHARMING. Sa unang pagtapak ko pa lang ng Gangawa ay s'ya na agad ang hinanap ko. At hindi naging madali para sa akin ang makalapit sa kaniya, lalo na't siya ang pinakakilalang estudyante sa buong eskwelahan. Lahat ng babae ay nagkakandarapa sa kaniya. At hindi lang basta-basta mga babae lang ang naghahabol sa kaniya. Kabilang sila sa mga taong nakakuha ng lahat ng kagandahan nang magsabog ang Diyos ng biyaya dito sa lupa.
Eh magpapatalo ba naman ako? Oo, hindi ako kagandahan at hindi rin ganoon kaganda ang hubog ng katawan ko, pero isa naman ako sa mga naging malapit na kaibigan ni Yuri. All thanks to my super strenght. Dahil doon kaya ako kinuha ni Yuri para maging substitute Peace Officer at kaya ako napalapit nang husto sa kaniya.
Ayos na sana ang lahat. Masasabi kong almost perfect na. Pero biglang dumating sa eksena itong tinatawag nilang Black Prince na naghahari-harian sa buong Gangawa sa pamamagitan ng takot. Dahil din sa kaniya kaya lahat ng inaasahan ko sa hinaharap para sa amin ng aking si Yuri ay nasira na. At isinusumpa ko talaga ang araw na nagtagpo pa kami ng landas...
Teka, ang haba na pala ng introduction ko. Ano na nga ba ang latest sa akin?
*****
Stab!
Itinarak ni Minaru sa lupa ang hawak niyang panghukay na ginamit niya para ihanda ang lupang pagtataniman niya ng mga bagong punla na siyang requirements sa kanilang Home Economics Subject. Pagkatapos niyang ayusin ang lupa at ang iba pang gagamitin niya sa pagtatanim ay agad niyang pinunasan ang dumadausdos na pawis sa kaniyang noo at tumingala sa napaka-aliwalas na kalangitan.
"Haaa...sa wakas! Natapos din!"
Pagkatapos ay tiningnan ni Minaru ang kaniyang wrist watch para alamin ang oras.
"Mamaya namang 1 pm, magkikita kami ni Mikan para tapusin ang aming Science Project. Hay, wala na yatang katapusan ito. Araw-araw laging puno ang schedule ko. Paano na lang ang love life ko? Kami ni Yuri?"
Iniligpit na ni Minaru ang kaniyang mga gamit para umalis. Nang biglang...
"Ah...Hi Mina!"
Agad na napalingon ang dalaga nang may narinig siyang tao na tumawag sa kaniyang pangalan.
"E---Eh?!
Halos mabitawan ng dalaga ang lahat ng kaniyang bitbit nang makita niya ang taong nasa kaniyang likuran.
"Y----Yuri?!"
"Hi!" Pagbati muli ng binata habang ito ay nakangiti sa dalaga. "Parang gulat na gulat ka naman yata?" Puna nito sa naging reaksyon ni Minaru. Agad naman na kumilos ng normal ang dalaga at...
"Ah, h--hindi! Hindi ah! M---medyo lang...siguro?" nauutal pa nitong paliwanag habang sa kaniya namang isipan ay ganito ang tumatakbo na mga kataga...
Anong ginagawa niya dito! Shocks! TEKA! Yung hitsura ko! Baka mukha akong hagard! Hindi manlang ako nakapag-retouch!
Sinabi ni Minaru ang mga katagang iyon sa kaniyang sarili habang panay ang ayos niya sa kaniyang buhok at pagpunas sa kaniyang pawisang mukha gamit ang panyo.
"Ah, eh...bakit ka nga pala nandito? May...kailangan ka ba sa akin?" tanong ng dalaga sa binata pagkatapos nitong maayos ang kaniyang sarili.
"Ah, oo sana. Gusto ko sanang mag-usap tayo, kung...okay lang sa iyo?"
M---mag-usap?
At dahil advance ang isip ni Minaru sa mga ganitong eksena kaya nakabuo agad ang utak niya ng posibleng rason kung bakit gusto siyang makausap ng sarilinan ng kaniyang prinsipe na si Yuri Aikawa.
Oh my....GOSH! Posible kayang...alam na niya? Alam na niya 'yong tungkol doon sa diary ko na ipinaskil sa bulletin board? P---posible kayang...alam na niyang...gusto ko s'ya?
Kaya naman hindi na nagdalawang -isip pa si Minaru at dali-dali siyang humingi ng paumanhin sa binata.
"Patawad! Patawad! Patawad Yuri!" Paulit-ulit niya iyon na sinabi habang panay rin ang pagyuko niya. "A--alam ko na masyadong nakakabigla ang lahat at napakabilis din at---at alam ko na nakakahiya na nagawa mo pang malaman ang lahat dahil sa kapiraso ng papel na nakapaskil sa bulletin board pero...pero sana hindi ka magalit sa akin!"
Nagtaka naman ang binatang si Yuri sa mga sinabi ni Minaru sa kaniya. At sa totoo lang, wala siyang naunawaan maski isa sa mga sinabi nito.
"A--ano? Anong sinasabi mo, Mina? Anong diary at saka anong nakapaskil sa bulletin board? Kahapon mo pa iyan binabanggit sa akin ah?"
Muli, napagtanto ni Minaru na wala parin pa lang kaalam-alam ang binatang si Yuri tungkol sa kaniyang diary na ipinaskil ni Dan sa bulletin board. Kaya naman abut-abot ang kaniyang pamumula dahil sa matinding hiya at kulang na lang ay lumubog siya sa kaniyang kinatatayuan.
Naman! Maka-reak naman agad ako WAGAS! Nakakahiya! Nakakahiya talaga...
Hanggang sa..
"Mina? Ayos ka lang ba?"
Narinig ni Minaru na nagtanong sa kaniya si Yuri kaya muli siyang kumilos ng normal at nagpanggap na wala siyang anumang kakaibang sinabi sa binata.
"Ah! Oo! P-pasensya na. Ano lang..."
"Meron ba akong dapat malaman? Ano ba 'yong tungkol sa kahapon mo pang binabanggit na nakapaskil sa bulletin board?"
Hindi inasahan ni Minaru na didirestsuhin siya ng ganoong tanong ni Yuri. Dahil doon kaya nataranta siya't hindi niya alam kung saan at paano niya sisimulan ang pagpapaliwanag.
Hindi pwede, hindi pa ito ang tamang oras para malaman n'ya ang feelings ko! Pero paano kung may magsabi sa kaniya? Ang pangit naman ng magiging dating kung manggagaling pa sa ibang tao ang totoo? Na gusto" ko s'ya? Sasabihin ko na ba sa kaniya? ito na ba ang right moment?
Ngunit bago paman naibuka ni Minaru ang kaniyang bibig para makapagsalita ay agad na siyang naunahan ni Yuri at sinabi nito sa kaniya na...
"Sige, ganito na lang." Ani Yuri sa kaniya. "Pwede mo sa akin sabihin 'yan mamaya habang nagluluto ng cake, ano sa tingin mo?"
Bigla namang natigilan at napaisip si Minaru sa sinabi ng binata.
"C---Cake? Ako? Mag...luluto ng Cake? K—kasama mo?"
"Oo. Ge-greydan na kami mamaya sa baking, pero 'yong ka-partner ko may sakit at wala akong makakapareha. Nakiusap na ako sa teacher kanina kung pwede akong kumuha ng isang estudyante rin sa Home Economics na pwede kong makasama para sa Graded Performance, at naisip ko na ikaw na lang ang kuhanin ko bilang partner."
Hindi agad nanuot sa utak ng dalaga ang mga sinabi ni Yuri sa kaniya, kaya muli niyang inulit ang tanong niya kanina.
"C---Cake? Ako? Mag...luluto ng Cake? K—k—Kasama mo?"
"Oo, bakit? Ayaw mo ba? Busy ka ba mamaya?"
Hindi parin makapaniwala si Minaru sa kaniyang mga narinig. Pakiramdam niya ay nakalutang siya sa alapaap na punung-puno ng mga makukulay na bagay, cotton candies, marshmallows at kung anu-ano pa. Nakatingin lang siya ng diretso sa mga mapupungay na mata ni Yuri habang bahagyang nakabuka ang kaniyang bibig.
Oh my...Totoo ba ito? Kaming dalawa ni Yuri? Magluluto ng Cake nang magkasama?As in?!
Plak! Plak!
At saka lamang nagising mula sa kaniyang pantasya si Minaru nang maramdaman niya ang sunud-sunod na pagtapik sa kaniya ni Yuri sa kaniyang pisngi.
"Mina? Ayos ka lang ba?"
At dahil naramdaman ni Minaru ang malambot na kamay ni Yuri na dumampi sa kaniyang pisngi kaya mas lalo siyang nag-init. Kita agad sa kaniya ang matinding pamumula at pagbubutil ng pawis sa kaniyang mukha dulot ng pinaghalong nerbiyos at kilig.
Oh, hindi! Hinawakan n'ya ang pisngi ko! Diyos ko, ang puso ko! Kahit sino! Hawakan ninyo ang puso ko!
Hindi kinaya ng katawan ni Minaru ang tindi ng init na kaniyang nararamdaman kaya nag-overheat siya't lumabas mula sa kaniyang bibig ang maputing usok dulot ng matinding kilig.
Hissss....Hisss....
"M---Mina!"
Buti na lang at may nakaantabay na timba na may laman na tubig sa tabi nila. Dali-daling binuhat ni Minaru ang timba at agad niya itong ibinuhos sa kaniyang katawan.
"Haaa....Haaa....Haaa...."
Hingal na hingal ang dalaga matapos na malamigan ang kaniyang katawan. Pagkatapos ng ginawa niyang iyon ay saka lamang niya napansin na nakatitig pala sa kaniya ang binatang si Yuri na may nag-aalalang mga mata.
"A---ah, p---pasensya na! M---mainit kasi kaya...kaya..."
"Ah, hindi. Ayos lang." Sagot naman ng binata sa dalaga. "Baka masama talaga ang pakiramdam mo. Mas mabuti pa siguro na iba na lang ang yayain ko."
Pagkarinig ni Minaru sa salitang iyon ay ganito agad ang pumasok sa isip niya...
Oh no...hindi! Hindi pwedeng maghanap ng iba si Yuri my Love ko! P---pero hindi ko alam kung tatagal ako ng five minutes na hindi sumasabog o nag-o-over-heat dahil sa taglay niyang kagwapuhan na sumisilaw sa mga mata ko! EHHHHH! Bahala na!
At pagkatapos nga niyang sabihin iyon sa kaniyang sarili ay agad siyang bumalik sa realidad at nagsabi sa binata na...
"Sige! P—payag akong maging PARTNER mo sa baking class! H—hindi mo na kailangang mag-hanap ng iba! Pwede ako!"
"Sigurado ka ba? Kasi kanina lang...."
"Sure na sure ako! Huwag kang mag-alala sa akin. Anong oras ba 'yan?!"
*****
"Ano?! May usapan na tayo Girl na tatapusin natin ang science project, hindi ba?" Nakasimangot na tanong ni Mikan pagkatapos siyang kausapin ni Minaru na hindi na matutuloy ang kanilang usapan. Agad naman na nagpaliwanag ang dalagang si Minaru sa kaniyang nayayamot na kaibigan kasabay ng kaniyang pakikiusap.
"Sorry na talaga Mikan! Alam ko na may kailangan tayong tapusin, pero...ano kasi..."
"Alam ko na girl---si Yuri 'yan no!"
Hindi naman nakasagot ang dalaga. Isang indikasyon na tama ang hinala ni Mikan na dahilan ng biglaang pag-urong ni Minaru sa kanilang usapan.
"Kita mo na! Si Yuri nga ang dahilan! Grabe ka! Ipagpapalit mo talaga ang friendship nating dalawa over a guy?!"
"Please!" Nagmamakaawa nang sabi ng dalaga na kulang na lang ay maglumuhod ito sa harap ng kaibigan. "Pagbigyan mo na ako Mikan! Kahit NGAYON LANG! Promise! Babawi talaga ako sa iyo! Alam mo naman na minsan lang ako magkaroon ng ganitong chance!!!"
"Paano naman ang project natin girl! Sinong gagawa n'yan?!"
"Kayang-kaya mo naman 'yan kahit wala ako eh!"
"Alam kong kayang-kaya kong gawin 'yan. Pero nasaan ang team work doon aber?"
Alam ni Minaru na hindi niya basta-basta makukumbinsi si Mikan gamit lamang ang simpleng pakiusap. Kaya naman ginamit na niya ngayon ang huli niyang ALAS alang-alang lang sa pagkakataon na makasama sa loob ng ilang oras ang taong kaniyang napupunsuan.
"Sige, para hindi kana magalit. Ililibre kita ng paborito mong okonomiyaki sa loob ng tatlong araw! Plus, ako narin ang gagawa ng mga iba mo pang project. Ayos na ba 'yon sa iyo?"
Nag-isip muna si Mikan ng mga ilang minuto, at pagkatapos...
"Gawin mong isang linggo ng libreng okonomiyaki with drinks plus ikaw na rin ang gagawa ng project ko sa arts at quits na tayong dalawa. Ano?"
At dahil wala namang ibang pagpipilian si Minaru kaya pumayag siya sa nais ng kaibigan kahit na ang pakiramdam niya'y nakipag-bargain siya sa isang demonyita.
"Sige, DEAL!"
At saka nito kinamayan si Mikan na kuntento na sa matatanggap nitong kapalit mula sa kaibigan.
"Siguruhin mo lang na tutupad ka sa deal okay?"
"Ako pa! Kilala mo ako Mikan. Kahit maubos ang allowance ko---"
"O s'ya! O s'ya! Tama na ang speech! Umalis ka na at baka magbago pa ang isip ko. Bilis! Bilis!"
"Hehe, salamat ng marami Mikan! The best ka talaga!"
Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang dalaga at agad siyang nagtungo sa Home Economics Building para sa kanilang baking class, kung saan makakasama ni Minaru ang kaniyang pinakamamahal na prinsipe na si Yuri Aikawa.
"Maraming salamat talaga Mina sa pagpayag mo na maging kapareha ko dito." Tadtad ng pasasalamat ang dalagang si Minaru mula kay Yuri habang inihahanda nila ang mga gagamitin para sa pagbi-bake.
"Haha! Ayos lang! Ikaw pa!" sagot naman ni Minaru, sabay sabi sa kaniyang sarili na...
Hay, kung alam mo lang kung gaano ako kasaya na kasama ka ngayon Yuri. Kung maririnig mo lang kung paano tumibok itong puso ko na halos tatalsik na sa dibdib ko, kung saan ang isinisigaw lang ay ang pangalan mo. Hay...kahit habang buhay mo siguro akong kunin na ka-partner mo sa baking class okay lang sa akin!
Pero biglang nagbago ang kaniyang magandang awra dahil sa pagsulpot ng isang hindi inaasahang tao sa kanilang klase.
"Hayan na s'ya..."
"Si Black Prince!"
Biglang nabalot ng mahabang katahimikan ang buong silid sa pagpasok ng binatang si Dan, ang kilalang Black Prince ng Gangawa. Gaya ng dati, tangan-tangan parin nito ang nakakatakot nitong awra at pares ng mga nanlilisik na mga mata. Wala ni isa man sa kaniyang mga kasama sa klase ang nagtangka na titigan siya habang papunta ito sa pinakadulo ng silid kung siya lamang mag-isa.
"Tingnan mo s'ya. Mag-isa na naman siya sa sulok na iyon."
"Wala ba siyang partner?"
"Sino namang tanga ang papartner sa kaniya? Tingnan mo nga! Parang anumang oras ay mananaksak ang taong 'yan eh!"
Samantalang si Minaru naman ay walang takot na sinundan ng titig ang binata habang sa isip niya ay ganito ang tumatakbong mga kataga...
At ano naman kaya ang ginagawa ng HALIMAW na iyan dito?! Huwag mong sabihin sa akin na nagluluto ang gaya n'yang HALIMAW?! Huh! Sigurado naman ako na panghalimaw din na cake ang lulutuin n'ya. Basta ako, 'yong Cake namin ni Yuri ko ang magiging pinakamaganda at pinakamasarap!
Mayamaya pa...
"Okay class!"
Dumating na sa wakas ang kanilang instructor at ang una nitong ginawa ay ang ipaliwanag ang magiging proceedure ng kanilang graded activity.
"Sigurado naman ako na pinag-aralan na ninyo sa bahay ang proceedure sa tamang pag-bake ng cake. Ngayon naman, kasama ang inyong mga partner, gagawa kayo ng cake at ge-greydan ko ang mga iyon base sa itsura, lasa at tamang proseso ng pagkakagawa."
"Teka lang po teacher!"
Ang nagtaas ng kamay ay si Minaru na agad namang umagaw sa atensyon ng lahat.
"Ang sabi n'yo po by pair or partner, hindi ba? Eh bakit po yung isa doon!" At itinuro ng dalaga si Dan na tahimik lang na nakikinig sa isang gilid. "Bakit s'ya, nagso-solo!"
Pagkasabi ni Minaru ng mga iyon ay agad na nagsi-atrasan ang kaniyang mga kamag-aral at...
"Ano ba naman itong si Nagato?! Hindi pa ba obyus? Wala ni isa man sa mga nandito ang gustong pumareha kay Black Prince!"
"Oo nga. Eh kung s'ya nga oh! Kapartner n'ya pa si Aikawa? Teka, hindi ba s'ya nahihiya? Pagkatapos mabasa ng lahat 'yong diary n'ya na malinaw pa sa graded eye glass ko na patay na patay s'ya kay Aikawa?"
At dahil batid ni Yuri na mapag-iinitan lamang si Minaru ng kaniyang mga kaklase kaya siya na mismo ang nakiusap sa dalaga na manahimik at huwag nang palalain pa ang situwasyon.
"Mina, hayaan mo na lang sila. Hindi mo na dapat sinabi pa 'yon."
Ngunit matigas parin si Minaru dahil sa kagustuhan niyang makaganti at sinabing...
"At bakit naman ako hihinto? Hindi naman yata pwede 'yon? Magso-solo s'ya?"
At sa wakas ay nagsalita narin ang kanilang guro hingil sa reklamo ng dalaga tungkol sa kamag-aral nilang si Dan.
"Uhm, pasensya na Ms. Nagato pero mas makabubuti para sa lahat kung magso-solo si Fujisawa. Tutal naman ay per individual parin ang pagi-grade kahit by pair ang activity."
Sa pagkakataong iyon ay hindi na naka-angal pa ang dalaga at tuluyan na siyang natahimik sa kaniyang kinatatayuan.
Ano ba 'yan, pati ba naman instructors, takot sa kaniya?! Ano na lang ang mangyayari sa eskwelahang ito kung ganito ng ganito? Kung papatalo sila sa isang gaya n'ya na may problema sa sarili n'yang mundo!
At sa gitna ng kaniyang pagkairita ay bigla niyang narinig si Yuri na nagsalita sa kaniya at nagwika...
"Alam ko ang iniisip mo, Minaru."
Mabilis na napunta ang atensyon ni Minaru kay Yuri.
"Hindi magandang ideya na i-involve mo ang sarili mo kay Fujisawa." Dagdag pa ng binata.
Daig pa ni Minaru ang nahipnotismo nang titigan siya ni Yuri sa mga mata. Kaya naman kahit gustung gusto niyang tutulan ang mga sinabi ni Yuri sa kaniya tungkol sa pakikisangkot niya 'di umano sa itim na Prinsipe ng Gangawa na si Dan ay hindi na niya magawa.
Hay...bakit ba 'pag si Yuri ang nakiki-usap, sige lang ako? Go lang ako ng Go!
At mabilis pa sa alas-kuwatro na magbabago ang mood ng dalaga at napunta ito sa pagiging excited.
"Tara! Simulan na natin ang pag-bake!"
Nag-umpisa na ang dalawa kanilang pagluluto. Bigay-todo si Minaru sa paghahalo ng mga sangkap habang si Yuri naman ang nagbabalat at naghihiwa ng mga Strawberry para sa kanilang Strawberry cake.
"Dahan-dahan lang sa paghahalo Mina. Hindi 'yan minamadali."
"Okay!"
Pero patuloy parin naman sa paghahalo ng mabilis ang dalaga dahil sinasabayan ito ng mabilis na pagpintig ng kaniyang puso, lalo na't nasa tabi lang niya ang kaniyang iniirog.
Relax, Minaru. Si Yuri lang 'yan! Si Yuri lang! Oh hindi! Hindi ko mapigilan ang pagpintig ng puso ko! Anong gagawin ko kung pumalpak ako?!
Napatingin ang dalaga sa kanilang mga katabi at napansin niyang sumusulyap ang mga ito sa kanila at nagbubulungan pa.
Kaasar! Ako pa yata ang pinag-uusapan ng mga ito!
Kaya imbis na kumalma ay lalo lamang bumilis ang ginagawang paghahalo ni Minaru sa ginagawa niyang cake batter. Samantala, si Dan naman na kalmadong kalmado sa kaniyang puwesto sa isang sulok ng silid ay hindi rin nakaligtas sa mga mata ng kanilang mga kamag-aral.
"Isa pa 'yang si Black Prince! Bakit ba napasama ang taong 'yan sa klase natin?"
"Naaawa nga ako na natatakot sa kaniya eh. Tingnan mo naman, nagso-solo lang s'ya. Para s'yang multo sa isang sulok."
"Sinabi mo pa! Pero mas lamang ang takot kaysa awa sa kaniya no!"
Palibhasa'y malinaw ang pandinig ni Dan kaya hindi lingid sa kaniya ang pinag-uusapan ng mga kamag-aral niya. At ang mga ganoong usapan pa naman ang lalong nagpapagalit sa kaniya. Dahol doon kaya kumuha ng itlog ang binata, dinurog niya ito sa kaniyang mga kamay at saka niya tinitigan ang mga taong pinag-uusapan siya. Hindi naman magkanda-ugaga ang mga taong pinanlisikan niya ng mata dahil sa takot at walang anu-ano'y dumistansiya sila palayo sa binata.
"Whaaahhh! Nakakatakot talaga s'ya!"
"Gusto ko na talagang lumipat ng ibang school!"
Nakita ito ni Minaru at agad siyang napahinto.
Hayan na naman s'ya. Ginagawa na naman n'ya...
Maninita na sana si Minaru, nang bigla niyang narinig si Yuri na nagsalita ng ganito sa kaniya.
"Oo nga pala, hindi ba't sasabihin mo pa 'yong tungkol sa nakapaskil kamo na bagay sa bulletin board? Sabihin mo na, ano ba iyon? Dapat ko ba iyon na makita?"
Pagkarinig niyon ay agad na dumulas sa kamay ni Minaru ang kaniyang hinahalong mixture.
"N---naku po!"
Buti na lang ay alerto si Yuri at agad nito na nasalo ang mixture bowl bago paman ito tuluyang natapon sa sahig.
"Uy, ingat lang!"
"P-pasenya na!"
Matinding kaba ang agad na pumugpog sa puso ng dalaga at pakiramdam niya anumang oras ay sasabog na siya na parang isang bomba.
Paano ba ito! Mukhang wala na yata akong lusot!
Hanggang sa may isang malinaw na usapan ang narinig nina Yuri at Minaru mula sa kanilang tabi na kasagutan sa kanina pang tanong ng binata sa dalaga.
"Alam mo na ba 'yong tungkol sa nakapaskil na diary ni Nagato kahapon sa bulletin board?"
"Oo, ang linaw kaya ng nakalagay doon! Patay na patay pala itong si Nagato kay Aikawa...as in!"
"Pero tingnan mo naman! May lakas parin ng loob itong si Nagato na lumapit kay Yuri. At magka-partner pa talaga sila huh?!"
"Korek! Kung ako si Nagato, mahihiya na akong lumapit. Aba, ang kapal na ng mukha ko na lumapit pa sa crush ko matapos kong ma-eskandalo sa diary ko na ipinaskil sa bulletin board na walang ibang laman kundi ang pangalan lang ng crush ko at patay na patay ako sa kaniya..."
Wala nang nasabi pa ang dalaga pagkatapos ng mga narinig nila. Ang nagawa na lang niya noong mga oras na iyon ay ang talikuran si Yuri habang ibinabaling niya ang kaniyang galit at kahihiyan sa paghahalo ng mixture.
Nakakahiya! Nakakahiya! Nakakahiya talaga! Mukhang wala na talaga akong kawala. Kahit sino! Paglahuin n'yo na lang ako! Willing akong magpakain sa lupa! Huwag lang makita ni Yuri ang pagmumukha ko!"
"Talaga? Totoo ba 'yan?"
Nanlaki ang mga mata ni Minaru nang maringgan niyang nagsabi ng ganoon si Yuri sa mga nagkukwentuhan nilang mga kaklase. Gusto sana niyang umawat, subalit...
"Tingin ko wala namang masama kung humanga sa akin si Minaru." Katuwiran ng binata sa kanilang mga ka-eskuwela. "Besides, babae din naman s'ya, gaya n'yo, hindi ba?"
Pagkatapos na sabihin ito ni Yuri ay agad na tumiklop at nanahimik sa isang tabi ang mga nagtsi-tsismisan nilang kamag-aral.
Y--Yuri...
Pagkatapos ay bumaling si Yuri sa dalaga na may matamis na ngiti at nagwika na...
"Huwag ka nang mag-alala, Mina. Ayos na."
Pakiramdam ni Minaru ay nasa isa siyang panaginip kung saan wala siyang ibang nakikita kundi silang dalawa lang ni Yuri. Gusto niyang mapaiyak dahil sa magkahalong saya at hiya para sa binata, pero wala namang lumalabas sa kaniyang mga mata ni isang patak ng luha.
"Y---Yuri, hindi ka ba..."
"Alin? 'Yong mga sinabi nila? Ayos lang 'yon sa akin."
"P--paanong ayos lang sa iyo?! H--hindi ka manlang ba naiilang?"
"At bakit naman ako maiilang?" sagot ng binata na bahagyang napapatawa. "Eh masaya pa nga ako na malaman na mali ang iniisip nila sa iyo, na nagkakagusto ka rin gaya ng ibang mga babae? Na...hindi ka TOMBOY."
Matutuwa na sana ang dalaga sa mga matatamis na salitang sinabi sa kaniya ni Yuri kung hindi na sana nito binanggit ang mga katagang..."Mali ang iniisip nila sa iyo, na nagkakagusto ka rin gaya ng ibang mga babae? Na...hindi ka TOMBOY."
"A---ako? TOMBOY? Ganoon ba talaga ang tingin ninyong lahat sa akin?"
"Hindi naman sa ganoon, Mina."
"Eh ano?!"
"Hindi naman kasi importante ang sasabihin ng iba tungkol sa iyo. Ang importante, alam na ngayon ng lahat na mali sila ng pagkakakilala sa iyo. Sa totoo lang, hindi mababawasan ang pagkatao mo kung malalaman ng lahat na may nagugustuhan ka. Ang totoo nga n'yan...natutuwa ako na malaman na may ganoon ka pa lang damdamin para sa akin. Okay lang naman iyon. Gusto rin naman kasi kita eh."
Ang huling salita na binitawan ni Yuri na..."Gusto rin naman kasi kita eh" ang bukod-tanging rumehistro sa utak ng dalaga na labis na nakapagpasaya sa kaniya, na tipong anumang oras ay mapapalundag o lulutang siya sa hangganan ng alapaap dahil sa labis na tuwa.
Totoo ba ang narinig ko?! Gusto rin daw ako ni Yuri?! Oh my...Lord! Pwede n'yo na akong kunin! Kahit NOW NA!
Pero hindi na nagawa pang marinig ni Minaru ang karugtong ng sinabi ni Yuri sa kaniya na...
"Gusto rin naman kasi kita eh, dahil isa ka sa mga mabubuti kong kaibigan. At lahat ng malalapit kong kaibigan...mahal ko."
Kaya naman ganoon na lang ang naging reaksyon ni Minaru na daig pa nito ang tumama sa Mega Lotto, at lahat ng kaniyang kilig ay naibunton niya sa hinahalo niyang mixture kaya hindi na nito napansing natapon na pala ang lahat ng laman ng hawak niyang bowl.
"Ms. Nagato! Mr. Aikawa! Ano bang kalat itong nasa puwesto n'yo?!"
Nawalang bigla na parang bula ang lahat ng mga magagandang pantasya ni Minaru nang manita sa kanila ang kanilang guro.
"Paano kayo matatapos sa pinapagawa ko kung wala pa kayong nauumpisahan?!"
Matapos na matauhan ang dalaga ay saka lamang niya nagawang pagmasdan ang kaniyang paligid, kung saan ang kanina pa niyang hinahalo na cake batter ay natapon na pala lahat sa sahig.
"P---patay na..." tanging nasambit ng dalaga na nauubusan na ng kapal ng mukha na puwede niyang maiharap sa binatang si Yuri.
"Okay lang Mina. May mga nakareserba pa naman tayong ingredients eh. Pwede pa nating gamitin ang mga iyon para tapusin ang cake."
Dahil doon kaya hindi na nag-aksaya pa ng panahon ang dalaga upang makabawi sa kaniyang kapalpakan. Gamit ang natitira pa niyang lakas ay pinagsama-sama niya ang lahat ng ingredients na kaniyang nakita upang gumawa ng panibagong mixture at saka niya ito hinalo nang napakabilis.
"M—Mina, dahan-dahan lang! Hindi 'yan minamadali!" awat ni Yuri sa dalaga. Ngunit sadyang walang naririnig si Minaru noong mga oras na iyon at nagpatuloy parin ito sa paghahalo.
Halo! Halo! Halo! Halo!
"Hehe, hindi s'ya nakikinig sa akin."
Nang biglang...
"Tapos na si Fujisawa."
Nagsilingon ang lahat kay Dan matapos sabihin ng kanilang guro na tapos na ito sa kaniyang ginawa na cake.
"Whoah! Chocolate Cake ba iyon na may Apple toppings?"
"Wow,mukhang masarap. Pero hindi ko maiwasan na kilabutan lalo na kapag naiisip ko na gawa 'yan ni Black Prince..."
Maski si Minaru ay agad na napahinto sa kaniyang ginagawa para lang masulyapan ang cake na gawa ng binasagang Black Prince ng Gangawa na si Dan Fujisawa.
M—Mukhang masarap ang isang 'yon ah?
Ngunit mabilis din siyang nakaramdam ng pagka-irita at agad na sinabi sa kaniyang sarili na...
Hmp! Yabang! Humanda s'ya! Mas masarap pa d'yan ang gagawin namin ni Yuri ko!
At saka pinaspasan ng dalaga ang pagtapos niya sa kanilang cake.
Ilang oras pa ang lumipas...
"Okay! Oras na para tikman ninyo ang inyong mga ginawang cake!"
Inilabas ng mga estudyante ang kani-kanilang mga kutsara at sabay-sabay na tinikman ang kanilang mga pinaghirapan na mga cake.
"Okay! Titikman ko na ang ginawa nating Strawberry Cake!" May pagmamalaki pang sinabi ni Minaru. Ngunit si Yuri ay hindi gaanong sang-ayon sa ideya ng dalaga na tikman pa ang kanilang ginawa lalo na't kitang kita sa pisikal nitong hitsura na hindi ito masarap.
"Ah, eh...Mina? Huwag mo na lang kayang tikman 'yan?"
"At bakit naman? Paano natin malalaman kung masarap ito o hindi?"
Dumakot ng kapiraso ang dalaga sa niluto nilang cake. Ngunit hindi paman ito nagtatagal sa bibig ng dalaga ay agad narin niya itong iniluwa dahil sa hindi nito maipaliwanag lasa na kumalat at nagmantsa sa kaniyang dila.
"A—ang sama! Ang sama ng LASA! Bakit ganoon?!"
"Mina, puro harina ang inilagay mo, wala ka namang nilagay na baking powder at yeast. Bukod doon, sobra ang iniliagay mong tubig, at kulang naman sa itlog. At imbis na asukal, asin ang nailagay mo."
"B—bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?!"
"Hindi ka naman kasi nakikinig sa akin kanina eh."
At gaya ng inaasahan, bumagsak sa practical test si Yuri, at dahil iyon kay Minaru at sa kaniyang palpak na cake.
"S—Sorry Yuri. Bumagsak ka tuloy sa practical test n'yo nang dahil sa akin." Agad na paumanhin ng dalaga sa binata.
"Hehe, ayos lang. Nag-enjoy naman ako sa mga ginawa natin eh."
Dahil sa mga sinabi ni Yuri kaya agad na namula na parang kamatis ang mukha ng dalaga kasabay ng mga imaginary hearts na nasa kaniyang background niya.
"Salamat ulit ha! Sige! Kita na lang tayo bukas."
Nagpaalam na ng tuluyan ang binata sa kaniya. Habang si Minaru naman ay naiwan sa kuwartong iyon na lutang ang diwa dahil sa sobrang saya.
Hay...ito na yata ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Ni sa panaginip hindi ko inakala na makakasama ko s'ya ng ganoon katagal.
Gaya ng kinaugalian ng mga estudyante sa baking class, inuuwi nila ang kanilang mga ginawang cake sa kani-kanilang mga tahanan. Maski ang ginawa nina Minaru at Yuri na cake ay dadalhin rin ng dalaga para iuwi sa kanila kahit pa hindi naman niya ito makakain.
"Okay! Oras na para umuwi!"
Papauwi na dapat sana siya, nang bigla niyang napansin ang isang nakapatong na chocolate cake na nasa mesa sa pinakadulo ng kuwarto nila.
"Teka, 'yon ang..."
Agad na nilapitan ni Minaru ang chocolate cake na gawa ni Dan, ang tinaguriang Black Prince ng Gangawa, at dumakot ng kaunti gamit ang kaniyang daliri upang tikman ito.
"T—totoo...ba ito?"
Maski siya ay hindi makapaniwala sa kaniyang nalasahan.
Sobrang sarap nito!
Pero may salitang "BAKIT" sa kaniyang isipan, isang palaisipan kung bakit iniwan ng binata ang gayong kasarap na cake para lang masayang.
Ano bang...problema ng taong iyon
Hindi na nagdalawang-isip pa ang dalaga at agad siya na kumuha ng kahon at isinilid doon ang cake na gawa ng binatang si Dan.
"Hindi n'ya pwedeng iwan dito ang cake n'ya. Hahanapin ko s'ya at ibabalik ito sa kaniya!"
END OF CHAPTER FIVE