SI ANICA ARROYO AY ISANG JUNIOR ENGINEERING STUDENT. ANG CRUSH NG BAYAN. NO BOYFRIEND SINCE BIRTH.
MAKIKITANG NAKA-SALO SA ISANG KAMAY NI JAYSON ANG LIKURAN NI ANICA PARA I-SAVE SA PAGKAKAHULOG. SAKTONG MAG DA-DAMPI ANG KANILANG MGA LABI PERO MAPI-PIGILAN IYON NI ANICA. MABILIS NA TATAYO SI ANICA AT PUPULUTIN ANG MGA NATAPON NA GAMIT.
"MISS SA SUSUNOD TUMINGIN TINGIN KA SA DINA-DAANAN MO. BUTI NA LANG SA'KIN KA NA-FALL" MAGTA-TAWANAN ANG LIMA. MALIBAN KAY EMIL NA SERYOSO.
"SORRY, HINDI KITA NAPANSIN" - ANICA REPLIED
MAGMA-MADALING MAGLAKAD SI ANICA KASAMA ANG BEST FRIEND NA SI DAVON. LILINGUNIN NI EMIL SI ANICA HABANG NAGLALAKAD PAPALAYO.
"BESHIE, SI JAYSON YUN. KUNG AKO YUN BAKA HINIMATAY NA'KO. MY HEARRRRTTTTT. SANA AKO NA LANG YUN."
SAMANTALA NGITI HANGGANG LANGIT NAMAN ANG MAKIKITA SA MUKHA NI ANICA NA TILA WALANG NARIRINIG SA MGA SINASABI NI DAVON.
"HOY ANICA, NARINIG MO BA SINABI KO? SI JAYSON YUN….SI JAYSON ANG LEADER NG GOODBOYS. ANG PINA-PANGARAP NG LAHAT.
"ALAM KO NOH" SAGOT NI ANICA SA MAKULIT NA SI DAVON.
"BAKIT HINDI KA MASAYA DYAN?"
"MASAYA? BALIW KABA! SINONG MAGIGING MASAYA EH MUNTIK NA MABAGOK ANG ULO KO SA SEMENTO"
"KUNG AKO YUN. PAULIT-ULIT AKO MAGPAPAHULOG KUNG SI JAYSON LANG NAMAN ANG SASALO SA 'KIN" ANG NABABALIW NA SAGOT NI DAVON.
"BAHALA KA DYAN!" MABILIS NA LALAKAD SI ANICA.
MAKALIPAS ANG ILANG SAGLIT MAKIKITA ANG GOODBOYS SA LOOB NG KANILANG PRIVATE LIBRARY. KAKAIBA ANG LIBRARY. VERY MODERN, MILLENIAL TOUCH ANG COLOR AT COMFORTABLE TINGNAN. MAY KANYA KANYANG LAPTOP NA ASSIGNED BAWAT ISA. BUKOD SA MGA BOOKS NAKA-SALANSAN SA SHELVES. MAY MGA BOARD GAMES, BILLIARDS AT IBA'T IBANG ACTIVITES NA PWEDENG GAWIN SA LOOB NG LIBRARY NG GOODBOYS.
NAKA-UPO SI EMIL SA SOFA AT NAGBABASA NG BOOK ABOUT SUPERPOWERS. HABANG SINA MARLON AT JAYSON NAMAN AY NAGLALARO NG BILLIARDS. NAGLALARO NG DARTS SI GREG AT SI ARGEL NAMAN AY TUTOK NA TUTOK SA KANYANG LAPTOP PARA TAPUSIN ANG KANYANG ASSIGNMENT.
HABANG BUSY ANG BOYS MAKIKITA SI JAYSON NA TULALA. INIISIP ANG BABAENG NAKABANGGA NYA SA HALLWAY KANINANG UMAGA. LALAPIT SI MARLON.
"TOL, LALIM NG INIISIP AH." MATA-TAUHAN SI JAYSON.
"HULAAN KO SINO YAN? SIYA UNG BABAE KANINA NOH? TRIP MO BA? TULUNGAN KITA" PANGUNGULIT NI MARLON. BIGLANG LALAPIT SI EMIL.
"SIYA SI ANICA. JUNIOR STUDENT NG ENGINEERING" ANG SINGIT NI EMIL.
MAGTATAKA SI JAYSON SA TRIP NG DALAWANG KAIBIGAN.
"ANONG TRIP NYONG DALAWA?" MATATAWA SI JAYSON.
"UNANG UNA, HINDI SIYA ANG BABAENG TRIP KO. PANGALAWA HINDI SIYA ANG INIISIP KO AH. KAYA IKAW MARLON, MAGLARO KANA NGA DYAN BAKA MATALO NA NAMAN KITA. TANDAAN MO NEVER KA PA NANALO SA'KIN AT MAY UTANG KA PA" ANG PAGLILINAW NI JAYSON. LALABAS NG LIBRARY SI EMIL NA TILA HINDI SANG-AYON SA SINABI NI JAYSON.
"HOMEWORK DONE!" ISASARA NI ARGEL ANG LAPTOP AT SABAY NA TATAYO. HABANG SI GREG AY TULOY TULOY SA PAGLALARO NG DARTS. MAKIKITA NA SUNOD SUNOD NA MATATAMAAN ANG TARGET. TUTUNGO SI ARGEL KINA MARLON AT JAYSON UPANG MAKIGULO.
SA KABILANG BANDA NAMAN. HABANG PALABAS NG LIBRARY SI EMIL BIGLANG DADAAN SI ANICA SA KANYANG HARAPAN KASAMA SI DAVON. SUSUNDAN NI EMIL ANG DALAWA. NAKASUNOD LANG SI EMIL KAHIT SAAN MAGPUNTA SINA ANICA AT DAVON. MAPAPANSIN NG DALAWA NA TILA MAY SUMUSUNOD SA KANILA. MAGTATAGO SI EMIL SA TUWING TITIGIL SA PAGLALAKAD AT LILINGON ANG DALAWA. PARANG NAGLALARO NG HIDE AND SEEK. SA ISANG IGLAP BIGLANG NAWALA SA PANINGIN NI EMIL SINA ANICA AT DAVON. MAGTATAKA SI EMIL. HAHANAPIN NIYA ANG DALAWA. MAKALIPAS ANG ILANG SAGLIT NG PAGHAHANAP MAY BIGLANG HAHAMPAS SA ULO NYA NG LIBRO AT BAG.
"WAIT, WALA AKONG PLANONG MASAMA SA INYO" HABANG SINASANGGA NI EMIL ANG KANYANG KAMAY SA MGA SUNOD-SUNOD NA HAMPAS NINA ANICA AT DAVON.
MAPAPANSIN NINA ANICA AT DAVON NA SI EMIL PALA YUN. MAPAPATIGIL ANG DALAWA.
"5, 4, 3, 2, 1…TAKBO" BIGLANG TATAKBO SI DAVON. MAIIWAN SI ANICA. MAGSO-SORRY ATSAKA TATAKBO NA RIN.
MAKIKITA NINA JAYSON, ARGEL, MARLON AT GREG SI EMIL. KAKARIPAS NG TAKBO PATUNGO SA KINAROROONAN NI EMIL. WORRIED ANG APAT.
"TOL ANONG NANGYARI?" WORRIED NA TANONG NI ARGEL.
"WALA. MAY PINAG-TRIPAN LANG AKO" TAWANG TAWANG SAGOT NI EMIL.
"OH! TARA NA! TOMGUTS NA'KO. BAKA NAMAN MAY PAKAIN TAYO DYAN" ANG YAYA NI MARLON SA MGA KAIBIGAN.
LALAKAD ANG GOODBOYS. PERO PATULOY PA RIN ANG USISA AT PANG-A-ASAR KAY EMIL. SA DI KALAYUAN NAKA-MASID NAMAN SI ANICA NA TILA WORRIED SA NAGAWA NILA KAY EMIL. IBUBUKA NI ANICA ANG KANYANG PALAD AT MAKIKITA ANG SCHOOL PIN NI EMIL.
FLASHBACK SA NAGANAP NA COMMOTION BETWEEN HER AND EMIL. MAKIKITANG MABILIS NA PINULOT NI ANICA ANG PIN NI EMIL.
BACK TO PRESENT. BUBUSISIIN NI ANICA ANG PIN AT IKU-KUMPARA SA SUOT NYA. HALOS PAREHO ITO NG ISTILO AT DISENYO. MALIBAN SA ISANG SIMBOLO NA NASA GITNA NG PIN NI EMIL. MARAHIL ITO ANG TANGING PAGKAKA-IBA NG PIN NG GOODBOYS AT ANG PIN NG MGA ORDINARYONG ESTUDYANTE SA K.I.S.S UNIVERSITY.
MAGLALAKAD NA SANA SI ANICA. NGUNIT MAY BOSES NG LALAKING TATAWAG SA PANGALAN NYA.
"HEY, MS. PA-FALL"
SHOCKED SI ANICA. BAHAGYANG HAHARAP PARA TINGNAN KUNG SINO ANG LALAKI NA TUMAWAG NG PANGALAN NYA.
"MAAARING PAKIBALIK ANG PIN NI EMIL" I-A-ABOT NI JAYSON ANG KANYANG PALAD KAY ANICA.
"ALAM KO HAWAK MO ANG PIN. KAYA KUNG MA-A-ARI LANG, PAKIBALIK MONA SA TUNAY NA MAY-ARI. ALAM MO NAMAN SIGURO KUNG GAANO KA IMPORTANTE YAN SA BAWAT ESTUDYANTE" PAKI-USAP NI JAYSON.
[BEFORE THIS SCENE]
HABANG KUMAKAIN ANG GOODBOYS MAPAPANSIN NI EMIL NA NAWAWALA ANG KANYANG SCHOOL PIN.
"SHET, NAWAWALA ANG PIN KO"
MATITIGILAN ANG LAHAT. HAHALUGHUGIN NI EMIL ANG KANYANG BAG AT POCKET NG KANYANG PANTS. MAPAPA-ISIP SAGLIT AT BIGLANG MA-A-ALALA ANG NANGYARI SA HALLWAY.
"KAILANGAN KO MAHANAP SI ANICA AT ANG KAIBIGAN NYA"
"AKO NA ANG BAHALA" SAMBIT NI JAYSON. TATAYO BIGLA SI JAYSON AT MAGLALAKAD.
"TOL, SAMAHAN NA KITA" SIGAW NI EMIL
"I GOT THIS" SAGOT NAMAN NI JAYSON
[BACK TO THE PRESENT SCENE]
DAHAN-DAHAN NA INI-A-ABOT NI ANICA ANG PIN KAY JAYSON.
"SALAMAT, KUNG ANO MAN ANG NAGAWA NG KAIBIGAN KO. AKO NA ANG HUMIHINGI NG PASENSIYA SA INYO" TATALIKOD SI JAYSON AT MAGLALAKAD PAPALAYO KAY ANICA.
MAKIKITA ANG NGITING NAMUMUTAWI SA MUKHA NI ANICA.