Title: Love or Live
Date Started: 2013
Date Ended: -
Word Count: -
Love or Live?
Tanong ba yun?
Para kanino ba 'yan Ms. A?
Bakit ganyan ang title?
Matagal na 'yang nakasulat sa likod ng notebook ko, since pinalabas ang Twilight. Itinago ko sa baul. Hindi ko nga expected na magkakaroon ako ng pagkakataon na mailabas ito sa publiko. Year 2013, my dear friend introduce me to Wattpad. Sabay kaming nagplano. Pero napurnada ang plano namin. Kasi paiba-iba kami ng plot. Hindi talaga matuloy-tuloy ang mga story namin. So, nag-publish ako ng story kahit hindi niya alam. Bahala na s'ya. Nakita ko kasi ang plot nitong LOL. Parang nananadya ata, kung may bibig ito matagal na siguro itong nagmakaawa. Year 2013 din, noong i-publish ko ang Chapter 1 nitong LOL. Yes, chapter 1. Hindi ko pa alam ang concept ng Prologue noon eh.
Tapos, hindi ko siya natuloy. Sa totoo lang maganda ang una nitong drafts. May kilig. Pero cliche. Kaso, ayaw ko nun. Ilang buwan din na nakatambak ang drafts nito sa works ko. Naging busy pa ako sa school works, kaya wala akong time na mag UD. O magsulat kahit draft man lang. Nalimutan ko pa ang plot. Kaya no'ng nagbakasyon at binasa ko. Parang nagkanda-leche na lahat.
Year 2014, nang i-post ko ang tatlong chapters ng LOL.
Tapos naubusan na naman ako ng ideas.Gusto kong magsulat ng kasunod kaya nagbasa ako ng iba pang vampire stories dito sa Wattpad. Pero wala pa din. April noon nang maisipan kong magpalit ng password. At yun na ang naging mitsa ng lahat. Hindi ko na talaga natuloy lahat ng publish stories ko doon.
Ilang buwan matapos kong magdrama tungkol sa nalimutan kong password. Naisipan kong mag gawa ulit ng bagong account. Which is, this; Lavisha_Pander. Ganado ako noon kasi may bago akong stories na naiisip. Saya ko no'n.
Pero 'nak ng pucha, wala na naman. Hindi ko na naman matuloy.
Sabi ko pa no'n sa sarili ko; Baka hindi talaga ako writer. Wala akong talent sa ganitong klase ng career. Hindi ko ata keri. Sige h'wag na lang. Ayaw din naman sumang-ayon sa'kin ni Universe.
So, I stopped.
Year 2015, bumalik ang motivation ko. Nakagawa ulit ako ng plot ng LOL. Nalaman ko din ang concept ng Epistolary. Sabi ko, Ay pwede pala 'yon? Sige try ko din yun.
At doon na-published ko ang Dear Future Husband. Dedicated sa kaibigan ko na nag introduce sa akin dito sa Watty. Kahit hindi niya nababasa, kasi busy-busyhan din 'yon sa school.
Noong umabot ng 100 reads ang DFH, tuwang-tuwa na ako no'n. Feeling ko naka-jackpot ako sa lotto. Ipinabasa ko pa sa seatmate ko. Tapos sa iba kong naging kaibigan. Nagustuhan nila. Kaya lalo akong na motivate. Hanggang sa umabot siya ng 1K reads. Hindi ko alam gagawin ko no'n. Nag uumapaw ang saya ko. Tapos naisipan kong i-post ulit ang LOL kasabay ng The Cupid Who Stole My Heart. Sabi ko bahala na kung may magbasa. Basta magsusulat ako kung anong gusto kong isulat.
Binalikan ko lahat ng sinulat kong drafts. Sinulat ko lahat 'yon dito sa new account ko. Hanggang sa ayun na nga, hindi ko inaasahang magiging kasama siya sa rankings. Parang mamatay ako sa tuwa no'n. Lalo akong na-motivate. Kahit isa lang mag comment,go lang ng go. Hindi ko kailangan magsulat para i-please ang iba. Tinapos ko ang LOL sa loob ng tatlong linggo. OO. Tatlong linggo.
At ngayon, hindi ko alam na sa tinagal-tagal ng panahon. Ito pa talaga ang pinaka-papatok.
So, bakit ba Love or Live?
Sa totoo lang, ang una nitong plot ay mas malalim pa sa core ang hugot. Hindi ko nga alam na may ganon pala akong side. So, originally ang ibig sabihin nito ay sobrang literal. Magmamahal ba si Cassimira? O mabubuhay siya na hindi nagmamahal? Iba nga kasi ang plot nito noon. Pero hindi ko siya pinalitan, kasi--hindi pa talaga tapos ang librong ito. At may iba pang dahilan kung bakit Love or Live. Kung malalim na ito noon. Mas palalalimin natin.
May Book 2 po ba?
Basahin mo ulit ang last paragraph. Yes, meron.
Happy Ending po ba?
Hindi natin alam.
-edited-