Chereads / A KISS TO REMEMBER / Chapter 5 - Chapter 5: The Campaign

Chapter 5 - Chapter 5: The Campaign

Class dismissal na sa room ni Aries. Magmamadali siyang lalabas ng room at tatakbo patungo sa venue ng rehearsal.

"I need to go. See you later." Ang paalam ni Aries sa kaibigan na si Ramil.

Today ang rehearsal para sa public speaking at stage performance ng mga candidates. Sakto lang ang dating ni Aries dahil pa-simula pa lang ang rehearsal. Isa-isang sasalang sa stage ang mga candidates para i-critic ni Direk William.

Makalipas ang isang oras ng rehearsal.

"Okay, let's have 10 minutes break."

Magtatabi sa upuan sina Anica at Aries. I-a-abot ni Aries ang kanyang kamay kay Anica para magpa-kilala.

"I'm Aries!"

Mag-ha-hand shake ang dalawa at ipapakilala ni Anica ang kanyang sarili.

"How's the contest so far?" Tanong ni Aries.

"It's totally new for me. Actually first time kong sumali sa mga contests. But so far so good naman." Ang sagot ni Anica.

"First time ko rin. I'm enjoying it too. Kahit na, i'm not a morning person I tried magising ng maaga para hindi ako mapagalitan ulit." Matatawang wika ni Aries.

"Oh, ikaw yung late nung first day na pinagalitan ni Jayson."

Tatango lang si Jayson at ngingisi.

"I felt bad for you that time. Pero I know wala naman intention si Jayson na ipahiya ka that time."

"It's my fault. Kaya naintindihan ko kung bakit nya nasabi yun. Wala siyang any intention na masama. He is a nice guy. Very caring, responsible at respectful na tao." Ang paliwanag ni Aries.

"You know him ha." Ang takang-takang wika ni Anica.

"Yes, very well." Ang sagot ni Aries.

[Flashback from the cafeteria scene]

A-abutan ni Jayson si Aries ng isang bote ng inumin. Dahan dahan na kukunin ito ni Aries. Magpapasalamat si Aries. Walang isasagot si Jayson. Biglang lalakad papalayo.

Tititigan ni Aries ang bote.

"Peace offering?" Ang masayang sambit ni Ramil kay Aries.

Smile lang ang isa-sagot ni Aries.

"Hindi kaya may idea na siya sayo?" Alam na niya? Ang busisi ni Ramil.

"Malabong Malabo yun." Ang sagot ni Aries.

"Eh ano yan? Love offering kasi napo-fall na siya sayo?" Ang pa-joke ni Ramil.

Matatawa lang si Aries kay Ramil.

"Gagi. Bakit siya mapo-fall sa'kin. Baka gusto nya lang akong bigyan. Kasi nakita nya wala akong in-order na inumin or sobra ang nabili nya?! Pero….he's so sweet. Wala pa ring nagbago."

Abot hanggang tenga at hindi ma-ipinta ang ngiti ni Aries.

Makalipas ang ilang sandali. Hindi pa rin binubuksan ni Aries ang inumin na inabot ni Jayson at patuloy pa rin ang pagtitig dito. Habang pa-pasok sa Bulwagan Hall makikita ang Goodboys na nag-a-abot ng mga inumin sa mga candidates. Parehong inumin na binigay ni Jayson kay Aries. Makikita nina Aries at Ramil. Mapapatigil sa paglalakad sa paglalakad ang dalawa.

"Ohhhhhh….hindi lang pala ikaw ang meron. Pati pala ang mga kasamahan mo sa contest meron din." Bungad ni Ramil sa malungkot na mukha ni Aries.

"Sayo na 'yan."

Biglang i-a-abot ni Aries ang bote kay Ramil.

"Oh…san ka pupunta?" Ang tawag ni Ramil sa nag-walk out na kaibigan.

"Bibili ng tubig." Ang sagot ni Aries.

Matatawa atsaka i-iling na lang si Ramil.

Sa kabilang banda naman. Makikitang naglalakad si Emil na may dalang bote ng inumin patungo sa kina-u-upuan ni Anica. A-abutan niya ito ng isang bote ng inumin. Ngunit ma-u-unahan siya ni Jayson.

"T…..Thank you!" Gulat na sambit ni Anica kay Jayson.

Habang kitang kita sa mukha ni Emil ang lungkot. Tutungo naman si Jayson sa isang bakanteng upuan para ma-upo. Susunod si Emil sa kanya.

"Pan-dagdag energy" I-a-abot ni Emil ang bote ng inumin kay Jayson atsaka ma-u-ubo sa tabi nya.

Kukunin at bubuksan ito ni Jayson.

"Tol, may gusto lang akong itanong sayo."

"Sure! Ano yun? Tanong ni Jayson

Hihinga ng malalim si Emil.

"May gusto ka ba kay Anica?"

Magugulat si Jayson sa naging tanong ni Emil.

"Wa…wala. Bakit mo nasabe? May gusto ka kay Anica noh?"

"Sabihin natin na parang papunta na doon." Ang confirmation ni Emil.

"Go! Start pursuing her. I think she's a sweet girl and hindi madali na everyone will fall into her. Bilis bilisan mo kasi baka maunahan ka pa ng iba. Sayang naman ang pagiging Goodboys natin diba."

"Sure ka? You're not into her?!" Ang tanong muli ni Emil.

i-iling at ngingisi lang si Jayson.

"She's not my type." Ang pag-confirm ni Jayson.

Kitang kita sa mukha ni Emil ang saya. Habang hindi ma-ipintang lungkot ang mapapansin sa mukha ni Jayson.

[Back to the present]

Matapos ang sampung minute. Muling tatawagin ni Direk William ang lahat para muling mag-rehearse.

"Everyone let's rehearse one more time. Aries and Christine go up stage."

Habang pa-akyat ng stage sina Aries at Christine. Paparating naman ang Goodboys para mag observe sa nagaganap na rehearsal. Makikita ni Aries na nakatingin si Jayson sa kanila. Masaya at kabado.

Makikita ni Aries na nakatingin si Anica kay Jayson. Ngunit i-iwas ng tingin si Jayson kay Anica. Magtatagpo ang tingin nina Emil at Anica. Five seconds na mag-la-lock ng tingin ang dalawa.

U-upo ang limang boys. Magsi-simulang mang-asar si Marlon.

"Alam nyo lagi kong napapansin yan si Mr. Arroyo na nakatingin kay Jayson."

Lilingon si Jayson kay Marlon at a-ambang babatukan ito pero masasangga ni Marlon.

"Andami mong napapansin. Ang pansinin mo ang bumababang grades mo dyan hindi ung kung sino sino."

Magsisipag-tawanan ang boys. Hahanapin ni Jayson si Aries. Magkaka-tinginan ang dalawa. I-iwas ng tingin si Jayson. Makikitang naka-smile naman si Aries.

"Thank you, Nicole and Samuel. You did great. Next on stage, Anica and Basty." Ang tawag ni Direk William.

Awkward silence sa boys. Iiwas ng tingin si Jayson. Habang si Emil full attention kay Anica. Habang sina Greg, Argel at Marlon tahimik na nagbibiruan si bandang likuran. At halatang niloloko sina Emil at Jayson dahil kay Anica.

"Okay great. We're done for today. Get some rest and see you the next day. Bye guys."

Magpapa-alam ang lahat kay Direk William. Magmamadali ang lahat na mag-ayos ng kanya-kanyang gamit. Tatayo ang Goodboys at lalabas ng Hall. Hahabol ng tingin si Aries at Anica kay Jayson.

"Bye Aries. See you tomorrow." Ang paalam ni Anica.

Kinabukasan. Araw ng campaign ng mga ten candidates ng Mr. & Ms. K.I.S.S University. Isa-isang pinu-puntahan ang bawat room para maglahad ng plan at goal ng bawat candidate sa bawat estudyante. Bawat estudyante ay bibigyan ng maliit na form na kung saan doon i-su-sulat ang kanilang top 3 male at female candidates. 30% ng over-all score ay mangagaling sa mga students ng K.I.S.S University. Kaya kinakailangan ang husay, talino, confident at lakas ng loob ng bawat candidate.

Isa-isang magpapakilala ang bawat candidate. Buong pangalan, edad, kurso at kung ano ang magiging contribution sa K.I.S.S University kung sakaling palarin na manalo.

Kasalukuyang nasa tourism class ang mga candidates para mag campaign. Isa-isang magsasalita ang bawat candidate. Sina Ivan at Ayumi ang representative ng Tourism faculty. Sunod na pinuntahan ay ang Architecture faculty. Sumunod ang Engineering faculty na kung saan sina Anica at Basty ang kanilang pambato.

"Good morning everyone! I'm Anica Arroyo proudly representing the Engineering faculty. Andito kami ngayon together with my co-candidates para hingin ang inyong suporta sa darating na Mr. & Ms. K.I.S.S University 2019. I will not campaign myself for your votes because I believe we are all deserving to win. I am encouraging you to vote who do you think are fit for the title of Mr. & Ms. K.I.S.S University 2019. If I became Ms. K.I.S.S University 2019 I will create a special tutorial program for all the students for free in all courses. This program is open to all students especially those students who can't afford to get a personal tutor. This program will also help each student to learn from others, to meet new friends and build dreams together. Thank you!"

Isa isang nagsalita ang bawat candidate sa harapan ng engineering students. Samantalang si Emil naman ay patuloy ang tingin kay Anica at nakangiti habang nagsasalita ito. Habang umiiwas naman ng tingin si Jayson.