May iniabot si Ace sakin na isang paper bag. Hindi ko alam kung anong laman.
"Ano to?.."
"Hep!.. saka mo na buksan." hawak nya sa bunganga ng paper bag para hindi ko tuluyang mabuksan.
"Bakit naman?. excited na ako eh.." pagpapacute ko dito.
"Basta. Mamaya na kapag umalis na kami.." kinuha nya yung regalo sa kamay ko saka ipinatong sa mesang nasa gitna.
"Eh aalis naman na kayo ah.." I mean. Pupunta na silang abroad.
"Tsk.. ikaw talaga.. Ang kulit.." ginulo nya ang buhok ko. "Ano ba?.." suway ko dito. Piningot nya pa ang aking ilong. Nang-aasar na naman.
"Mamimiss kita Bamby.." inakbay nito sakin ang mahaba nyang braso. Niyakap ko rin sya pabalik. Namiss ko rin naman sya. Simula kasi nung umusbong ang isyu naming tatlo ni Jaden, umiwas na ito sakin. Tsaka bigla pang nawala ng dalawang linggo. Ngayon nga lang nagpakita eh. Tapos aalis din agad.
"Sorry about last time. you know kuya.." umayos ako ng upo sa tabi nya dahil dumaan sina Poro. Pumuntang kusina. Kumuha ata ng alak o pulutan.
"Sorry din. Okay na ba sila ni Jaden?.." umiling ako. Nalungkot ang mukha nya.
"I heard nga. Mas lalo syang nagalit kasi nagkagulo sa canteen. Pati sa math park.." ngiwi pa nya.
Biglang tumaaa ang isang kilay ko sa sinabi nya. Anong ibig nyang sabihin?. Paano nya nalaman lahat ng yun?. Wala sya sa school diba?.. Then how?..
"Paano mo--?. wait!. You mean nasa school ka?.." tumaas ang aking boses sa intensidad.
"Hahahahaha!.." humagalpak lang sya. That was it!. Nasa school sya nung mga oraa na yun. Paanong hindi ko sya nakita?. Nagtago ba sya o sadyang ayaw lang magpakita?.. Ampusa talaga!..
Tinignan ko sya ng matalim. Yung kulang nalang dumugo ang kanyang ilong. "Andun ka nga?. bwiset ka!..." pinagsasapak ko sya sa mukha. Sinasangga nya naman ito gamit ng dalawa nyang braso habang tumatawa.
"Walanghiya ka. Di ka man lang nagpakita. Alam mong nahihirapan na ako tapos pinanood mo lang ako sa malayo ha..." walang humpay na sapak ang nakukuha nya sakin pero hindi naman tumatama.
"Mas lalo kang mahihirapan kung lalapitan pa kita. Kaya hinayaan nalang kita kay Jaden.."
Natigilan ako. Feeling ko kasi, double meaning yung sinabi nya.
"Ah----ray Bamby!.. Masakit na!.. ahahahaha..." walang tigil ang pagsapak ko sa kanya. Bwiset sya!. Nag-aalala rin ako eh. Syempre magbestfriend kami. Kaya dapat lang na mag-alala ako sa kanya.
Tumigil rin ako kalaunan dahil sa pagod. Nakakapagod din palang manapak. Nakakahingal.
Ang dami nya pang pang-aasar na ginawa. Nawawalan na nga ako ng lakas kakatawa sa mga kwento nya tungkol sa panonood nya sakin.sa malayo. Yung muntik na raw akong madapa. Yung, pagnganga ko pag dumadaan si Jaden. Lahat yun kinwento nya.
"Tumigil ka na nga. Marinig ka pa nya eh.." pigil ko sa bunganga nya kanina pang ngawa ng ngawa.
Maya maya bumaba na sila kuya. Kasama si kuya Silver. "You done?." tanong nya agad sa kapatid nya pagkababa. Kasama nyang bumaba ay sina Poro, Dennis at Kuya Lance lang. Hindi na bumaba yung iba.
Tinanguan lang sya ni Ace. "Let's go then. Mag-eempake pa tayo.." sabay kaming tumayo.
"Tita, alis na po kami.." paalam nila kay Mama.
"Ang bilis naman. Magdinner na muna kayo.." alok ni Mama sa kanila pero tinanggihan na nila ito.
"Thanks tita. Mag-aayos pa po kasi kami ng mga gamit namin." Ani kuya Silver.
"Have a safe trip then." humalik si Mama sa kanya at kay Ace. Hinatid namin sila sa labas.
"Ace..." tawag ko sa kanya. Pasakay na kasi sya ng kotse nila. Nilapitan nya ako at niyakap. "Be good okay.. catch up soon.."
"Pwede ko bang malaman kung ano yung gift mo?.." nguso ko.
"Ang kulit lang. haha.. Mamimiss ko yang kakulitan mo ha..mamaya na. pag-alis na namin pwede mo ng buksan. May letter ako dun. Basahin mo ah. Take care. I love you.." hinalikan nya ako sa pisngi saka sumakay na ng sasakyang naghihintay sa kanya. Kumaway pa ito samin habang palayo na sila.
Nakakalungkot, may isang bahagi sa pagkatao ko ang umalis na naman. Sana yun na yung last na taong iiwan ako.