Minsan may maga bagay tayong nasasabi na di natin alam na nakakasakit na pala sa ibang tao.
Na atin lang namang nabubulalas dahil sa sobrang saya, lungkot o galit.
Alam nyo bang masmasakit ang mabash, maakusahan, maasar o masabihan ng masasakit na salita kaysa sa mabugbog ng paulit-ulit!
Bakit naman?
Kasi ang bugbog o sakit ay mas madaling tiisin kaysa sakit sa dibdib na nararamdaman.
Dahil mostly ng nagkakaroon ng Depression is yung mga taong nasasabihan ng mga masasakit na salita, nilalalait, mga nababash sa coment at yung mga mahihina ang loob at pananampalataya; na maaaring magdulot ng kamatayan(suicide).
Although ang pagkakabugbog ay maaari rin namang magkacause ng psychological na effects tulad ng depression that cause para ang iba ay magsuicide, mas nagiging weak kasi ang isang tao kapag nasasabihan ng dimagagandang bagay at higit itong nakakaalarma kaysa sa masaktan ng pisikal.
Dahil doon nakadepende ang self esteem mo.
Mostly kasi ng mga mayayabang at ng mga taong mayroong confidence ay nabubuo dahil sa sinasabi ng tao sa kanila.
Gayon din naman sa pamamagitan din ng sinasabi ng tao nawawasak ang iba.
Kaya nga tulad ng sinasabi ko na mula sa Bible na ang dila ay parang apoy na mapanupok.
Magingat po tayo sa ating mga sinasabi sa harapan ng ibang tao, kasi maaaring ok sa iyo pero masama pala ang meaning non sa iba.
Kaya maganda po na may pundasyon tayo.
At iyon ay ang pag-ibig ni God.
Opo, pag-ibig ng Diyos, apart from God we are nothing.