Zandra Garcia
Naglalakad na ako ngayon papasok sa entance ng R.A. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na pumayag ako na maging kami ni Nigel. But it's just a fake relationship anyway.
After this relationship, malakas ang kutob ko na masisira ang friendship namin. But who knows? Basta ang plano ko, I'll break his heart. The reason? Dahil yun ang nararapat sa kanya. Madami nang babae ang nasaktan ng dahil sa kanya, and now? Siya naman ang masasaktan.
Pagkapasok ko sa entrance ay bumungad agad sa harapan ko ang nakangising si Nigel.
"What are you doing here?" I asked.
"Hinihintay ka. Ano pa ba?" sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Agad ko namang tinanggal ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Don't touch my hand."
"Okay then. Sorry." pagkatapos nun ay tahimik na lang kaming naglakad.
To be honest, hindi ako sanay na ganito ang set up namin. Nagbago ang pakikitungo namin sa isa't isa simula nung maging sila ng kapatid ko. I know how he handles girls, he make them fall and break their heart afterwards.
Dati kase, nag-aasaran pa kami. He used to call me babe and wink at me to tease me, tapos papaluin ko siya sa braso. But now? Hindi na ganon. The way he treats me now is how he usually treat all the girls he's been with. Yung para bang nawala lahat ng pinagsamahan namin sa mga nakaraang taon.
Hindi kami ganito katahimik kapag magkasama kami. We were never awkward with each pther dahil nga close na kami. He was the closest boy friend I had. Pero ngayon, parang nanumbalik kami nung hindi pa kami ganon kaclose.
And that is all because of what he did to my sister. I hold grudges for a long time kaya matagal pa siguro bago ko siya matawad.
"Hatid na kita sa klase." sabi niya. Iyan ang gawain namin dati. Siya kase ang laging naghahatid sa akin sa klase kapag hindi ko kasama si Cloe or si Gail.
"Hindi talaga kita maintindihan." he said.
"Hindi rin kita maintindihan." sagot ko pabalik.
"Before, normal lang ito para sa ating dalawa."
"Exactly! Before. Hindi na ngayon." sabi ko at inemphasize pa yung before.
"Pero that was just like a week ago."
"Things change. Kahit man ilang minuto, oras o araw man ang lumipas. May mga bagay talagang nagbabago. So bear with it." nauna na akong maglakad papunta sa classroom at iniwan siya doon.
Kung dati ay masaya ako na hinahatid niya ako sa classroom ko, ngayon hindi na. I have to admit, nagkagusto ako sa kanya, at gusto ko pa rin naman siya. Pero mas nangigibabaw talaga ang inis at galit ko sa kanya. I don't really know kung galit ba talaga ito, but all I know is, I hate him.
Pagkapasok ko sa classroom sumalubong sa akin ang kaibigan ko na si Abigail. Siya ang best friend ko dito sa department na 'to, asides from Cloe.
"Oh? Bakit hindi mo ata kasabay si Nigel?" she asked. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanya ang tungkol sa ginawa ni Nigel-- pati na rin kay Cloe. Actually, wala pa ata akong sinasabihan.
"Asan nga pala si Cloe?" sabi ko, not minding what she asked.
"Hindi mo ba kasama? Wala pa siya dito eh." sagot niya kaya napatango na lang ako.
Maya-maya ay dumating na rin yung professor. Natapos ang klase pero walang Cloe na sumipot. Asan na kaya ang babaeng yun? Baka umabsent nanaman!
Lumabas na kaming dalawa ni Gail ng classroom.
"Babe!" sigaw ni Nigel habang nakatingin sa akin.
Him calling me that reminds me of our high school memories. Pero nagbago na ngayon. Kung dati, medyo okay pa sa'kin yun, ngayon hindi na.
Naglakad siya papalapit sa akin at ngumiti.
That smile. That smile that melts by heart.
"Uh.. Maiwan ko na kayo diyan. Baka makagulo pa ako eh." sabi ni Gail. Halata sa mukha niya na inaasar at tinutukso niya ako kay Nigel. Hays! Kung alam niya lang.
"Tara na?" sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Sinubukan ko itong alisin pero mas hinigpitan niya lang ang pagkahawak niya. Okay lang sana kung sa pulso eh, pero kamay ko talaga!
"Ano ba! Pinagtitinginan nila tayo!"
"Parang hindi ka na sanay diyan. Lagi namang ganyan dati."
He was right. Other students looking at us is a normal scenario. Pero iba na ngayon! At hindi ko alam kung bakit! Maybe because hindi na kaibigan ang turing ko sa kanya? Pero hindi ko naman sinasabi na boyfriend na noh!
Pagkalabas namin ng medical building, bumungad sa amin si Cloe na ngayon ay nagpapalitan ng tingin sa saming dalawa. Then unti-unting dumako ang tingin niya sa kamay namin na magkahawak. Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak ni Nigel.
"Kayo ah!!" nang-aasar na sabi ni Cloe sa aming dalawa.
"Ah lang walang kayo!" sabi ko.
"Wala ba talaga?" nakangising tanong sa akin ni Nigel. Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Oy! Don't tell me na kayo na!"
"NO!" agad ko namang sabi. Ito namang katabi ko, hindi sumagot. Tsk.
Tumingin naman si Cloe kay Nigel na para bang naghihintay siya ng sagot.
"Actually... Kami na." sabi ni Nigel at umakbay pa sa akin. Pinalo ko yung kamay niya kaya inalis rin niya iyon.
Halata naman sa mukha ni Cloe ang pagkagulat pero agad rin namang nawala yun.
"Ineexpect ko nanaman yan. Stay strong na lang! Alam mo naman yang si Nigel... Hays!" pagkatapos nun ay naglakad na si Cloe paalis. I know what she meant by that. Madaming babaeng umaaligid diyan at ito namang si Nigel, pinapatulan. Pero sa ngayon, wala muna siyang papatulan, kung hindi ako at ako lang. And it will be like that for the next 2 months.
"Now that she's gone..."
"Aalis na din ako." maglalakad na sana ako paalis kaso bigla niyang hinablot ang kamay ko. Tumakbo siya kaya wala na rin ako nagawa kung hindi tumakbo na rin. His hands were holding mine. This used to be a dream for me, pero ngayon? Nightmare na.
Tumigil kami sa tapat ng cafeteria. Madami na ring estudyante ang andito tapos mahaba na rin ang pila.
"Haba ng pila eh. Gusto mo sa labas nalang tayo?"
"Ikaw na lang aba. Dadamay mo pa ako. Tss." tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"So pipila ka diyan?"
"Well, what do you expect?"
Naglakad na ako papunta sa pila. Hindi ko na alam kung umalis na ba siya o hinde, basta wala na akong pake dun.
Nagulat na lang ako nang biglang may humawak sa kamay ko. At pagkalingon ko, si Nigel pala. Pang-ilan na ito ah!
"Umupo ka na dun. Ako na pipila. Sweet and sour fish fillet bibilhin mo diba?"
Alam na niya talaga kung ano gusto ko. Ilang beses na rin kasi kami sabay kumain-- yung kaming dalawa lang.
"No. Yung chicken fillet bilhin mo. Yung may mayo at ketchup ah? Bili ka na rin pala ng takoyaki. Tapos pizza na rin." sabi ko.
"Takaw talaga." rinig kong bulong niya pero hindi ko na lang pinansin yun. Kung ang pakitungo ko sa kanya ay gaya pa rin ng dati, siguro hinampas ko na siya ngayon. Pero iba na ngayon eh. Ibang-iba.
Umupo na lang ako sa isang empty chair at pinagmasdan siya habang nakapila.
In just a span of days, nagbago lahat sa ating dalawa. You used to treat me like a bestfriend. But now? You're treating me like the girls you've played with.
If you are playing with me, then I'll play with you too. After all, love is game. Let's just see who wins.