Chereads / LIBRO / Chapter 35 - Mata

Chapter 35 - Mata

Kay gandang pagmasdan ang langit asul at puti.

Tulad nito'y tubig sa dagat.

Sa langit ulap na puti gumagalaw pag humahangin.

Sa dagat alon ay gumagalaw sa saliw ng hangin.

Kay sarap pagmasdan ang mga ibong nagaawitan,

Anong rikit ng mga bulaklak sa parang,

Anong sarap sa pakiramdam maramdaman ang hanging dumadampi sa iyo,

Anong kay ligayang mapagmasdan ang makulay na buhay ng mundong ito.

Ngunit tama na,

Imulat mo ang iyong mga nakapikit na mata,

Masdan mo paligid mo,

Di na tulad dating maganda,

Tulad ng batang tumatanda,

Ito rin ay kumukupas at nagbabago.

Lalo na kung di iingatan,

Kaya naman po ito'y ingatan,

Mahalin at alagaan natin.

Di lang po ito para sa inyo,

Maging ito'y hamon din para sa akin.

Sumunod po tayo sa batas kung alam rin po nating ito'y para sa ikabubuti.

Lagi po nating tatandaan ang Diyos ay laging nariyan, Wag nawa po tayong makalimot sa kanya sa hirap at sa ligaya,

Sapagkat wala kang maipagmamalaki kung wala sya.

Ang ating Panginoong Diyos.