Chereads / LIBRO / Chapter 42 - Isang Binhing Pagasa

Chapter 42 - Isang Binhing Pagasa

Pagasa gaano nga ba kahalaga ang pagasa?

Mahalaga ba ito?

Oo!

Pagasa ang dahilan kung bakit pa tayo nabubuhay sa mundong ito.

Noong una ginawa ng Diyos ang tao ayon sa sariling wangis at para paglingkuran sya.

Ngunit nagkasala ang tao...

Kaya ngayon tayo ay nabubuhay na lang sa Awa, Habag, Pagasa at Pagibig ng Diyos para sa atin.

Nabubuhay tayo dahil sa kanya at para sa kanya.

Mga kaibigan huwag naman po nawa tayo mawalan ng pagasa sa buhay sapagkat ayon sa:

Juan 3:16

Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Dios sa sanglibutan, na ibinigay niya ang kaniyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Mga Hebreo 9:28

Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.

2 Timoteo 2:12-13

Kung tayo'y nagtitiis ng hirap sa mundong ito,     maghahari din tayong kapiling niya. Kapag siya'y ating ikinahiya,     ikakahiya rin niya tayo.

Kung tayo man ay hindi tapat,     siya'y nananatiling tapat pa rin     sapagkat hindi niya maaaring itakwil ang kanyang sarili."

Pahayag 3:20

Narito ako'y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng aking tinig at magbukas ng pinto, ako'y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya'y kasalo ko.

Ang Diyos ay tapat, kaya ang Kanyang pangako sa atin ay hindi mapapako. Inaasahan namin na ang mga talatang ito ng Biblia tungkol sa pag-asa ay maging kapaki-pakinabang sa iyong pananampalataya at sa iyong buhay.(https://tl.vangelodioggi.org/category/mga-debosyonal)

Kaya po kaibigan, kapatid, kapuso, kapamilya, kabayan, kabansa, kakilala, kamundo, huwag kayong mawawalan ng Pagasa.

Remember according to 1Corinthians 13:13

Kaya't ang tatlong ito'y nananatili: ang pananampalataya, pag-asa, at pag-ibig, ngunit ang pinakadakila sa mga ito ay ang pag-ibig.

Ibig sa bihin walang hanggan ang pagasa sapagkat ito'y nagmumula sa Diyos at ang Diyos ay walang hanggan.😉😉😉

God Bless Us All!

Praise the Lord!