Magaan ang loob kong gumising kinaumagahan. Today is Sunday. At special day pa ni kuya Mark. It's his birthday. Mabilis akong naligo at lumabas ng kwarto. Dumaan sa medyo may kalayuang pasilyo. Library pa kasi ni papa ang pumagitan sa aming silid. Nakaawang ng bahagya ang kanyang silid. Dahan dahan ko itong binuksan saka sumilip. Madilim pa. Nakasarado ang naglalaking kulay gray na kurtina sa malaking bintana nya dahilan para walang pumasok na sikat ng araw. Pinilit kong huwag gumawa ng kahit na anong ingay sa bawat paglapat ng aking paa sa sahig. Para tuloy akong magnanakaw neto. Dinungaw ko ang mukha nyang nakasilip pa sa isang malaking kumot. Nakaharap ito sa patay ng lamp shade. Natatamaan ng araw ang mukha nya kapag binuksan ang kurtina. Dinig ko pa ang mahina nyang hilik. Yes!. Good timing!. Dahan dahan pa rin ang bawat galaw ko hanggang sa narating ang pwesto ng kurtina. Hinawakan ko ito saka binuksan ng walang nagagawang tunog. Napakislot pa ako dahil sa kanyang ungol. Damn!. Muntik na ako dun ah. Nang sa wakas, natapos ko ng buksan ang kurtina ng tahimik at pawisan. Nagtago ako sa ilalim ng kanyang kama. Bandang paanan nya. Malakas ng tumatama sa kanyang makapal na kumot ang sinag ng araw. Nasisiguro kong naiinitan na ito.
In a span of seconds...
"Oh hell hot!.." malutong nyang mura. Tinakpan ko ang bibig sa munti kong halakhak.
"Damn!. Ang init.." patuloy nyang reklamo.
Di mapigil ang ngiti ko.
Nang nadinig kong may kaluskos. Hudyat na tumatayo na sya. Inunahan ko na. "Happy birthday kuya!..." masigla kong bati. Lumaki bigla ang inaantok pa nyang mata.
"Tsk. I knew it... Little Bamblebie... sinarado ko yang kurtina kagabi tapos biglang nabuksan.. pft.." bumalik ito sa pagkakahiga na nagpapacute sakin.
"Hahahaha.." tawa ko sabay talon sa kanyang kama.
"Where's my gift then?.." nilahad pa ang kanang kamay. Nginusuhan ko lang sya. Wala akong pera e. Ginulo nito ang buhok ko.
"Dapat kasabay ng surprise ay ang gift. So where is it now?.."
Niyakap ko sya kasabay ng halik sa pisngi.
"Maybe next time.. hahahaha.."
"Next time for me is not acceptable.. I want it now.." nilahad muli ang kanyang kamay. Seryoso sya.. Bwiset!..
"Wala nga po akong pera.." umupo ako galing sa pagkakayakap sa kanya. Inirapan nya lang ako. Bakla rin ata?. Lol!.
"Wala kang pera sakin tapos sa taong crush mo meron.." he pouted.
"Nah.. kailan ba ako gumastos para sa kanya ha?.." humalukipkip ako na tinawanan nya lang.
"Everyday.. hahahaha.."
"What?!!.." Hindi makapaniwalang bulalas ko. Anong everyday?. San nya naman nakuha ang ideyang iyon?.. Tsk.
"I saw your piggy bank in there. At may pangalan pa ha.. Hahahahaha.." hagalpak nya.
Hindi naman maipinta ang mukha ko sa kanyang tuwa. How did he know bout that?. Nakatago yun e .
"O well. Atleast it's a little bank. Not totally for him.."
"E bakit may pangalan pa nya kung hindi naman pala para sa kanya?.."
"Para mas mamotivate ako to earn more.. duh?.." tinawanan nya lang naman ang irap ko.
"Damn excuses. Bamblebie. Antayin ko pa rin yung gift ko. Till midnight.. I'm hoping.." tinulak na nya ako palabas ng kanyang silid. Loko din minsan. It runs in the blood pala.
Bumalik akong silid ng hinanap ang piggy bank. At nakita ko yun sa baba ng study table. Suskupo!. Kaya pala Bamby e.. Di nag-iingat. Tsk. Tsk.
Truth is. Nag-iipon ako para makabili ako ng cellphone. Hindi para bilhan sya ng kung ano. Sumasagi rin naman sa isip ko na maaari, pwede ko syang bigyan ng regalo pero hell. Hindi pa nabubuo ang kapal ng mukha ko para gawin yun. Baka mas lalo lang akong mapahiya.
Tama na muna yung kahapon na pagpapahiya sakin ni Kuya. Binuhos ko lahat ng lakas ng loob ko kahapon kaya wala nang natira ngayon.