Chereads / Love Or Live / Chapter 3 - Chapter 1: Vampire's Kiss

Chapter 3 - Chapter 1: Vampire's Kiss

There's always a possibility.

May posibilidad na pwedeng maraming beses na akong namatay, at muntik ng mamatay sa ibang mundo, sa ibang pagkatao, ibang paraan at sa ibang pagkakataon. Pero iba pala ang feeling kapag nasa harap mo ang papatay sa'yo.

Lalo na kapag gwapo, at mukhang hulog ng langit.

At tulad ng sinabi ko, kung kaharap ko siguro ang nilalang na 'to sa ibang mundo, sa ibang pagkatao, sa ibang paraan at sa ibang pagkakataon; baka kinilig na ako, nagpabebe, at namumula ang buong mukha sa katalandiang iniisip ko. Ang kaso, hindi. Ang pinagkaiba lang siguro ay namumutla ako sa takot, nanginginig, sa takot; ulit. At takbong-takbo na sa takot. Isa pa palang pinagkaiba; kinikilig ako kasi ang gwapo, ayaw magpatinag ni hormones, naghuhumarantado sila sa sistema ko. Nagdidiwang; dahil gwapo ang papatay sa akin.

Badtrip, ang landi ko.

Dapat kanina pa ako sumisigaw ng tulong pero nanuyot ata ang lahat ng bodily fluids sa titig nitong hayop na 'to!

"Oh my go---"

"Quiet." Putol niya sa sasabihin ko at inilagay pa ang hintuturo sa labi ko.

Papatayin na niya ba ko? Jusko wag naman sana! Magiging kami pa ni kras. Tapos bubuo pa kami ng pamilya. Tapos---

Halos tumigil ang paghinga ko ng ilapit niya lalo ang mukha niya sa'kin. Oh panginoong diyos. Nagmamakaawa po ako ngayon, tunawin niyo po ang taong lamok na ito sa harapan ko.

Ramdam ko ang takot sa buong sistema ko, naiimagine ko na ang iyak ng mga kaibigan ko, si krass (crush); kung iiyakan niya man ako. Nag b-browse na din ang isip ko sa pagpili ng kakantahin sa burol ko.

Alam kong wala akong laban sa taong lamok na 'to, pero baka naman maidadaan ko 'to sa pakiusapan. Kung hindi, magsisimula na akong magdasal, mangumpisal, at umiyak.

Kung hihingi ako ng tulong sa guard, baka lalo siyang ma-provoked, tapos patayin niya din yung guard; na dapat ako lang ang papatayin niya ngayon kaso nandamay ako. Kung tatakbuhin ko hanggang labas ng school gate malamang maabutan niya ako kasi ang balita may super-ultra-mega-speed ang mga taong-lamok.

So wala na akong ibang choice kung hindi ang magmakaawa.

"P-parang a-awa mo na, 'wag mo kong p-patayin p-pangako g-gawin ko l-lahat ng gusto mo."

Pakiusap, makuha ka sa charms kong mahiyain!

Halos maiyak ako nang tumawa siya. Alam mo 'yong tawa na, gusto mong makisabay kaso huwag na lang kasi halata namang nang-iinsulto lang siya? Ganon. Ganon 'yong pakiramdam at interpretation ko sa tawa na sagot niya.

"Oh, that's nice. Aside from that blood of yours, ano pa ang magagawa mo para matuwa ako ng sobra at mapag desisyunan kang huwag patayin?" nanunuya niyang sabi.

Nangunot ang noo ko, nairita ang sistema ko sa tono na ginamit niya.

Aba't talaga namang! Kung hindi ka lang bampira! Hello? Isa pong dyosa ng kagandahan ang nasa harapan mo. Can't you see?

Humalakhak si taong-lamok. Nayupi ata ang mukha ko sa inis lalo.

Luh? Hindi lang ata to bampira! Takas pa sa mental! Lord hindi po ako na-orient na ngayon ang deadline ko, ba't hindi kayo nagpakita ng signs? Edi sana naka da-moves man lang ako kay kras kahit isa lang. Ay blessing din naman pala, ganda ng nose mo p're.

Na-distract ata ako ng ilang segundo para i-admire ang ganda ng ilong niya. Perfect kasi, muntik ko na siyang unahan na kagatin.

Nagtaas ako ulit ng tingin sa taong-lamok, biglang atang may nag insert ng twinkle effects sa mata niya nang magtama ang paningin namin, napatigil siya sa pagtawa at tipid akong nginitian. "Thank you." Bulong niya.

Luh? Anong thank you? Na-realize niya na kaya na blessing ang nasa harapan niya? Ayiee. Ene be. Elem ke pe.

Tumawa ulit si taong-lamok.

Nagsisimula na akong mainip; hindi dahil gusto kong mamatay ako agad, kung hindi dahil feeling ko mukha na ako lalong tanga sa paningin niya ngayon sa lakas ng tawa niya.

Lumayo pa siya at humawak sa tiyan. Tuloy ang tawa. Maligaya ang buhay.

"Baliw ka ba?" iritang tanong ko.

Napalunok ako, bumalik ang kaba, nanginig ang tuhod ko sa takot nang magtama ulit ang mata namin. Wala nang bakas ng pagkatuwa doon, mukhang handa na akong sakmalin dahil sa tatlong salitang itinanong ko.

Ama namin--

Lumapit siya sa akin, inilagay ang kanang kamay sa balikat ko bago ako marahas na itinulak sa pader.

Automatic ang pikit ko.

Goodbye, universe, crush, bessy, at oxygen.

"Tanga ka ba?"

Umiling ako. Nakailang beses na iling, na sa sobrang dami nga ata ay muntik na akong mahilo.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, ramdam ko ang lamig ng palad niya. "Open your eyes," mahinang sabi niya. Bumubulong, nangingiliti, gamit ang init ng hininga niya.

Sumunod ako.

Pumipitik, tumatakbo, dumadagundong ang sistema ko nang salubungin ang tingin niya.

"I know what you're thinking, Stupid."

Pero bago pa ako makasagot...

Inilapat niya ang labi niya sa akin, tinudyo iyon, nanukso, at kumagat ng marahan.

Nanigas ang sistema ko. Naglaho ang sound effects. Namanhid ang ulo ko at napahawak ng mariin sa kamisetang suot ng magnanakaw ng enerhiya sa katawan.