Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

SIMPLENG BIRO

DyosaMae789
--
chs / week
--
NOT RATINGS
7.1k
Views
Synopsis
Nagsimula lang sa simpleng biro. Simpleng biro na nauwi sa... Saan nga kaya mauuwi ang simpleng birong iyon. Mauuwi nga kaya sa totohanan? O mauuwi lang sa sakitan? Tunghayan ang kwento ng dalawang taong walang ibang ginawa kun'di ang mag-asaran at magbangayan. Magiging masaya kaya ang ending ng kwento nila? O mauuwi lang sa masalimuot na katapusan. SIMPLENG BIRO
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter I

MEISLY'S POV

"MEISLYYYYYYY!" Sigaw yan ni mama.

Unang araw kasi ngayon ng pasukan kaya ganyan makasigaw yang si mama.

"Sandali na lang po, ma!" Sigaw ko rin at saka dali-daling pumunta sa CR para maligo.

"Aba dalian mo naman!" Sigaw niya pabalik. Napairap na lang ako sa kawalan dahil dun.Kainis! Tinatamad pa akong pumasok eh! Kulang yung bakasyon.

After a few minutes, bumababa na ako para makapag agahan. Nadatnan ko naman dun ang mga kaibigan kong sina Den-Den, Felly at si... Josh. Ewan ko kung matatawag ko bang kaibigan 'yang si Josh dahil walang araw na hindi kami nagbabangayan.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko. Bumaling naman ako kay Josh na nagsisimula ng kumain. "Uy Josh pumunta ka ba dito para sunduin ako? Yiee sabi ko na nga ba at kras mo ako eh!" Patuloy ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Hoy Meisly! Tigilan mo na nga si Josh! Kita mo na nananahimik eh!" Suway ni Felly.

Hahahaha nakakatawa naman kasi na asarin itong si Josh, e. Ang epic kaya yung itsura niya.

"Baliw kasi!" Bulong niya pero dinig ko naman. Tsk! Bakit ba kasi bubulong na nga lang dinig pa.

"Bubulong ka na nga lang Josh dinig ko pa." Sabi ko saka umupo na sa tabi ni Felly at nagsimula ng kumain.

Ilang sandali pa ay natapos na kaming kumain. Kaya nandito na kami ngayon sa daan. Naglalakad lang kami papasok dahil malapit lang naman ang school sa mga bahay namin.

"Huy Josh dito ka kasi sa tabi ko! Para naman hindi tayo ma-OP dyan sa dalawang yan!" Tawag ko kay Josh pero deadma lang ang peg ni kuya

"Wala akong pakialam kung ma-OP ka sa kanila." Sagot niya. Grabe sungit ni kuya. Meron ba siya ngayon? Charot.

"Grabe talaga tong si Josh oh. Kras mo ako no? Kaya napaka sungit mo sakin?" Pangungulit ko.

Matagal ko na yang kasama pero ni minsan hindi pa ako kinausap ng matino. Ewan ko ba sa kanya parang araw-araw may dalaw.

"Tss!"

"Hoy kayong dalawa sinisimulan niyo na naman yang pagbabangayan niyo. Bala kayo diyan kung mahulog kayo sa isat isa.!" Sigaw sa amin ni Den-Den.

"ASA!" Sabay naming sigaw.

"Uy sabay sila..." Pang aasar ni Felly. Napairap naman ako. 'Yan ang hirap sa mga tao e, lahat binibigyan ng meaning.

"Ay? May batas na pala ngayon na bawal ng mag sabay magsalita?" Sarkastikong sabi ko.

"Buong buhay ko hindi ko pinangarap na magustuhan si Meisly. Masyado siyang maingay." Sabi ni Josh! Grabe naman to. Ang sakit magsalita ah.

Hindi na lang ako nagsalita bagkus ay inirapan ko na lang sila na nagtatawanan. Anak sila ng ina nila. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa school kaya agad kaming pumunta sa bulletin board para tignan kung saang section kami.

"Yes magkakaklase tayo!" Masiglang sabi ni Den-Den.

"Tsk! Masaya sana kung hindi natin kasama yung isa dyan." Sabi ni Josh. Psh! Kitams? Hindi ko talaga alam kung bakit napagtitiisan ko yan e.

"Ay grabe hiyang hiya naman ako sayo eh no? Pero okay lang. Alam ko naman na ginagawa mo lang yan para hindi ka Mahalata na may gusto ka sakin." Pang-aasar ko sa kanya saka nginitian siya ng pagkatamis-tamis. Mas matamis pa sa candy. Charot!

"Kapal ng mukha mo grabe!" Sabi niya saka nagsimulang maglakad kaya sumunod na kami.

"Aminin mo na kasi Josh. May gusto ka talaga sakin." Pangungulit ko pa kaya sinamaan na naman niya ako ng tingin.

"Mukha mo!"

"Maganda."-Ako.

"Tumigil na nga kayo!" Pag aawat ni Felly. "Puro na lang kayong bangayan. Ikaw naman kasi Meisly puro ka biro mamaya madevelop kayo sa isat-isa." Seryosong sabi ni Felly.

"Eh di wow." Sabi ko na lang. Asaness men. Hindi si Josh ang dream guy ko. Like errr napaka sungit niya.

Tahimik akong sumunod sa kanila papuntang room namin at syempre Nung makarating kami as usual dating gawi. Sa harap kami umupo. Hindi naman sa pagmamayabang pero ipagmamayabang ko na rin mga matatalino talaga kami. Eheemm. Hahahaha pero totoo matalino naman talaga kami.

Ilang sandali pa ay dumating na yung lecturer na hindi ko alam ang pangalan. "Good morning please let me know kung meron bang transferee?" Tanong niya kaya tumayo yung nasa left side ko. Ganito kasi yung sitting arrangement namin. Sa right side ko si Josh tapos sa right niya naman si Felly tapos si Den-Den. Gets? Kung hindi bala kayo dyan.

"Okay introduce yourself." Sabi ni mam... Sino nga ba tong lecturer na to? Di ko matandaan. Sarree okay! Saree.

"I'm Glenn Guevara nice to meet you all." Pakilala niya at bumalik na siya sa upuan niya. Yun lang? Grabe. Hindi man lang sinabi kung ilang taon na siya. May asawa na ba siya? Joke.

"Hi Glenn ako nga pala si Meisly nice to meet you." Sabi ko sabay bow. Charot lang.

"Nice to meet you Meisly." Sabi niya saka ngumiti. Yeiii kenekeleg eke. Joke lang. Pero pogi si kuya ah in fairness.

"Tss!" -Josh

"Selos naman tong si Josh. Wag kang mag alala ikaw lang ang bebe ko." Sabi ko rito na tatawa tawa. Hahahaha kaya ayan ang sama ng tingin sakin ng gago.

"Meisly nag selos ata yung boyfriend mo." Sabi ni Glenn kaya napatawa ako ng mahina. Mahina lang talaga kasi baka marinig ni mam baka mapalabas pa ako ng 'di oras.

"Tss. She's not my girlfriend." Sabat ni Josh. Kaya Napa kunot ng kilay itong si Glenn.

"Hindi mo siya boyfriend? Ano mo siya?" Tanong ni Glenn sakin.

"Kaibi--" Hindi ko natuloy yung sasabihin ko nung nagsalita si Ma'am... hindi ko alam ang pangalan.

"Ms. Torres and Mr. Guevara ano ang pinag bubulungan niyo diyan!?" Sigaw na tanong niya. Dahan dahan naman akong tumayo saka nagsalita.

"Tinanong niya lang po ako Kung pwede ko daw po ba siyang ilibot dito sa school mamaya." Palusot ko. Wew!

"Is it true Mr. Guevara?" Tanong niya kay Glenn. Kaya binigyan ko siya ng 'Makisama ka' look.

"Yes Miss." Sagot niya kaya nakahinga ako ng maluwag. Kingina akala ko mamatay na ako dun. Malay ko ba kung nangangain ng tao tong si Ma'am hindi ko alam ang pangalan.

"Okay, you may take your sit." Sabi niya kaya umupo na kami.

"Tsk! Daldal kasi." Bulong ni Josh, uso ba ngayon yung bubulong ka na nga lang naririnig pa.

"Selos ka lang eh." Sabi ko na sinamaan pa ng nakakalokong ngiti. Pero bigla niyang itinaas ang kamay niya dahilan para mapatingin sa kanya ang lecturer. O my holly cow. Isusumbong ata ako ng isang to.

"Yes Mr. Romero?"

"Can I go for necessity?" Sabi niya kaya naka hinga ulit ako ng maluwag. Kingina. Hindi nga ako isinumbong pero mamatay naman ako sa kaba.

To be continued...