Zandra Garcia
active 7 hours ago
4:56 AM
You:
Good morining babe π
Musta na?
Isang araw na tayong hindi nagchachat
I miss you π
Chat ka na po
delivered
5:23 AM
You:
Are you still sleeping?
Answer me
Babe
Galit ka ba?
Wow
Tulog mantika ka talaga HAHAHAHA
delivered
6:45 AM
You:
You up yet?
The sun has risen
Kakatapos ko lang manood
Gising na babe
seen
You:
May magic powers talaga ako haha
I woke you up, didn't I?
Zandra Garcia:
Bitch wat r u watching
You:
Is this a miracle?
The way you chat me is like how we chat before
The chats with curses
Okay na ba tayo?
Zandra Garcia:
Walang tayo
At pwede ba
Huwag kang ring ng ring sa doorbell!
Nakakairita!
You ruined my good sleep
You:
I did that to wake you up babe π
Zandra Garcia:
Can you quit calling me babe?!
Unang-una, ayaw ko sa mga endearments!
Alam mo na yan dba?!
You:
But now, I'm going to make you like it
babe π
Zandra Garcia:
At isa pa, bakit mo naman ako gigisingin?!
Anong trip mo sa buhay?!
You:
Well, it's saturday
So it's time for a saturdate
Zandra Garcia:
And why would I go in a date with you??
You:
Kase boyfriend mo ako
oh ano angal ka
seen
You:
Bakit di ka makareply? Lol
Speechless ka ba HAHAHAHA
Oi bakit naririnig ko yung faucet mo sa kusina?
Nakabukas ba faucet niyo?
Di mo ba napatay?
Zandra Garcia:
Papatayin ko yan kapag napatay na kita
You:
That is not a good joke babe
Anyway, baba ka na dito para makapagdate na tayo hehe
Zandra Garcia:
Ge
Hintayin mo ako
Magdadala lang ako ng tubig
You:
See you π
β’β’β’
Ibinalik ko na yung cellphone ko sa bulsa ko at nagsuot ng shades, para naman mukha akong cool kapag nakita niya ako. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na papayag siya makipagdate sa akin. Kung dati, yung mga time na magbestfriends pa kami, aasahan ko na pumayag siya. Pero iba na kasi relasyon namin ngayon eh, at isa pa, may galit siya sa akin.
Ilang minuto ang lumipas, hindi pa rin lumalabas si Zandra sa bahay nila. Wow, 20 minutes na siguro ang nakakalipas. Ganon ba talaga siya katagal mag-ayos? Nagpapaganda siguro para sa akin.
Sa hindi kalayuan, nakita ko si Madam Destiny na naglalakad habang may hawak na plastic na may gulay sa loob. Siya yung isa sa mga tagapagsilbi nila Zandra. Hindi pa naman siya ganun katanda, nasa early 50s palang. Agad akong tumakbo papunta sa kanya at kinuha ang bitbit nitong plastic. "Tulungan ko na po kayo."
"Nigel, ikaw pala. Gagala nanaman ba kayo ni lady Jennifer?" tanong sa akin ni Madam Destiny. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako masanay-sanay sa pagtawag niya kay Zandra ng lady Jennifer. Minsan ko lang kasi marinig na may tumatawag sa kanyang Jennifer.
"Opo."
"Pero alam mo bang naiinis pa rin ako sa iyo? Umiyak si lady Jessica nang dahil sa iyo." si Jessica nga pala ay si Zhamiel. Hindi ko na lang pinansin yung sinabi niya. Pagdating namin sa tapat ng gate, nagulat na lang ako ng biglang may bumuhos sa akin na tubig mula sa taas.
"Yung mga gulay!" sigaw ni Madam Destiny at kinuha yung mga gulay na nasa kamay ko. "Mabuti na lang at hindi nasira."
So, mas binibigyan niya ng importansya ang mga gulay kesa sa gwapong katulad ko?? Grabe.
Tumingala ako sa taas para malaman kung sino ang may pakana nito. At gaya ng inaasahan ko, si Zandra ang may gawa nito.
"Thank you Madam Destiny!" sabi ni Zandra at nginitian si Madam Destiny.
"Your welcome lady Jennifer!" tapos tumingin si Madam Destiny sa akin. "Ikaw naman Nigel, pumasok ka na sa mansion. Magpalit ka ng damit dahil basang-basa ka na. Baka magkasakit ka." binuksan ni manang yung gate at pumasok na sa loob, wala na akong nagawa kung hindi sumunod.
Pagkabukas ko ng pinto, bumungad sa akin si Zandra na kakababa lang mula sa second floor.
"Pasalamat ka waterproof ang cellphone ko!" sigaw ko sa kanya.
"Well, too bad. Ikaw hindi." pagkatapos ay ngumisi siya.
"Anyway, please dress up. We are going on a date."
"And if I don't want to?"
"Kakaladkarin kita."
"Fuck you!" pagmura niya sa akin, dahilan para tignan siya ng masama ni Madam Destiny. Oo nga pala, sinabihan siya ni madam na huwag nang magmura.
"Hindi ba't sinabi ko sa'yo na huwag nang magmura, lady Jennifer?"
"Opo madam. Hehe. Sorry po."
Yan kase. Ang hilig kasing magmura nitong babaeng ito eh! Hindi naman siya ganyan dati! 3 years ago nga lang ata yan natutong magmura ng ganyan eh! Tss. She might look like a good girl but she's not. She curses too much.
Naglakad na ako papalapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Let's go on our date, shall we?"
"Why are you speaking in english? Para magmukhang cool? Tss. Sige, magdate tayo! Pagtitinginan ka lang ng mga tao dahil basa ka!" sabi niya. Doon ko lang naalala na basa pala ang damit ko dahil binuhasan niya ako ng tubig.
"Umakyat ka don! Magpalit ka! Magkalagnat ka eh!"
"Says the one who did this." natatawang sabi ko.
"Just go change!"
"Why? You're worried that I might get sick? You're worried about me?"
Hindi naman siya nakasagot. Naglakad na lang siya paalis at pumunta sa kusina. Habang papunta siya do'n nakangiti akong pinagmamasdan siya.
Sa isang linggo lamang, madaming nagbago sa amin. Kase kung nangyari ito nung magbestfriends pa akmi, siguro ay walang alinlangan siyang magsasabi ng "Of course! Nag-aalala ako sa'yo! Are you an idiot?!". Oo, ganyan talaga magsalita ang isang yan. Pero hindi naman ako naooffend eh, sanay na ako. Pero masaya naman ako na hindi na siya ganun kadalas na nagmumura.
Umakyat na ako sa second floor. Habang naglalakad ako sa guest room- may mga damit kasi ako na nakalagay doon- nakasalubong ko si Zhamiel. I was about to say hi and smile, but she quickly ran back to her room.
Hays. Hindi pa siguro yun nakakaget over sa akin. I'm not going to say that I'm not at fault, pero siya kasi ang nakipagpilitan na makipagrelasyon sa akin kahit alam niyang makikipagbreak din ako. She knows that I'm a heartbreaker but she chose to let her heart be broken by me. At dahil nga doon, naging kami ni Zandra.
I am really aware that she did that just to hurt me. But I won't let her, kasi una kong dudurugin ang puso niya. But, can I do it?