Chereads / LIBRO / Chapter 37 - Kamalian at Katiwalian

Chapter 37 - Kamalian at Katiwalian

Lahat ng tao ay nagkakamali,

At normal lang iyon,

Sapagkat,

Walang taong perpekto,

Walang taong puro tama,

Gayon din naman

Walang taong puro mali,

Ngunit may pagkakataong

Di natin alam na tayo'y mali o nagkakamali.

Ang kamalian ay may dalwang uri,

Ang sinasadya at ang di sinasadya.

Ngunit bawat pagkakamali ay mayroong kakambal na sugat,

Na kung ihihingi mo ng tawad ay magiiwan naman ito ng marka.

Katiwalian ano nga ba ito?

Isang uri ng kamalian ba?

Ahhhhhhhh hindi,

Isang uri ng kasalanan na ginugusto,

Hindi gusto -ginugusto,

Paano kong nasabi na ginugusto?

Sapagkat dahil sa word na,

Root of all evil money or pera👌

Maraming nangangailangan, maraming nasasadlak sa kahirapan, at maraming nabubulag sa malaking halaga.

At tandaan po natin na ang pera ay nakakabulag pag ika'y nasilaw nito na maaaring humantong sa kamatayan.

Ang masasabi ko lang po magiingat lang tayo sa bawat sitwasyon na kailangan nating pagdesisyonan kasi mayroong desisyong sadyang nakatatakna, di na mabubura, di na mawawala o matatanggal nakatatak na sa puso o sa kasaysayan.