"SIGURADO ka na ba sa gagawin mo, Ara? Alalahanin mo, iba ang buhay diyan sa probinsya kumpara sa kinagisnan mong pamumuhay sa siyudad. At saka, wala ka ring kilala sa lugar na 'yon, paano kung mapahamak ka?" Nagkatinginan sila ni Delancey nang paulanan siya ng katanungan ng kanyang ina. Ngayon pa lang kasi niya ipinaalam dito na lilipat siya ng unibersidad pati na rin ng tirahan. "Teka, bakit ka nga ba lilipat ng matitirhan? May problema ba sa paupahan ng tito Pio mo?"
"Walang problema sa dati naming tinitirhan, tita. It's just that, wala akong tiwala rito sa anak mo. Mamaya e masunog pa niya 'yong paupahan kapag sinubukan na naman niyang magluto," ani Lance saka siya nito kinindatan. "And about naman po sa lilipatan niya, I've personally spoke with the owner and her niece. Nagkasundo po kami na sila na po ang bahala sa kakainin nitong si Bella from breakfast to dinner."
Bumuntong hininga ang kanyang ina saka siya nito tiningnan. "Pwede naman kaming bumalik d'yan kung kailangan mo ng makakasama. Wala namang kaso 'yon sa amin ng kapatid mo," sabi nito na ikinaalarma ni Arabella.
"Hindi na kailangan, Ma!" Nanlaki ang mga mata ng kanyang ina nang marinig nito ang pagtaas ng kanyang boses. "I mean, mas makakabuti para sa inyo nila Papa na mag-stay d'yan sa probinsya. At least, nag-e-effort ng mag-aral si Eunice. Hindi tulad noon no'ng nandito pa kayo."
"Ayaw mo lang kaming pauwiin d'yan e." Napangiwi si Bella nang marinig ang sinabi ng ina.
'Sapul,' aniya sa kanyang isipan habang pilit niyang pinananatili ang ngiti sa kanyang labi. "Hindi naman sa gano'n. Sadyang lamang kasi ang magandang dulot ng pagtira niyo r'yan sa probinsya kaysa sa paninirahan niyo rito sa lungsod."
"Hay naku. Ay, kailan mo balak lumipat do'n? At saka saang probinsya ba 'yan, 'nak? Malayo ba mula sa Maynila?" tanong ng kanyang ina. Sinulyapan niya si Lance na kaagad naman naintindihan ang nais niyang ipabatid. "Sagot. Kayong dalawa, may inililihim na naman kayo sa akin, 'no?"
Muli siyang napangiwi dahil natumbok na naman ng kanyang ina ang pilit nilang itinatago mula rito. "Tita, hindi naman po sa gano'n. We're. . . Actually, plano po naming sabihin sa inyo ang tungkol sa paglipat niya once settled na si Bella sa lilipatan niya." Napansin niya ang pagkunot ng noo ng kanyang ina kaya naman hinila-hila niya ang laylayan ng blouse ni Lance para kunin ang atensyon nito. "Ay. Hehehe. Pero tita, pangako, wala kayong dapat na ipag-alala. Pinuntahan ko na 'yong bahay na lilipatan niya no'ng nakaraang linggo."
"Hay. . . O siya. May tiwala naman ako sa inyong dalawa. Natitiyak kong wala kayong gagawing desisyon na ikapapahamak ninyo," sabi ng kanyang ina saka ito bumuntong hininga. "Basta, 'nak, magtext o tumawag ka palagi sa akin kapag nakalipat ka na, a. Lalong-lalo na't hindi mo na makakasama ro'n si Lance."
"Opo, Ma. Noted po," aniya saka nginitian ang kanyang ina. "Ikamusta mo ako kayla Papa, ha! I love you!"
"I love you, tita Liz!"
"Mahal ko rin kayo. Mag-iingat kayo palagi, ha. 'Wag na 'wag kayong gagawa ng desisyon na ikakapahamak ninyo," paalala sa kanila ng kanyang ina na kanila namang tinanguan. "O siya. Ba-bye na," anito saka tinapos ang video call nang hindi man lang sila hinihintay na makapagpaalam.
"I think, tita Liz is mad at us," sabi ni Lance bago nito isinara ang laptop na nasa ibabaw ng coffee table. "Mabuti na lang talaga at hindi natin ipinaalam sa kanya ang tungkol sa nangyari three days ago. Tiyak na pauuwiin ka n'on sa probinsya niyo kung sakali."
Isinandal ni Bella ang kanyang likod sa sofa. "Mabuti na lang talaga. Teka, mamayang gabi na ba ako lilipat do'n o bukas na lang? Baka kasi mapano ka kapag iniwan kitang mag-isa rito."
Nginitian siya ni Lance bago siya nito inakbayan. "Bella, kasama ko naman dito si Vannozzo. He's sharp and he can protect me 24/7. Isa pa, pwede rin naman kitang i-update from time to time kung humihinga pa ba ako o hindi na. Wala kang dapat na ipag-alala."
"E 'di aalis na ako ngayon pa lang para makabalik ako kaagad dito para sa iba ko pang gamit," aniya saka siya umupo ng maayos. "Hindi ba't aabutin ng halos three hours ang biyahe mula rito papunta ro'n? So darating ako ro'n ng alas sais, makakabalik ako rito ng bandang ten tapos babalik ulit ako ro'n ng around ala una ng madaling araw."
"Mabuti pa nga," sagot naman ni Lance na tumayo mula sa kanilang kinauupuan. "Let me call kuya Chico para matulungan ka niya sa paghahakot ng ilang binili nating furnitures. Mabuti na lang talaga at pinahiram sa atin ni manyak 'yong pickup niya," sabi ni Lance saka tinawagan ang driver na inarkila nito.
Actually, what really happened was that they called manyak—Track—to borrow one of his cars. Nang tanungin nito kung nasaan sila ay sinabi nito sa kanila na mas maganda kung bibili na lang sila ng pickup truck pagkatapos ay iwanan na lang nila sa parking lot ng tinitirhang condominium ni Lance once na tapos na nila 'yong gamitin. He deadass transferred $32,000 to Lance's account para bilhin ang pickup truck na pansamantala nilang gagamitin.
". . . Sige. Bale pumunta ka na rito para mailagay niyo na ni Van ang mga gamit ni Bella sa likod ng truck. . . Yes, kuya. As soon as possible sana. . . Pa-full tank mo na para hindi kayo tumirik sa gitna ng kalsada. Sige, ingat sa pagmamaneho. 'Kay." Tiningnan siya ni Lance saka ito muling umupo sa tabi niya. "Magpapagasolina raw muna siya bago dumeretcho rito. Dumaan muna kayo ng coffee shop para madalhan mo ng cake 'yong mga makakasama mo sa bahay."
"As long as mocha cake ang bibilhin ko," aniya saka nginisihan ang kaibigan.
"Oo na," sagot naman ni Lance bago siya nito niyakap nang mahigpit. "Kung pwede lang kitang isama sa pagbalik ko sa Italya, ginawa ko na. Kaso, I can't risk your life. Ngayon ko lang aaminin na tama nga ang sinabi ni Papa sa akin noon. Mas makakabuti nga talaga na wala akong masyadong koneksyon sa labas ng mansyon." Pinisil niya ang kamay ng kaibigan. "Hindi lang para sa kaligtasan ko kung hindi para na rin sa kaligtasan ng taong makikilala ko."
"Lance. . . 'wag ka namang mag-isip nang ganyan. Things happen for a reason, you know. At isa pa, malinaw naman na hindi ko pa oras. . . Hindi pa natin oras no'ng nangyari 'yong mass shooting sa mall."
"Maraming inosente ang nadamay no'ng araw na 'yon. The worse part? Collateral damage ang turing ng papa ko sa mga taong namatay no'ng araw na 'yon." Niyakap niya ang kanyang kaibigan saka marahang tinapik-tapik ang likod nito. "Those people don't deserve to die. Nadamay lang sila sa planong pagpapatumba sa akin ng kalaban ni Papa. It's all my fault."
Nanatili siyang tahimik habang yakap-yakap ang kaibigan. Hanggang ngayon ay apektado pa rin ito sa nangyaring pamamaril sa mall kung saan sila naglibot para bumili ng gagamitin niya sa bago niyang titirhan.
Honestly, kahit siya ay hindi magawang makatulog ng maayos magmula no'ng mangyari 'yon. Sa tuwing ipipikit kasi niya ang kanyang mga mata ay napapanaginipan niya ang nangyari no'ng araw na 'yon. 'Yong itsura ng batang tinamaan ng bala sa ulo nito, 'yong itsura no'ng lalaking tumabi sa kanya matapos nitong mabaril sa sentido at kung paanong tumalsik ang dugo nito sa kanya. Napapanaginipan niya pa rin 'yong pagpupulasan ng mga tao na walang ibang nais kung hindi ang makalabas sa lugar na 'yon. It was torturous as hell.
At hindi hamak na mas apektado ngayon ang kanyang kaibigan lalo na't napag-alaman nito na silang dalawa ang primary target ng mga snipers no'ng araw na 'yon. "Nandito lang ako, Lance. You don't have to carry all those burden all by yourself. Nandito ako para pakinggan ka. Nandito ako para suportahan ka. Always remember that," aniya na tuluyang nagpaatungal sa kanyang bestfriend.
Lance cried outloud. 'Yon ang unang beses na umiyak ito nang napakalakas sa harapan niya. Mahigpit ang hawak nito sa kanyang damit habang patuloy ito sa pag-atungal. Nanatiling tahimik si Bella habang hinahaplos ang likod nito. They remained that way kahit pa nakailang balik na sina Van at kuya Chico dala ang mga muebles na binili nila three days ago.
Nahinto lamang ang pag-iyak ng kanyang bestfriend nang tawagin ni Van ang atensyon nito. "There are six boxes inside Miss Arabella's room. Three of which were already placed inside the truck. According to Chico, they will pickup those boxes later."
"Okay," ani Lance saka ito tumingin sa kanya. "See you later, mia Bella."
"See you later, Lancey-boo," aniya saka ito niyakap nang mahigpit. Tinanguan niya si Vannazzo saka niya isinukbit sa kanyang balikat ang strap ng kanyang duffle bag. "I'll be back," sabi niya saka siya lumabas ng unit nito.
Bumuntong hininga siya bago nagsimulang maglakad patungo sa elevator. Kahit pa isang taon pa lamang ang nakalipas magmula nang una silang magkakilala ni Lance ay mabigat sa loob niyang iwanan ito na nag-iisa. Well, technically, siya ang iiwanan ni Lance dahil babalik na ito sa Italy.
'Ting!'
"Tito David, let me explain." Saglit siyang napahinto nang hindi sinasadyang marinig ang usapan sa pagitan ng lalaking nasa loob ng elevator at sa kausap nito sa cellphone. Pero kaagad din naman siyang nakabawi kaya naman dali-dali siyang pumasok sa loob ng elevator saka pumwesto sa pinakadulo saka iniyuko ang kanyang ulo.
The guy don't seem to care kahit pa marinig niya ang sasabihin nito. "I-I love Autumn. . . so much. Hindi ko kayang isipin na hindi ko siya pwedeng makasama sa loob ng mahabang panahon. . . P-Pero kung ito na lamang ang natitirang paraan para masiguro ko ang kaligtasan niya? I would endure all the pain that I will receive from you. . . From anyone. . ."
Nanatili siyang walang imik sa isang sulok habang nakayuko. Kaya siguro namumugto ang mga ng lalaki. Isa na siguro sa pinakamahirap gawin ay palayain ang taong mahal mo para sa kaligtasan nila. Aanhin mo pa nga naman ang nararamdaman mong pagmamahal para sa taong 'yon kung habambuhay naman silang mawawala sa piling mo?
"Patawarin niyo ko sa gagawin kong pagsira sa pangako, tito. Pero para ito sa kanya. Para sa kaligtasan niya," anito saka ibinaba ang kamay na may hawak na cellphone. Isinandal nito ang likod sa elevator saka ito humagulgol.
She doesn't know how to react. Hindi naman niya kilala ang lalaki para pakialaman ito. Kung trip nitong magmoment sa loob ng elevator ay hindi niya ito papakialaman. She'll let him do whatever he wants. Nanatili siyang tahimik sa kanyang kinatatayuan habang patuloy naman sa pag-iyak ang lalaki hanggang sa makarating na siya sa ground floor. Tahimik siyang lumabas ng elevator at ng gusali.
Kaagad siyang sumakay sa passenger seat ng kulay itim na 2019 Ram 1500 pickup truck na kanina pang naghihintay sa kanya. Saglit niyang binati ang driver na si kuya Chico saka siya tumingin sa labas ng bintana. 'Sana'y malagpasan no'ng lalaki kanina 'yong problemang kinakaharap niya. Gano'n din 'yong Autumn na jowa siguro no'ng lalaki,' aniya sa isipan saka tumingin sa driver na nakatuon ang atensyon sa kalsada.
"Kuya, daan pala muna tayo sa Apol Beri. Bibili lang ako ng cake na ibibigay ko sa kasama ko sa bahay," sabi niya na tinanguan naman ni kuya Chico. 'Sana maging okay ang paglipat ko ro'n. No issues, whatsoever. Sana.'
×
Pasado alas sais y media na sila nakarating sa boarding house na kanyang titirhan. Hindi hamak na may kalayuan ito mula sa pinakasentro ng probinsya pero mukhang tahimik at maayos naman ang komunidad. Maganda ang tanawin lalo na ang palayan na kanilang nadaanan pati na rin ang mga burol na nakita niya. Malamig ang simoy ng hangin sa lugar na 'yon, hindi tulad sa nakasanayan niyang temperatura sa Maynila.
Pagkahinto ng kanilang sinasakyan sa tapat ng gate ng isang malaking ancestral house ay kaagad silang pinagbuksan ng isang matandang lalaki na mukhang kanina pang naghihintay sa kanilang pagdating. Ipinasok ni Chico ang sasakyan sa loob at saka sila bumaba ng sasakyan. Bitbit niya ang kanyang duffle bag at cake na binili nang harapin niya ang matandang lalaki.
"Siya nga ho pala si Miss Arabella, 'yong kaibigan ho ni Miss Delancey."
Kaagad siyang nginitian ng matandang lalaki saka nito inilahad ang kamay. "Ikinagagalak kitang makilala, hija," anito.
Malugod niyang tinanggap ang kamay nito saka nginitian ang matanda. "Likewise," aniya. "Arabella po, pero kahit Bella na lang ang itawag niyo sa akin."
"Ako nga pala si Andres Sultanez, ang caretaker nitong bahay," pagpapakilala nito saka binitawan ang kamay niya. "Tuloy kayo," anito saka sila naglakad patungo sa gilid ng bahay kung saan naroon ang isang simpleng balkonahe na mayroong mesa at mga sopang gawa sa kawayan (patpat) na binarnisan. "Tuwing umaga'y masarap humigop ng mainit-init na kape o 'di kaya'y tsokolate sa lugar na 'yan," sabi ng matanda bago nito binukang ang dalawang pintong gawa sa magandang klase ng kahoy.
"Halika," aya nito sa kanya saka sila umakyat sa hagdanan. "May makakasama kang limang tao rito sa ikalawang palapag. Lahat naman sila'y mababait na bata, sadyang maloloko lang," sabi ng matanda habang tinatahak ang hagdanan na sa bawat hakbang na kanyang gagawin ay hindi nagmimintis ang paglangitngit nito. "Apat na lalaki at isang babae ang nakatira rito. May tatlong kwarto sa taas at sa gitnang kwarto ka mananatili."
"Mang Andres!" tawag ng babaeng nakadungaw mula sa second floor. "Siya na po ba 'yong lilipat sa dati kong kwarto?" tanong nito saka sila sinalubong. "Hi, ako nga pala si Amethyst, ang nag-iisang babae rito sa second floor at nag-iisang nakatagal sa pag-uugali ng mga kampon ni Taning."
"Nice to meet you. I'm Bella," pagpapakilala niya saka inabot dito ang dalawang cake. "For you," aniya saka nginitian ang babae. "Um. . . For everyone pala."
"You're cute," anito saka pabirong pinisil ang kanyang pisngi. "O s'ya, ilalagay ko lang ito sa ref. Baka basta na lang lantakan ng mga kampon ni taning e," sabi nito saka pumunta sa kusina.
"Pamangkin siya ni Ceniza na may-ari nitong bahay. At katulad nga ng sinabi niya, siya lang ang nakatagal sa pag-uugali no'ng apat na lalaking makakasama mo rin dito," sabi ng matanda saka naglakad patungo sa ikalawang pinto na nakita niya. Binuksan nito ang pinto at bumungad sa kanya ang isang madilim na silid. Binuksan ng matanda ang ilaw kaya naman nakita niya kung gaano kalaki ang pansamantala niyang titirhan. Pinalitan ni Miss Delancey ang ilaw sa kwarto na ito kaya't mas maliwanag ito kumpara sa mga ilaw sa ibang kwarto."
'She really took care of it.'
"Nilagyan na rin pala nila ng makapal na kurtina 'yong bintana. Maliban do'n ay pinalagyan niya rin ng harang na gawa sa bakal ang labas ng bintana." Sinipat niya ang kwartong tutuluyan niya at hindi niya mapigilan ang sarili na humanga sa istruktura ng bahay. Para siyang bumalik sa panahon ng mga kastila.
"Dumating na ba siya?" Napatingin siya sa labas ng kwarto kung saan niya narinig ang baritonong boses ng isang lalaki. Nangunot ang noo niya samantalang napangiti naman si Mang Andres.
"Mukhang makikilala mo na silang lahat," sabi nito na ikinakaba niya. "Halika't ipapakilala kita sa kanila," anito bago lumabas ng silid.
Inilapag niya ang kanyang bitbit na bag sa sahig saka siya lumabas ng silid. Tatlong lalaki ang inabutan niyang nagtatanggal ng suot nilang sapatos sa sala. Bakas sa mga mukha nito ang pagod at hindi na siya nagtaka pa. Mukha kasing kagagaling pa lamang nito sa kanilang trabaho.
"Bella!" tawag sa kanya ni Amethyst saka siya hinila papalapit sa kinaroroonan ng tatlo. "Sila nga pala 'yong mga kampon ni Taning. Mga demonyitong nagkatawang tao," anito saka humalakhak. "The one wearing black long sleeves is Gin, ang unang kampon na lumipat dito. The one in navy blue sleeves is Connor, mag-iingat ka r'yan dahil hindi pa natuturukan ng anti-rabies. Si Craig naman 'yong nakasuot ng police uniform. Tatahi-tahimik lang 'yan pero kapag na-activate ang pagiging siraulo niyan, mas malala pa siya kaysa kina Gin at Connor."
"N-Nice to meet you," aniya saka tiningnan ang mga lalaki. Maliban kay Craig na nakapikit at mukha namang walang pakialam sa sasabihin niya. "I'm Bella."
"Nice to meet you too. Tip ko lang, a. 'Wag kang masyadong maglalalapit d'yan kay Sisa. Frustrated 'yan ngayon dahil naunahan siya ng karibal niya sa crush niya," sabi ni Gin bago ito nakipag-apir kay Connor.
"Paano ba namang hindi mauunahan? Panay deny sa nararamdaman niya sa tuwing binubuking natin siya kay—"
"—bwisit talaga kayong dalawa!"
"—aray ko! 'Wag mo kong sabunutan! Manlalagas 'yong buhok ko!"
"Sisa, bitaw!"
Umiling naman 'yong Craig saka ito tumingin sa kanya. "Pierre won't be home until midnight. Maybe you'll get to meet him tomorrow," anito bago tumayo at nag-inat. "Honestly, he's worse than me," sabi nito saka tinapik ang kanyang balikat. "Good luck."
Nanatili siya sa kanyang kinatatayuan hanggang sa tapikin ni Mang Andres ang balikat niya. "Ito 'yong susi sa kwarto mo pati na rin sa main door. Kapag nawala o naiwan mo 'yan, katukin mo lang ako sa baba para maibigay ko sa'yo 'yong duplicate."
"Okay po," aniya saka ito nginitian.
"O s'ya. Tutulungan ko na si Chico sa paghahakot ng mga gamit mo."
"Tutulong kami," sabi ni Connor saka inalis ang kamay ni Amethyst na nasa buhok niya. "Hindi ba, Gin?"
"Oo naman, 'di ba Craig?" tanong naman ni Gin. Nanatiling tahimik ang ikalawang palapag hanggang sa bumukas ang pinto sa pinakadulo. "Craig, 'di ba tutulong tayo sa paghahakot?" muling tanong ni Gin pero katulad no'ng una'y walang isinagot ang lalaki. Sa halip ay bumaba na ito nang walang sinasabing kahit ano.
Connor tapped Gin's shoulder. "Ini-snob ka, p're. Hayaan mo, kahit gano'n, love pa rin kita."
"Kiss mo nga 'ko."
"Later baby, pagkatapos nating maghakot."
"Mga bwisit kayo!" bulalas naman ni Amethyst. Akmang sasabunutan niyang muli 'yong dalawa'y kumaripas na ito ng takbo patungo sa gilid ng hagdan saka sila bumaba. Amethyst shook her head before looking at her. "They're hopeless."
"Malapit talaga kayo sa isa't isa, 'no?" tanong niya rito habang inaayos ni Amethyst ang iniwang sapatos nina Gin at Connor.
"Sila ang naging kuya ko simula no'ng lumipat ako rito. Nakakabwisit sila pero kahit gano'n, they know their limits at humihinto naman sila bago pa sila sumobra sa limitasyon nila." Umupo siya sa pang-isahang sofa habang naupo naman si Amethyst sa katapat niyang sofa. "Pero sa kanilang apat, kay kuya Pierre ako pinakamalapit. He's more of an observant and a listener. Kapag may problema ang isa sa amin ay kaagad niyang nahahalata. Magaling din 'yong magbigay ng payo kapag kinakailangan." Then, Amethyst sighed. "Sadyang antipatiko nga lang."
"But they're nice people, right?"
"Oo naman. Guaranteed 'yon."
Nagpatuloy pa silang dalawa sa pagkukwentuhan hanggang sa ayain siya ni Amethyst sa kusina para maghanda ng hapunan. "Hindi ka talaga marunong magluto?" tanong nito habang hinahalo ang adobong baboy na niluluto.
"Sinubukan ko pero palaging nasusunog 'yong gawa ko. From adobo to inihaw. Gano'n palagi," nakangiwing sabi niya saka niya isinandal ang kanyang likod sa upuang nasa dinner table. "Pero masarap akong magtimpla no'ng marinate ng baboy na ipiprito."
"Hayaan mo. You can leave the cooking to us. We got you."
"I'm starving," sabi ni Gin saka umupo sa isa sa mga silya roon. Sumunod na pumasok si Connor na sinundan naman nina Craig at kuya Chico. "Matagal pa ba?"
"Tapos na," sagot naman ni Amethyst saka inilagay sa isang transparent na mangkok ang mainit-init na adobo. Pagkatapos ay inilagay niya 'yon sa tray saka dinala sa dinner table. "Kain na," ani Amethyst at walang ano-ano'y naglagay na ng kanin at ulam ang mga naghakot ng kanyang gamit.
Muling naglapag ng mangkok na may lamang adobo si Amethyst sa tapat naman ng kanilang kinauupuan. "Dig in," anito habang naglalagay ng kanin sa plato.
So, she did.
Himalang tahimik sina Connor at Gin habang abala sila sa pagkain. Tanging kalansing lamang ng mga kubyertos ang maririnig sa hapagkainan. Pero s'yempre, hindi naman 'yon nagtagal dahil makukulit ang dalawa nilang kasama sa hapagkainan. Hindi pa rin napigilan nina Connor at Gin ang kanilang kakulitan. Craig, on the other hand, gave the two the sharpest glare she had ever seen in her entire life. Kaagad na inayos ng dalawa ang kanilang pinagkainan saka 'yon dinala sa lababo. Na sinundan nina Craig at Kuya Chico.
"Tulungan na kitang maghugas," pagpipresinta niya.
"No need. Unahin mo muna ang pag-aayos ng gamit mo. Hayaan mo't paghuhugasin kita ng plato from breakfast to midnight snack kapag naisaayos mo na ang lahat ng gamit mo."
"Thank you," aniya saka lumabas ng kusina. Inabutan niyang inilalagay na ni Craig ang mga libro niya sa bookshelf. Sina Gin at Connor naman ay abala sa pag-aayos ng bed sheet sa kama niya. Si Kuya Chico naman ay abala sa paglalagay ng pillow case sa kanyang mga unan. Mukhang wala na siyang pwedeng itulong sa mga ito.
"So, you like reading fictional books?" tanong ni Craig habang binabasa ang nakasulat sa back cover ng libro na isinulat ng isang foreign writer. Nang hindi siya sumagot ay tiningnan siya nito.
"A-Ah, oo. Mostly fantasy ang binabasa ko. They're interesting to read."
"Pero wala kang nakukumpletong series," anito saka tumayo.
"Mahal kasi. Isang linggong baon ko rin ang itinatabi ko para makabili ako ng book."
"Hm. . ." sabi nito saka naglakad papalabas ng kanyang kwarto. "You can borrow some of my books, if you want." Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. "Just tell me which book you'd like to read."
"I-I will," aniya habang pilit na pinipigilan ang pagsilay ng napakalaking ngiti mula sa kanyang labi.
"Sige."
"T-Thank you sa pag-aayos ng gamit ko."
"M'kay," tipid na sagot nito saka ito pumasok sa kwarto nito.
Pagkatapos namang ayusin nina Connor at Gin ang kanyang kama ay ginulo nito ang kanyang buhok saka sila lumabas ng kanyang kwarto. Her room looks homy. "May babalikan ka pa ba sa unit ni Miss Lance?"
"Ay, opo! 'Yong mga pinamili namin ni Lance online."
"Ngayon mo na ba babalikan o dadalhin ko na lang 'yon dito bukas?"
"Ngayon na, kuya. Aalis na rin kasi ro'n si Lance bukas."
"O, e 'di tara na. Para makabalik tayo kaagad dito."
"O sige," aniya saka nagpaalam sa mga kasama sa bahay. Niyakap siya nang mahigpit ni Amethyst bago siya nito pinayagang makababa ng hagdan. Ito na raw ang bahalang magsabi kina Craig na umalis siya saglit.
Pagkaupo sa passenger seat ay nakahinga ng maluwag si Arabella. 'Looks like I have nothing to worry about.'
×
"SALAMAT sa paghatid mo sa akin dito, kuya. I really appreciate it," aniya matapos ilapag ni kuya Chico ang ikatlong kahon sa sahig ng balkonahe sa unang palapag. "Sigurado ka bang ayaw mong tanggapin 'yong tip ko sa'yo?" tanong niya rito na kaagad na inilingan ng kaharap.
"Ginagawa ko lang ang trabaho ko, Miss Arabella. At isa pa, sobra-sobra pa sa napag-usapan ang ibinayad sa akin ni Sir Vannazzo. Kaya itabi mo na lang 'yong ibibigay mo sa aking tip," sabi nito saka tinapik ang kanyang balikat. "Teka, sigurado ka bang ikaw na ang bahala sa mga ito? Hindi biro ang bigat ng bawat kahon na 'to."
"Siguradong-sigurado. Yakang-yaka ko na 'yan," aniya saka marahang itinulak si kuya Chico papalayo. "Umuwi ka na sa inyo, kuya. Ala una na ng madaling araw. Kaya ko na 'to."
"Sinabi mo 'yan a."
"Opo," sagot naman niya. Sa huli'y nagtagumpay din naman siyang palayasin si kuya Chico. Nang matiyak na nakaalis na ito ay saka niya kinapa ang bulsa ng kanyang suot na pantalon. Nangunot ang noo niya nang wala siyang makapang susi ro'n. "No. No. No." Paulit-ulit niyang sinasabi habang kinakapa ang bulsa sa harap at likod ng kanyang suot na pantalon.
Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata saka pilit na inalala kung saan niya huling inilapag ang susi. 'Teka. Ibinigay sa akin ni Mang Andres 'yong susi tapos. . . tapos. . .' Napadilat siya saka niya tinampal ang kanyang noo. 'Pagkatapos ay isiniksik ko sa bulsa ng dala kong duffle bag 'yong susi. Then I left that bag on the floor without taking anything with me aside from my phone.'
Napasabunot siya sa kanyang buhok saka siya umupo sa upuang gawa sa kawayan. Sa kalagitnaan ng pagsabunot sa sarili ay nakapa niya ang isang bagay na makakapagpapasok sa kanya sa loob ng bahay na hindi man lang mapapansin ng mga kasama niya na 'yon ang ginamit niya at hindi ang duplicate na ibinigay sa kanya.
She kissed the hairpin before standing from her seat. Inilagay niya sa gilid ang mga tatlong kahong bibitbitin paakyat bago siya pumwesto sa tapat ng pinto. Sa wakas ay mapapakinabangan na rin niya ang itinuro sa kanya ng pinakamatalik niyang kaibigan—picking the goddamn lock.
Itinuon niya ang kanyang atensyon sa ginagawa. Pinagpapawisan siya nang bongga habang kinakalikot ang susian. At sa bawat segundong lumilipas ay tumi-triple ang kabang nararamdaman niya. Para siyang nasa isang action film kung saan kailangan niyang ma-infiltrate ang kuta ng mga kal—
"—Sino ka?"
Nabitawan ni Arabella ang hawak na hairpin nang marinig niya ang baritonong tinig mula sa kanyang likod. A guy, wearing a black shirt and eye glasses with silver frame, stood behind her. Napalunok siya nang makita ang magkasalubong nitong mga kilay.
"A-Ano. . . A-Ako 'yong—"
"—Ikaw 'yong akyat-bahay na nanlilimas ng pera sa kabilang bayan, 'no?"
"Hindi. Nagkakamali ka sa iniisip—" Biglang hinaklit ng lalaki ang kanyang braso saka siya pilit na hinihila papalayo mula sa pinto. Pero syempre, hindi siya magpapatalo rito.
"Mas mabuti pang sa baranggay ka na lang magpaliwanag."
"Pakinggan mo muna kasi ako. Hindi nga kasi ako magnanakaw!" aniya habang nagpupumiglas.
"Bulok na 'yang palusot mo," sagot naman nito saka siya pilit na kinakaladkad papalayo sa balkonahe. Nakailang hiling na siya kay Lord na sana'y may makapagligtas sa kanya mula sa lalaki subalit mukhang pati si Lord ay nagpapahinga na. "Makisama ka na!"
"Payr? Bella? Ba't ang ingay niyo?" Sabay silang napatingin sa direksyon ng nagsalita. It was Connor who was still rubbing his eyes. Halatang naalimpungatan lang ito dahil napakagulo pa ng itim na buhok nito. "Teka, kababalik mo pa lang, Bella?"
"A, oo. May aksidente kasi on the way kaya na-delay 'yong pagbalik ko rito."
"Gano'n ba?" sagot nito saka tiningnan ang lalaking nakahawak pa rin sa braso niya. "E ikaw, Payr? Ba't ngayon ka lang?"
"Ha?" tanong nito bago tumikhim. "Hinatid ko muna si Haze sa kanila bago ako dumeretcho rito." Pilit pa rin siyang nagpupumiglas habang nag-uusap ang dalawa. "Teka, kilala mo siya?"
"Hm? Oo. Kanina lang siya dumating," sagot ni Connor saka binitbit ang isa sa tatlong kahon na nasa gilid saka ito pumanhik. 'Payr', on the other hand, decided to let go of her arm. Sinamaan niya ito ng tingin habang pinaningkitan naman siya nito ng mata.
'Naku! Ang sarap tusukin ng mga mata mo! Gwapo ka pa man din!' aniya sa kanyang isipan saka nagtungo sa kinaroroonan ng dalawa pang kahon. Akmang bubuhatin na niya 'yon nang unahan na siya ni 'Payr' at Craig na mukhang nagising din dahil sa ingay nila.
Nauna na ang mga itong umakyat. Bago siya tuluyang pumasok ay dinampot muna niya ang hairpin na nasa lapag saka siya pumasok sa loob at ni-lock ang pinto. Inabutan niya sa sala si Amethyst na mugto ang mga mata na para bang katatapos pa lang nitong umiyak.
"Bella!" tawag nito sa kanya saka siya niyakap nang mahigpit. "Akala ko bukas ka pa uuwi."
"Hindi pwede, 'no. Aalis na rin kasi 'yong kaibigan ko sa pansamantala niyang tinutuluyan mamaya," sagot niya pagkatapos siya nitong yakapin. "Teka, umiyak ka ba?"
"Oo. Nakakasakit kasi 'yong movie na pinanood ko e."
"She's watching an anime movie. One of the characters. . . one of the good guys, died," sabat ni Gin saka tinawanan si Amethyst.
"Bwisit kasi. Panalo na nga sila tapos biglang sumulpot 'yong kakampi ng nakalaban nila. Ang duga!" anito habang tinutuyo ang luha sa kanyang pisngi. "Teka, nga pala, Kuya Pierre, siya si Bella. 'Yong bestfriend ni Delancey. Bella, this is kuya Pierre. 'Yong kinukwento ko sa'yo kanina. May pagkademonyo siya paminsan-minsan pero makakausap mo naman ng matino kapag kinakailangan."
Tinaasan niya ng kilay ang lalaking kanina pa nakatitig sa kanya. "It's not nice to meet you," aniya saka ito inirapan. Tumingin siya kina Amethyst, Connor, Craig, at Gin saka sila nginitian. "Magpapahinga na ako. Kita-kits na lang bukas?"
"Opkors. Sweet dreams, Bella!" sabi ni Connor na kaagad namang pinukpok ni Craig. "Aray ko. Damang-dama ko ang pagmamahal mo, pareng Craig."
Napailing na lamang siya bago niya binuksan ang ilaw sa kanyang kwarto saka siya tuluyang pumasok sa loob. Isinara niya ang pinto saka ito ni-lock. Bumuntong hininga siya saka nagtungo ibinagsak ang sarili sa malambot na kama.
'I'm dead tired. Hay. . . makakatulog na rin sa wakas.' Nag-inat siya saka niyakap ang isa sa mga unan na nasa kanyang kama. 'Mamaya ko na lang ulit iisipin ang nangyari kanina sa pagitan naming dalawa no'ng Pierre.' Then, she sighed. 'Pero infairness, hindi nagpapahuli ang isang 'yon pagdating sa itsura ng mga kasama namin dito. Hihi. Harot. Good night, self.'
× E X T R A ×
"YOU did what?" tanong ni Gin kay Pierre na kaagad namang sinubuan ng cake ni Connor.
Napahilamos siya ng kanyang mukha saka siya bumuntong hininga. 'Hindi ko naman kasalanan kung bakit pinaghinalaan ko siya! Sino ba namang matinong tao ang mangangalkal ng lock ng pinto sa dis oras ng madaling araw?'