Ako nga pala si Erick, 33 year old, isang istrikto, mabait at mapagmahal na ama sa aking tatlong gwapong mga anak at higit sa lahat isa din akong gwapo at masunuring asawa sa aking magandang asawa.
Magandang gabi! Ito ang mga kwento na hango sa pinag-halong imahinasyon ko at ng aking anak na si Jerick.
Bago kami matulog sa gabi, nakaugalian na ko ng magkwento sa aking anak na si Jerick. Madalas nyang gustong kwento ay mga nakakatakot na istorya. Habang nagiisip ako ng idea ng kwento ay nagiisip na din siya. Kaya habang nagkwe-kwento na ako ay sinasabi nya din ang kanyang idea. Ating simulan ang kwento ngayong gabi sa petsa ng ika-22 ng Nobyembre 2019 sa kabilang pahina.