Chereads / Labyrinthine / Chapter 2 - Chapter 2: Liber Mundo

Chapter 2 - Chapter 2: Liber Mundo

"Ano? Nakasulat ka na?" Salubong sa kanya ni Franco.

Umiling lang siya bilang sagot.

Wala talaga siyang maisip na isusulat, lalo na't wala din namang kasiguraduhang paniniwalaan ng susulatan niya ang isusulat niya.

"Sumulat ka lang kahit ano, huwag lang suicide note."

"Sana nga gano'n kadali. Magkaiba naman kasi ang mundo nila sa mundo natin 'no."

Si Franco naman ang napailing sa narinig.

"Mali ka, parehas lang ang mundo niyo sa Liber Mundo. Iyong sa amin, may mga halimaw, may powers, may kung ano-anong bagay na wala sa Liber Mundo. Sa tingin mo ba, bakit ako parati dito nakatambay? Kasi isa itong mundo ninyo sa pinaka-mapayapa at pinakamalapit sa amin."

"Ibig mong sabihin? Katulad lang ng mundo namin ang mundo ng Creator?"

Tumango-tango si Franco. "Oo, so pwede mong isulat ang sitwasyon mo ngayon."

"Ano? Sasabihin ko sa kanya na pinapalayas na ako sa mundo ko kasi namatay ang Creator namin at wala na akong parte sa kwento nila ngayon?"

"Hindi, pwede mo namang sabihing, brokenhearted ka, tapos naghahanap ka ng mapapangasawa."

Napatampal na lang ako sa noo.

"Ang desperado ah."

Ngumiti lang si Franco. "Kailangan mo. Kailangan mong makapunta sa Liber Mundo bago maisip ni Eton na wala ka na talagang parte sa buhay nila."

"Pwede ko naman silang sirain, sunugin bahay nila gano'n. I could do evil things."

"Hindi pwede, wala ang Creator ninyo, ang may kontrol na sa mundong ito ay si Elysia at Eton. Kailangan mo ng Creator na willing isulat ang kwento mo at gawan ka ng mundong gusto mo. Kahit mawala ang Creator na 'yon, you'll live, kasi kwento mo 'yon. You'll be the one in control if the Creator dies."

Napaawang ang bibig ni Roshia sa narinig.

"Impossible. Paano mangyayari 'yon? Hindi pwede 'yon. Kapag umalis ako dito sa mundong 'to--"

"You'll be stucked. Oo, you're free, at least for now. Pero kapag naisipan ni Elysia na mawala ka, pwedeng-pwede niyang gawin 'yon. Tapos na ang kwento mo dito, wala ka ng parte. That's why I'm giving you a chance to have your own story where you could have your own happily ever after."

"At ang lalaking makakabasa ng sulat ko ang gagawa ng happily ever after ko?"

"Kind of. That's your ticket to Liber Mundo. I'll send it there, have him read it, and then I'll help you pass the wall."

Hindi alam ni Roshia ang sasabihin. May punto lahat ng sinabi ni Franco. She could have her own world and have her own happily ever after. Kailangan niya lang ng taong bubuo ng mundo niya, where she could live forever. Kapag nanatili siya sa mundong ginagalawan niya, maraming pu-pwedeng mangyari sa kanya, Elysia hates her. Si Eton lang ang tanging kakampi niya. Pero hindi sapat 'yong dahilan para manatili siyang nagdurusa.

Matagal ng tapos ang parte niya sa kwento nila Elysia.

Hindi na siya pwedeng manatili dito. Wala siyang makukuhang kahit ano sa pananatili niya sa mundong ayaw naman sa kanya.

"I'll help you...we deserve a happy ending. You deserve to be happy."

Napangiti siya sa sinabi ni Franco.

"Ayan, ngumiti ka na. Iyan lang talaga ang hinihintay ko. Sinasamantala ko na lang na malaya ako ngayon, kasi sa susunod hindi na kita makakasama, nasa piling na ako ng iba."

"Kaya tayo magkaibigan e." Natatawang sabi niya na lang.

Sumimangot naman si Franco.

"Na-friendzoned pa."

Napatawa na lang siya.

"Thank you Franco."

"Oo na, gawin mo na 'yang assignment mo. Kailangan kong ma-deliver 'yan bago matapos ang pagbuo sa fate line ko."

Tumango-tango lang siya kay Franco.

Tatalikod na sana ito sa kanya at aalis na, pero hinila niya ang laylayan ng damit nito hanggang sa makaharap ito sa kanya.

"Bakit?" Tanong ni Franco sa kanya, bahagyang nakayuko ito sa kanya.

Inabot niya ang kuwelyo ng suot nitong damit bago hinila palapit sa kanya.

Humalik siya ng mabilis sa labi ni Franco bago bumitaw sa pagkakahawak sa kuwelyo nito.

"Thank you uli." Nakangiting sabi niya dito.

Nakangiti din naman si Franco.

"Sabi na may makukuha ako sa pagiging mabait ko." Kumagat pa ito sa labi bago patay-malisya siyang tinignan.

"May ilang araw ka pa bago matapos 'yan, ang haba ng oras mo para pagsamantalahan pa 'ko."

Napatawa siya ng malakas sa sinabi ni Franco.

"Ang lakas mo naman, nakatikim ka lang ng halik, pagsasamantalahan na kita? Wow ah."

Tumaas-baba ang kilay ni Franco.

"Willing victim ako."

Napailing na lang siya.

-------

"May fate line's almost done." Ungot ni Franco at tumitig sa palad nito.

"Ha?" Tanong niya bago inabot ang kamay ni Franco at inusisa ang binanggit nito.

"Maikli pa naman ah?" Puna niya nang makita ang maikling linya sa palad nito.

"Niloloko lang kita. Sige, tapusin mo na 'yang sulat mo. Gusto ko lang masigurado na makaalis ka dito kaagad. Napapansin ko na kasi lalong mainit ang dugo sa'yo ni Elysia."

Tumango siya. "Oo, tatapusin ko ito kaagad nang hindi na kita makita kahit kailan."

"Grabe naman. Matapos mo akong gamitin." Biro pa nito sa kanya.

"Aba, willing ka naman."

"Sabagay."

Hindi na siya nakipagsagutan pa dito at pingpatuloy na lang niya ang sinusulat.

I need my happiness too.

Habang tumatagal, lalo niyang nakikita kung anong pwedeng mangyari sa kanya dito sa mundo nila. Pwede siyang ipakulam ni Elysia, ipa-assassinate, o ipasagasa sa truck.

Hindi niya lang talaga maintindihan kung paano naging bida ang kapatid niya, at paano naisip ng Creator na ibigay na lang dito si Eton.

Sabagay, magkapatid sila, kaya parehas sila ng ugali. Malala lang siya ng kaunti. Pero hindi naman siya ang buong may gusto sa pangyayari, nakasaad iyon sa tadhana niya. Ibinigay ng Creator 'yon, ginamit lang siya.

Pero hindi iyon maintindihan ni Elysia, wala din naman siyang balak pang makipag-plastikan dito. Wala naman siyang kailangang ipaliwanag.

Basta ngayon, gagawin niya lahat ng paraan para maging masaya. Susulitin na niya lahat ng natitira niyang oras niya habang isinusulat ang ticket niya papuntang Liber Mundo.

At kung tama nga ang sinabi ni Franco na kapares lang ng Liber Mundo ang mundo nila, hindi na siya mahihirapang mag-adjust.