Magandang gabi! Isang araw naisip ni Jerick na lumabas ng bahay upang bumili sa tindahan. Maaliwalas ang panahon ng siya ay naglalakad sa kalsada.Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari biglang bumuhos ang isang malakas na ulan. Si Jerick ay nagmadaling tumakbo para maghanap ng isang masisilungan. Medyo may kalayuan pa ang tindahan, kaya napaisip si Jerick na sumilong muna sa isang malaking puno ng acacia. Nag-iisang puno ang acacia at medyo malayo ito sa mga kabahayan. Habang hinihintay ni Jerick na tumila ang ulan, biglang kumidlat ng malakas at may kasunod na nakakagulat na kulog. Si Jerick ay biglang nakaramdam ng takot, hindi nya maipaliwanag ang nararamdaman nya. Walang ibang tao doon kundi siya lang mag-isa. Sa hindi inaasahang pangyayari, biglang dumilim ang langit at tila may narinig si Jerick na ugong mula sa itaas ng puno ng acacia. Napatingin si Jerick sa kanyang likuran, nagmasid siyang mabuti. Mas lalong lumakas ang ugong na tila ba isang boses ng galit na higante. Natakot si Jerick at napilitang umalis doon sa kanyang sinisilungan, ngunit bago pa siya makaalis, biglang gumalaw ang puno at nagkaroon ng mga matatalas na mata at isang malaking bunganga na may matatalim na ngipin. Ang mga sanga ay tila ba naging mga kamay nito at nagpahiwatig na dadakmahinsi Jerick. Gumalaw ang mga malalaking ugat ng puno at ito ay nagsilbing mga paa ng puno at nag-kamang hahabulin si Jerick. Natakot ng sobra si Jerick at tumakbo ng mabilis paalis sa lugar na iyon, habang tumatakbo siya ay sumusunod sa kanya ang nabuhay na puno ng acacia. Mabilis ang galaw ng puno ngunit hindi nagpatalo si Jerick at mas lalo nyang binilisan ang kanyang pagtakbo. Sinubukan niyang sumigaw para humingi ng saklolo ngunit walang nakarinig sa kanya. Mabilis ang pangyayari, gumawa ng paraan si Jerick, kumuha siya ng bato at binato niya ito sa puno ngunit mas lalong nagalit ang puno. Malapit na ito kay Jerick at tila dadakmahin nya na siya. Nakuha niya si Jerick at tila gusto nya itong isubo at kainin. Ngunit bago pa makain ng malaking puno si Jerick ay dumating ang kanyang aso na si miya at sumaklolo sa kanya. Tumahol ng paulit-ulit si miya habang umiikot siya sa puno. Nahilo ang puno at nabitawan niya si Jerick. Sa pagkahilo ng puno ito ay natumba at nabali ang mga matutulis nitong mga sanga na nagsilbing mga kamay niya. Sa pagkakataon na yun, mabilis na nakatakbo si Jerick at si miya papalayo sa puno. Sabay silang nakauwi ng ligtas. Kaya mula noon, hindi na lumabas si Jerick sa bahay ng mag-isa at sa tuwing aalis siya ng bahay ay nagpapasama na siya kay papa Erick niya.
The End.