Chereads / Be Your Everything / Chapter 2 - Chapter Two

Chapter 2 - Chapter Two

'BAKIT ba pinag-aaksayahan ko ng panahon ang nangyari kanina? Hindi ko naman kasalanan kung gano'n na lang ang iisipin ko sa kanya, 'no? Where the hell did she even learn that skill?' Kunot-noong tanong ni Pierre sa kanyang isipan habang pilit na sinusubukang matulog. Bumaling siya pakanan saka ginawang unan ang kanyang kamay. 'Kahit sino naman siguro ay mag-iisip ng masama oras na makakita sila ng kahinahinalang tao sa tapat ng bahay nila.'

"Get the fuck out of the room if you can't sleep," masungit na saad ni Craig habang nakapikit ang mga mata. "I'm trying to get a decent sleep, for Pete's sake."

Bumuntong hininga siya bago bumangon. Mukhang nakakaistorbo na nga siya sa pagtulog ng mga kasama sa kwarto. Well, nakakaistorbo na siya kay Craig dahil kanina pa humihilik sina Connor at Gin sa taas ng double deck. 'Makapagtsaa na nga lang muna,' aniya sa isipan habang isinusuot ang kanyang pambahay na tsinelas. Inayos niya muna ang kanyang sando bago siya tuluyang lumabas.

'Na-stress na nga ako sa trabaho, na-stress pa ako pagdating dito sa bahay.' Pierre sighed while massaging his nape. Saglit niyang ipinikit ang mga mata saka siya muling dumilat. 'I really hope that I wouldn't encounter. . .' Kusang nalukot ang mukha ni Pierre nang matanaw niya ang pigura ng babaeng hindi niya maalis-alis sa isip niya. '. . . What the hell is wrong with this woman?' tanong niya sa isipan habang nakatitig pa rin kay Bella.

Nakasuot ito ng kulay puting roba habang nakalugay ang kulot na buhok nito. 'She reminds me of that female ghost from the movie we've watched the other day,' aniya sa isipan saka nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kusina. 'Mukha naman siyang mabait,' aniya habang inihahanda ang kanyang mga gagamitin sa paggawa ng tsaa. 'Sadyang mahirap lang siyang basahin dahil mukhang tahimik at maraming tumatakbong kung ano-ano sa kanyang isipan.'

'Ba't hindi mo kausapin?' suhestiyon ng isang bahagi ng isipan niya. 'Bakit hindi mo kaibiganin para malaman mo ang sagot sa mga tanong mo?'

Nangunot muli ang kanyang noo sa pinagsasabi ng kanyang isipan. 'Hindi ako makikipaglapit sa kanya. Napahiya ako sa nangyari kanina at wala akong mukhang maihaharap sa kanya.' Muli siyang bumuntong hininga saka siya tumingin sa kanyang ginagawa. 'What the. . .?'

Two mugs were in front of him. One containing tea and the other was hot chocolate. 'When did I even made this hot choco?' tanong niya sa isipan saka niya ginulo ang kanyang buhok. 'Ano bang klaseng katawan 'to? May sariling pag-iisip. Sinabi na ngang ayaw kong bigyan ng kahit ano si Bella pero. . .' He sighed before he pick up the two mugs. '. . .ano pa nga ba ang magagawa ko, e nandito na 'to?'

Naiiling na lumabas siya ng kusina dala ang ginawang inumin para sa kanila ni Bella. Inabutan niyang nakaharap ang dalaga sa labas ng bintana na para bang may malalim itong iniisip. Nilapitan niya ito saka inilapag ang dalang inumin sa pinakamalapit na patungan.

"You can't see the stars from here," aniya na dahilan para mapatingin sa kanya si Bella. "At least, not tonight," dugtong niya saka tumayo sa tabi nito. "Why are you still up?" tanong niya habang nakatitig dito. Saglit siyang tiningnan ni Bella bago muling humarap sa labas ng bintana. Sa maikling panahong 'yon ay hindi nakaligtas mula sa kanya ang namumugtong mata ng dalaga. "Are you alright?"

Bella sniffed before sobbing. "A-Akala ko magiging. . . magiging okay na ako k-kapag lumayo ako sa Manila pero. . . pero binabangungot pa rin ako," halos pabulong na sabi nito. "I-I can't sleep peacefully after that incident. At mukhang kahit kailan ay hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon."

Nag-aalangan siyang tapikin ang balikat nito. They weren't in good terms earlier, but he couldn't just watch her breakdown. Hindi niya maiwasang makaramdam ng simpatiya para sa dalaga. 'Gagawin ko lang ito dahil mukhng kailangan niya ng masasandalan. That's it,' aniya sa isipan bago niya saka tinapik ang likod ni Bella.

"Pwede mong sabihin sa akin 'yang dinadala mong problema," aniya saka ngumiti. "I'm willing to listen to your problem," dagdag pa niya. Bella, then, briefly shut her eyes bago yinakap si Pierre. He was surprised, to say the least. Pero hindi siya umangal nang gawin 'yon ni Bella.

"T-Thank you," anito habang nakayakap pa rin sa kanya. "D-Do you mind if we stay like this habang ikinukwento ko 'yong nangyari no'ng araw na 'yon?"

Pierre's heartbeat became erratic upon hearing her request. 'Say no, asshole. Say no!' sigaw ng kanyang isipan.

"Of course," sagot niya saka niyakap pabalik si Bella.

'Akala ko ba hindi ka makikipaglapit sa kanya?' tanong ng isang bahagi ng kanyang isipan.

"I-It happened about four days ago. No'ng namili kami ng mga gagamitin ko rito sa boarding house," pagsisimula ni Bella habang nakayakap sa kanya. "Masaya kaming namimili no'n ni Lance nang bigla na lamang may humandusay na lalaki na malapit sa amin. Actually, that man was standing behind me when it happened." Muling humikbi si Bella kaya naman kaagad niya itong inalo. "N-Nagkagulo ang lahat ng naroon sa department store. Actually, pati sa labas ng department store. Lance and I were escorted by her bodyguard para makalabas kami mula sa lugar na 'yon. Nang makalabas kami ng mall ay bigla naming narinig ang pagsigaw ng isang babae mula sa likuran namin. . ."

Naramdaman ni Pierre ang panginginig ni Bella habang ikinikwento ang mga nangyari kaya naman lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap dito. Para sa oras man na bumigay ang tuhod nito ay hindi ito lalagapak sa sahig. ". . . No'ng lumingon ako. . . Nakita ko 'yong batang lalaki na kalong-kalong ng ina niya. He was wearing a white polo that time. P-Pagkatapos ay unti-unti 'yong naging kulay pula." Kumapit si Bella sa kanyang damit bago ito umiyak sa kanyang dibdib.

'Anong klaseng buhay kaya ang meron siya bago siya lumipat dito?' tanong ni Pierre sa kanyang isipan habang hinahaplos ang likod ni Bella. 'Kung ang kwento niya ang pagbabasehan, the gunman was obviously after her life. Pero bakit?' tanong niya sa isipan saka yumuko. Gamit ang kanyang daliri ay sinuklay niya ang buhok ni Bella. Her smooth, wavy, black hair cascades against her back. 'Hindi kaya anak siya ng isang leader ng mafia o 'di kaya'y general? Mukhang malabong maging anak siya ng mafia. Malabo. Posibleng anak siya ng general pero kung gano'n nga, hindi ba't mas reasonable kung itatago siya ng kanyang ama sa isa sa mga safe house sa halip na payagan siya nitong manirahan sa isang boarding house na katulad nito na madaling bombahin?'

"Hindi mo kasalanan ang nangyari sa kanila," aniya habang hinahaplos ang buhok ni Bella. "Siguro'y sadyang panahon na nila no'ng araw na 'yon." Nakasimangot si Bella nang tinangalain siya nito. "Let's assume that the sniper was using a .50 caliber rifle plus Hornady 50 BMG A-Max ammunition with a 750-grain bullet, tiyak ay tinamaan ka na no'n within 4.5 seconds. 'Yon nga lang, within that 4.5 seconds, bigla namang dumaan 'yong lalaki during the first shot and during the second shot, you moved within that 4.5 timeframe kaya 'yong bata ang natamaan."

"H-Hindi kita maintindihan," sabi sa kanya ni Bella bago ito bumitaw mula sa pagkakayakap sa kanya. 'Oh. Na-weirdo-han kaya siya sa akin? Should I tell her that I've only read it online? Teka, baka naman isipin niya na kaya ako magpapaliwanag dahil-'

"O-Okay na ako. T-Thank you for listening to me, Pierre. I really appreciate it," sabi nito bago yumuko. "Sorry din sa inasta ko kanina."

Nakahinga nang maluwag si Pierre dahil sa narinig. Napangiti siya sa sinabi ni Bella. "Sorry din dahil sa paghila ko sa'yo kanina." Nagkatinginan silang dalawa saka nila nginitian ang isa't isa. Kinuha ni Pierre ang mga mug na dala niya kanina saka in-offer ang kulay blue na mug na may lamang maligamgam na tsokolate kay Bella. "Peace?"

"Oo naman," sagot ni Bella saka tinanggap ang baso. "T-Teka, bakit nga ba gising ka pa?" tanong nito saka tinikman ang tsokolate.

'Because of you.' Kinagat niya ang kanyang dila bago humigop ng tsaa. "H-Ha? A-A wala. Hindi lang ako dinadalaw pa ng antok. Hindi makatulog nang maayos si Craig kaya naman lumabas muna ako."

"Gano'n ba? Teka, wala ka bang pasok maya-maya? Ayos lang bang hindi ka makapagpahinga?"

"Pwede ko namang gamitin 'yong leave ko bukas. Kahit isang araw lang." Umupo si Pierre sa tumba-tumba na malapit sa bintana. "Ikaw? May lakad ka ba bukas?" tanong niya rito. Bumuntong hininga ito bago inubos ang tsokolateng iniinom nito.

"Siguro nandito rin lang ako." Saglit siya nitong tiningnan bago muling humarap sa bintana. "Gusto ko sanang lumuwas bukas para maihatid 'yong bestfriend ko pero hindi ko alam kung anong oras siya aalis at kung saan lalapag ang private plane na maghahatid sa kanya pabalik sa kanila."

"Hindi niya sinabi sa'yo ang detalye ng pag-alis niya?" tanong niya kay Bella na kaagad naman nitong inilingan.

"Baka nga wala na rin sila rito sa bansa, e." Inilapag ni Bella sa mesa na pinagpapatungan ng vase ang hawak na mug saka nito ipinatong ang magkabilang braso sa ibabaw ng pasamano. "I didn't had the chance to see her personally earlier. No'ng bumalik kami sa tinitirhan niya." Bella sighed. "Hindi na kami pinaakyat pa sa taas dahil ibinaba na ni Van 'yong mga natitirang gamit ko sa unit ni Lance."

Nangunot ang noo ni Pierre. "Van?" tanong niya. 'Sino naman kaya 'yon? Lalaki kaya 'yon o babae?' Napasimangot siya nang muling mag-ingay ang isipan. 'I don't care kung babae man siya o lalaki.'

"Oh, 'yong bodyguard ni Lance."

"Ah," maikling tugon niya saka siya tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Muli siyang tumayo sa tabi nito. Tumikhim siya bago sinulyapan si Bella. "Paano kung nandito pa siya sa bansa at bukas pa aalis, will you search for her whereabouts?"

"Mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap. Isa pa, knowing her, may rason kung bakit hindi niya ipinapaalam sa akin kung nasaan siya." Then, she smiled. "Tiyak naman na hindi siya gagawa ng desisyon na ikakapahamak niya."

Tinitigan ni Pierre si Bella hanggang sa mapatingin sa kanya ang dalaga. "Bakit?" tanong nito sa kanya.

He shook his head before taking a sip of his tea. "Gusto mo bang maglibot bukas? I mean, mamaya. Alam mo na dahil bago ka rito, naisip ko lang na ilibot ka sa mga lugar na pwede mong bisitahin kung gusto mo. 'Yong mga malalapit sa university pati 'yong mga pasikot-sikot para—"

"—Sige ba," sagot ni Bella habang nakatingin sa kanya. "Mga anong oras tayo aalis?"

"It's up to you. An hour after you wake up? Para makapag-ayos ka ng sarili bago tayo umalis?"

"Call!" tugon ni Bella bago nito tinakpan ang bibig saka sinilip ang pinto ng tinutuluyan niya. "Oops. Sige, bukas na lang, a. Thank you in advance," anito saka kinuha ang mug mula sa pinagpatungan nito. "Thank you rin pala sa hot choco. Masarap siya. Manamis-namis pero hindi masakit sa lalamunan."

Pierre smiled. "Thank you," tipid na tugon niya bago siya iniwanan ni Bella sa kinatatayuan niya. Muli siyang sumimsim ng tsaa bago bumuntong hininga. 'Hindi pala makikipaglapit a.'

He groaned. 'Shut up, brain.'

×

SINABUNUTAN ni Bella ang kanyang buhok pagkalapat na pagkalapat palang ng likod niya sa malambot na kama. 'Why the hell did I hug him? Hindi ba't hindi kami magkasundo kanina? Bakit, Bella? Bakit? Anong klaseng kalokohan 'yan?' saway niya sa kanyang isipan bago niya muling ginulo ang kanyang buhok.

"Teka, ano kaya ang magandang isuot para bukas?" bulong niya bago siya bumangon. Tiningnan niya ang kahon na nakalagay malapit sa tukador. Muli niyang binuksan ang ilaw sa kanyang silid saka binuksan ang unang kahon na naro'n. It was the box where she placed her shirts, jeans and pjs. Isinalansan niya 'yon ng maayos sa lagayan ng damit bago inilagay sa lapag ang kahon.

Inayos niya ang kanyang buhok saka 'yon pinusod gamit ang lapis. Pagkatapos ay muli siyang humarap sa kinaroroonan ng dalawa pang kahon. Pagkabukas ng ikalawang kahon ay napuno ng kaguluhan ang isipan ni Bella. Nangunot ang noo niya saka kinuha ang kulay pulang envelope na nakapatong sa ibabaw ng isang red plaid dress.

Binuksan niya ang envelope saka niya inilabas ang kulay kremang papel. Isang mahinang singhap ang lumabas mula sa kanyang labi na sinundan ng pagpatak ng luha sa kanyang pisngi. "No. . ." bulong niya bago binasa ang nilalaman ng liham.

×

To my dearest Arabella,

I sincerely apologize for not saying goodbye in person. Alam ko kasing pareho tayong mahihirapang palayain ang isa't isa. Daig pa kasi natin ang mag-jowang pilit na pinaghihiwalay ng pamilya nila e. At natitiyak ko na babaha ng luha sa private airport ng mga Siciliano oras na ihatid mo ko. I might end up staying here in the country, which is definitely not the best thing to do.

Maliban do'n, hindi ko kakayaning malagay ang buhay mo sa peligro. You almost died because of me. Not once, and definitely not twice. Maraming beses ka nang tinangkang patayin ng mga kalaban ng pamilya namin. Alam kasi nila na ikaw ang kahinaan ko. My papa knew that. That's why he suggested na bumalik na lang ako sa Italya at iwanan ka rito.

'Wag kang mag-alala. Palaging may nakabantay sa'yo. It is possible that you haven't seen them yet, but they're looking after you. They're making sure that you'll be safe no matter what happens. Handa silang itaya ang kanilang buhay kapalit ang kaligtasan mo.

Oh, and about that boarding house. Binayaran ko na ang tatlong taong pamamalagi mo riyan. If things go south, posibleng bayaran ko sila ng higit pa siguro sa kailangang bayaran for. . . I don't know, next two or another three years. Basta ang importante'y nasisiguro kong hindi mo kailangang magluto o magsaing sa lugar na 'yan. Your housemates knows how to cook. Tiniyak 'yon ng may-ari ng bahay bago ako nagbayad sa kanya. 

Mia Bella, magkalayo man tayo sa loob ng mahabang panahon, palagi mong tatandaan na mananatili akong nakaalalay sa iyo, anoman ang mangyari. You will always have a special place in my heart. Sana'y gano'n din ako sa'yo.

Live a happy and meaningful life, okay? I love you.

Your Best Friend Forever (hopefully),

Delancey

p.s. Binili ko na 'yong damit na sinabi kong babagay sa'yo. Alam kong babagay sa'yo 'yan. May ka-terno 'yang sapatos. Nasa kabilang kahon kasama no'ng mga bagong bili nating sapatos. Sana'y masuot mo 'yan. (I'm not saying that you should get a boyfriend. What I'm saying is that you should go out sometimes. Explore the world and meet plenty of people.) Okay? Okay.

×

Tinuyo ni Bella ang luha sa kanyang pisngi bago niya inilapag sa kama ang hawak niyang papel. Kinuha niya ang kulay pulang plaid dress na tinutukoy ni Lance sa kanyang liham. Tumayo siya ng maayos saka siya humarap sa salamin. Halos umabot ang laylayan ng dress sa kanyang talampakan. 'Ito ang mahirap sa maliit e.'

Bumuntong hininga siya saka tinupi ang laylayan ng dress hanggang sa umabot ito sa kanyang tuhod. 'Better,' aniya saka nilagyan ng pin ang tinuping laylayan. Inabala niya ang kanyang sarili sa pagtatahi ng tinuping bahagi ng dress saka iyon sinukat.

A satisfied grin appeared on Bella's face when the dress finally suits her. Inayos niya ang belt na kasama ng dress saka siya nag-pose sa harapan ng salamin. "Maganda talaga ang taste ni Lance sa damit," aniya bago ipinatong sa ibabaw ng kanyang kama ang kahong inaayos saka binuksan ang huling kahon.

Pagkabukas ay bumungad sa kanya ang isang kulay pulang sapatos na plaid din ang style ang nakapatong sa ibabaw ng mga kahon ng rubber shoes, leather shoes at mga sandals na binili nila no'ng nakaraan. Isinuot niya iyon saka siya naglakad upang subukan 'yon. Matapos ang dalawang pagpaparo't-parito ay napagdesisyunan niyang hubarin ang sapatos at dress na suot.

Ini-hanger niya ang dress saka 'yon isinabit sa dry hamper habang itinabi naman niya sa patungan ng sapatos ang pulang wedge. She smiled before putting on her evening wear.

Tinapos niyang ayusin ang kanyang mga damit bago siya tuluyang natulog. Bahagyang napawi ang lungkot at pag-aalala niya matapos mabasa ang mensahe mula sa kanyang kaibigan. Pinatay niya ang ilaw sa kanyang silid bago siya humiga. Huminga siya ng malalim bago iyon dahan-dahan na ibinuga.

'You will always be in my heart too, Lance. Be safe. Always.'

×

end of chapter