MEISLY'S POV
Grabe napaka malas ko kahapon. Bakit? Ganito kasi yun...
Pagkatapos naming mag lunch napag desisyunan muna naming pumunta sa rooftop para magpahangin. Pero dahil sadyang makulit ako ay kinulit kulit ko si Josh.
At dahil rin sa katangahan ko na out of balance ako kaya muntik ko ng mahalikan yung ano...
Yung SAHIG! Pero mabuti na lang at nasalo ako ni Josh at si Glenn.
Pero hindi pa diyan nagtatapos ang kamalasan ko dahil napalabas pa ako sa history class namin dahil pa rin sa kakulitan ko. Kinukulit ko kasi si Josh na kaya niya ako sinalo kasi crush niya ako. Nakulitan ata kaya ayun isinumbong ako sa teacher namin. Kaya ang bagsak ko? Napalabas ng wala sa oras.
Kaya ngayon hindi ko pinapansin si Josh! Bahala siya sa buhay niya.
"Ngayon lang ata kayo tahimik?" Tanong ni Den-Den sabay upo sa tabi ni Josh. Magkakasama kasi kami ngayon dito sa canteen.
"Kaibigan bang ituturing yung isusumbong ka sa lecturer?" Sagot ko na masama ang tingin kay Josh.
"Dapat lang naman sa kanya yun dahil sa kadaldalan niya." Sagot naman ni Josh na hindi tumitingin sa amin dahil nakatingin lang siya dun sa binabasa niya.
"Pwede naman kasing hindi magsumbong eh pero ginawa niya. Walang kwentang kaibigan." -Ako
"Gawain ba naman kasi ng matinong estudyante ang hindi makinig sa lecturer?" -siya
Palipat lipat lang ng tingin ang tatlo sa amin ni Josh. Pero nainis na siguro si Felly kaya umawat na.
"Tumigil na nga kayo! Bat hindi kayo mag usap? Nagpaparinigan pa kayo!" Inis na sabi niya.
"Wala akong balak kausapin yan!" Ako.
"Mas lalong wala akong balak na kausapin ka!" Sabi niya sabay tingin sa akin ng masama. Yung tipong mamamatay yung tititigan niya. Pero syempre joke lang.
"Tumahimik na nga lang kayo. Mas okay na hindi kayo mag uusap gaya kanina para naman tumahimik ang paligid." Inis na sabi ni Felly. Natawa na lang si Den-Den at Glenn.
Maghapon naman na hindi kami nagpapan sinan ni Josh. Asa naman siyang ako ang papansin sa kanya.
Nung uwian na ay pumunta muna kami sa paborito naming tambayan pag uwian.
"O kayong dalawa pili na kayo libre ko." Sabi ni Josh kila Den-Den at Felly.
"Eh pano yung isa diyan?" Tanong naman ni Felly sabay tingin sa akin. Huhuhu sana nakipag bati na lang ako kanina kay Josh e'di sana ililibre niya ako ngayon. Huhuhu.
"Ah yung isa diyan? Mayaman naman siya kaya, kaya na niyang bilhan yung sarili niya." Sagot niya sabay tingin sa akin kaya napa nguso na lang ako.
"Uyy Josh bati na tayo." Naka ngusong sabi ko sabay hawak sa braso niya at niyuyugyog siya.
"Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Pag libre nga naman ang usapan." Sabi niya saka niya pinitik yung ilong ko.
"Hehehe libre e. At isa pa bihira ka lang man libre." Sabi ko na tatawa-tawa. "Bati na tayo ah!" Sabi ko pa saka um-order.
"Ano pa nga ba." Mahinang sagot niya kaya nginitian ko siya ng nakakaloko. "Ano na naman ba yang ngiting yan?" Tanong niya na naka kunot ang noo.
"Lakas ko talaga sayo. Crush mo kasi ako." Pang aasar ko kaya napapailing na lang siya.
* * *
Nang matapos kaming kumain dun ay nagpatuloy na kami sa paglalakad.
*Ting*
Tunog yan ng messenger huwag kang ano.
Mr. Someone:
Bati na pala kayo?
Like what the hell? Sino ba to? Mr. Someone talaga ang pangalan?
"Hala sino to?" Tanong ko kay Felly saka iniharap ang cellphone ko sa kanila.
"Baka stalker mo." Sagot naman ni Josh.
"O my gosh! Pano kung papatayin niya ako tapos kukunin niya yung lamang loob ko!" Tarantang sabi ko.
"OA mo girl, alam mo baka isa lang yan sa mga classmate natin na nagkakagusto sayo." Sabi ni Felly. Kaya kumislap ang mga magaganda kong mga mata. Chos!
"O my baka si Jake my labs ito." kinikilig na sabi ko.
"Malabo." Sabi naman ni Josh.
"Bat hindi mo sabihin sa sarili mo yan? Na malabo ka ng babalikan ng mahal mong kaibigan." Sabi ko naman sa kanya na masama ang tingin.
Meron kasi siyang kaibigan, si Trixie. Nagkaaminan na sila na gusto nila ang isat isa bago umalis si Trixie papuntang States. Buti nga at hindi pa yun umuuwi dito e.
"Yan ang hindi mo alam Meisly, dahil kababalik lang ni Trixie galing States kahapon." Sagot niya kaya lumaki ang mga mata ko sa gulat.
"BUMALIK NA SI TRIXIE!?" Gulat na sigaw naming tatlo at tumango naman si Josh bilang sagot at nauna nang maglakad. At naiwan naman kaming tulala.
"Bumalik na si Trixie the demonyita?" Tanong ko sa kanila na gulat pa rin dahil sa nalaman namin. Hindi naman sumagot yung dalawa na tulala pa rin gaya ko. Tsk!
* * *
KINABUKASAN, nasira na agad ang araw ko dahil makikita ko na naman ang babaitang si Trixie.
Naka away ko kasi siya noon dahil pinapalayo niya ako kay Josh. Aanhin ko naman kasi si Josh? E, kaibigan ko lang naman siya. Nagkasagutan kami ng wala sa oras pero walang alam si Josh 'dun sa away namin na yun dahil magaling umarte ang babaeng yun.
"Oh Meisly hindi ka pa rin talaga nagbabago." Bati niya nung makita ako. "Malandi ka pa rin." Pahabol na bulong niya pero rinig ko naman kaya napa ngiti ako ng sarcastic.
"Oo naman. Hinding hindi magbabago ang kagandahan ko. Hindi tulad sayo." Sagot ko ng sarcastic. Kaya sinamaan niya ako ng tingin kaya mas lalo akong napangiti. Ano naman ang akala ng babaeng to, magpapatalo ako? Asa naman siya!
Akala mo naman mabait siya pag kaharap namin si Josh, pero pag kami-kami na lang lumalabas na yung tunay niyang ugali.
"So, Josh kumusta ka naman?" Maarteng tanong niya kay Josh sabay tingin sa akin. Psh! Anong akala ng isang to? Na gusto ko si Josh? Asa siya! Sa kanya na si Josh isak isak pa niya yung mahaba niyang baba. Hahaha.
"I'm okay, lalo na at nandito ka na." Sagot naman ni Josh! Like what the hell, seriously? Bakit nagkagusto yang si Josh diyan sa mukhang yan?
At dahil nagmumukha na akong tanga na walang ka-loveteam ay nag walk out na ako at dumeretyo sa canteen. Kakain na lang ako kesa makita ang nakakaumay na pagmumukha ng babaeng yun.
To be continued...