Naramdaman ko ang kaba ni kuya nang muli kaming maglakad. Ang sabi nya, nasa isang department store raw si Joyce. Doon daw ito nagtatrabaho. Part time. Tinanong ko kung bakit ito nagtatarabaho doon. Ang sabi nya lang. Kailangan nya raw para pambayad ng tuition fees nya. Kuya offered her some help but she refused it. Kaya nya raw pag-aralin ang kanyang sarili. So kuya, let her. Pumayag syang magtrabaho ito. But that day raw. Naging malabo na bigla ang relasyon nila. Joyce told kuya that hindi raw sila bagay dahil mayaman daw si kuya tas mahirap lang sya. She also said that, hindi raw sila nabubuhay sa panahon ng mga Prinsesa. Hindi naman iyon ang punto ni kuya. Gusto nya lang itong tulungan na abutin ang kanyang pangarap. Susuportahan nya ito kahit anong gusto nyang gawin wag lang ang makipaghiwalay sa kanya. But sadly. Iyon nga ang naging desisyon nya bigla. Nakipaghiwalay sya kay kuya nang dahil sa mga mababaw na rason. Di naman kami pumipili ng taong mamahalin. Anong kinakatakot nya samin?. Tinataguan nya pa rin ba ako tungkol sa nakaraan?. Gosh!. That was years ago. At wala na yun sakin. Ano kayang totoong dahilan nya?. I want to know. Gusto kong malaman lahat ngayon mula sa kanya.
"Here.." huminto si kuya habang nakatingin sa malayo. Sa tapat pala noon ay ang tinutukoy nyang store na pinagtratrabahuhan ni Joyce. Tama nga sya. Mula malayo. Tanaw mo na sya dito. Nakatayo at palinga linga. Nagsasalita sa bawat taong nilalampsan sya. Damn!. Kumirot ang puso ko para sa kanya. Naawa ako. Naawa ako sa sitwasyon nya. Hindi ito yung pinangarap nya noong high school pa lamang kami. Hindi ang ganitong buhay.
"Don't.." pigil sakin ni kuya. Hinawakan pa ang palapulsuhan ko upang huwag lapitan ang taong hanggang tanaw nya lang.
"Why not?.. ngayon ko lang nakita yung best friend kong nawala ng ilang taon.." apat na taon o mahigit rin kaming di nagkita o nagkausap. Marami na akong di alam sa kanya. Kung wala pa tong si kuya. Baka di ko na alam kung pano sya kakausapin. "Promise, I won't tell anything.. just let me talk to her...." ilang minuto syang nag-isip bago ako pinayagan.
I smiled at him while walking towards her. Sinisiguro kong magiging okay ang lahat sa kanila. "Ma'am. Sir. please come and taste our delicious pastry.." ilang hakbang nalang ang layo ko sa kanya nang marinig ang boses na yun. Taon kong di ito narinig. Ganun pa rin jolly and sweet. Now, I'm hearing it now.
"Can I also come?.." humakbang ako papalapit sa kanya. Taas noo habang nakangiti.
Nabitin sa ere ang kamay nyang nag-aabot ng flyers sa mga taong dumaraan. Ang mata nyang bilugan. Mas lalong lumaki pa. Ang labi nyang bahagyang mapula. Umawang ng ilang segundo bago nya itinikom ito. "Long time no see Joyce.." ngiting ngiti ko. Nilapitan ko sya at nangiliran ng luhang yumakap sa kanya. Ramdam kong natigilan sya. "Dito lang pala kita makikita.. bakit di mo man lang sinabi sakin?.."
Di nya naman sinabi na promo dicsr pala sya. Hindi sa mismong department store nagtatrabaho.
"Long time no see Bamby.. namiss kita.." I smiled widely nang yakapin nya rin ako pabalik habang binubulong iyon.
Kumalas ako ng yakap bago nagounas ng luha. "Grabe ka.. alam mo bang nagtatampo na ako sa'yo?. di mo man lang ako magawang kumustahin?.." pinunasan nya rin ang luha sa kanyang mata bago ako sinagot. "Sorry.. masyadong lang akong busy.." tinanguan ko sya at tinuro ang hawak nya. "I can see that.." pipigilan ang luha saking mata.
Ang kwento nya, part time nya raw ito para tustusan ang kanyang pag-aaral. Tama nga si kuya. Nang alukin nya ako sa pastry shop. Kinawayan ko na lamang si kuya na parang tangang nakamasid samin. Sumunod rin sya agad. Mukha tuloy syang stalker.
"Alam mo ba kung paano kita nahanap?.." tanong ko matapos nyang ilapag sa mesang kinauupuan ko ang order na cake. She knew I'm fond of sweets. "Si Lance.." oh she knew?. Di ako tumango o umiling. Malilintikan ako kay kuya. I promised na wag magsasalita. Tas here I am. Nagtatanong na. Suskupo Bamby!.
"How--?.."
"Wala na kami.." she cut me off. Bumalik sa counter at kinuhan ang juice drinks ko. Matapos muling ilapag sa mesa. Nakaupo na ito saking harapan nang di pa rin ako nakakapag-isip ng tama. Ang bilis nyang sabihin ang lahat. Gayong si kuya, kailangan pang hulihin para umamin. "Desisyon ko na iyon at hindi na magbabago pa.."
Ouch!!..
"Can you give him another chance?.." tumitig lang sya sakin ng matagal bago sinabi ang totoong nararamdaman nya. "Gaya ng sinabi ko. Buo na iyon at di na mababago pa.."
"Pero Joyce?. Kuya loves you.." umiling sya na naging dahilan nang pagkawasak ng aking puso para sa kanilang dalawa. "Bamby, gusto kong magfocuse muna sa sarili ko.. marami pa akong gustong abutin.."
"Pwede nyo namang abutin iyon ng sabay.."
"Magkaiba ang mundo naming dalawa Bamby..at ayokong mahirapan sya.."
"Pero nahihirapan na sya Joyce..." huminga ako ng malalim. Thinking about me and Jaden. "Alam mo bang maswerte ka pa kasi mahal na mahal ka ng taong tinutulak mo?. Alam mo rin bang maswerte ka pa rin dahil hindi ka nakakalimutan ng lalaking minahal mo?. Kilala mo naman si Jaden diba?. Ngayon, wala syang maalala.. At alam mo kung sino pa ang nakalimutan nya?.. Ako lang namam na nagmamahal ng todo sa kanya.."
Natahimik sya. "Ako sa'yo.. wag mong isipin ang sasabihin ng ibang tao.. piliin mo kung saan ka totoong masaya.. iyon ang gawin mo.."
"Buo na ang desisyon ko.." pilit nya pa rin. Tumayo ako't tinapik ang kanyang balikat. "Piliin mo ring maging masaya... kahit ngayon lang.. see you later.." mabilis kong paalam saka tinulak na ai kuya sa loob.
Gusto kong maging masaya ang mga tao sa paligid ko. Soon, my time will come.