Chereads / Monster Invasion (Tagalog) / Chapter 81 - Town Defense Skill!

Chapter 81 - Town Defense Skill!

Si Ye Song ay nag iwan ng isang afterimage habang ang kanyang katawan ay sumugod patungo sa daan-daang mga halimaw!

Ang mga low level monster ay agad na namatay sa ginawang pag atake ni Ye Song habang ang iba ay nasugatan nang malubha sa pagdaan ng kanyang silweta.

Nasaksihan ng tatlong penguin ang lahat ng nangyayari sa kanilang harapan at hindi nila maiwasan ang mabigla dahil sa hindi kapani-paniwala ang kanilang nakikita.

Ang lakas ni Ye Song ay lubos na nakaukit sa kanilang mga puso!

-

Habang si Ye Song ay nagngangalit sa mga devilslave na sumugat sa mga penguin, bigla siyang nakarinig ng notification sa kanyang kaisipan ..

* DING *

[Babala! isang panganib ang na-detect!]

Isang panganib ang natuklasan ng system!

"Ano ang nangyari? Sabihin mo sa akin ng mabilis!" nag aalalang sinabi ni Ye Song.

[Natuklasan ng system na ang mga halimaw na sumasalakay ay halos malapit na sa bayan, pinapayuhan ang Host na gumawa ng mga aksyon kaagad!]

Matapos marinig ni Ye Song ang sinabi ng system, naramdaman niya na parang tumigil ang pag tibok ng kanyang puso. nasa kalagitnaan pa siya ng labanan kaya't hindi siya makapag isip ng maayos dahil sa maraming mga nangyayari sa kanyang paligid.

Nang akala niya ay hindi na siya makakagawa ng solusyon para sa mga sumasalakay na halimaw sa bayan, bigla siyang may naalala at nagliwanag ang kanyang mga mata!

"System, activate [Town Defense Skill]!"

Pagkatapos sabihin ni Ye Song ang mga salitang ito, ilang saglit lamang ang lumipas nang biglang may lumabas na isang screen sa kanyang harapan.

*DING*

[Initiating Town Defense Skill]

Tiningnan niya ang screen ng ilang segundo bago niya iginalaw ang kanyang kanang kamay patungo sa icon ng [Town Defense Skill] at pinindot ito.

Nang mapindot ni Ye Song ang icon, napunta siya sa isa pang pahina at doon ay meron siyang nakita na dalawang skills na lumitaw

Town Defense Skill:

• [Ray of Judgment]

• [Black Hole Illusion]

Pagkatapos ng laban niya kay God Yeti, napagtanto ni Ye Song na kailangan niya pang maglagay ng mas higit pang depensa sa bayan. mula pa noon ay lagi siyang nag aalala na kung sakaling salakayin ng mga halimaw ang bayan, wala silang sapat na trump card upang pigilan ang pagsalakay.

Kaya't sa pag-iisip niya na iyon, humiram si Ye Song ng maraming heaven coins mula sa system upang ipa-customize ang bayan ayon sa kanyang gusto.

Habang kino-customize niya ang bayan, nag iisip siya kung anong uri ng proteksyon ang kanyang ilalagay upang maprotektahan ng husto ang mga nakatira sa loob nito nang biglang sumagi sa kanyang isipan ang isang ideya.

Nagningning ang mga mata ni Ye Song at pagkatapos lamang mag isip ng ilang sandali, itinuon niya kaagad ang kanyang isipan at nilikha ang dalawang skills na ito.

Si Ye Song ay nakakuha ng inspirasyon mula sa mga emergency skills na nanggaling sa system.

Ang [God's Judgment] at [Hell's Judgment].

Ginugol niya ang halos lahat ng mga heaven coins na kanyang hiniram upang makopya lamang ang mga emergency skills na ito ngunit kahit anong gawin niya ay hindi siya nagtatagumpay dahil napakahirap para sa kanya na kopyahin ito. dagdag pa rito ay kailangan pa niya ng mas maraming heaven coins kung nais niya ang parehong epekto na katulad ng emergency skill ng system.

Bukod doon ay hindi na niya magagamit ng lubos ang system shop dahil marami na itong mga paghihigpit pagkatapos ng reboot. kinakailangan na niya ng isang tiyak na halaga ng mga achievements at levels upang maalis ang ilang restrictions dito.

Kaya wala na siyang ibang pagpipilian, magagawa lamang niya ang pwede niyang gawin sa ngayon.

Pero kahit na iba ito sa kanyang gusto ay nasiyahan pa rin siya sa resulta na kanyang ginawa.

-

Hindi na nag atubili pa si Ye Song at agad na pinindot ang [Ray of Judgment].

[Ray of Judgment]

Isang customize defensive skill na nagpoprotekta sa bayan mula sa mga mananakop.

Summons rays of light for a short period of time.

Range: 300 meters

Cooldown: 365 Days

Pinindot niya ang [Ray of Judgment] nang walang pag-aalangan sa kanyang mga mata at ipinagpatuloy ang kanyang pagpatay sa mga devilslave.

Kailangan lamang niya ng sapat na oras upang tapusin ang lahat ng mga halimaw dito, pagkatapos ay magmamadali na siyang bumalik patungo sa bayan.

Kahit na hindi siya sigurado kung ang skill na iyon ay kayang ubusin ang lahat ng mga halimaw na sumasalakay sa bayan, sigurado siya na makakapatay ito ng higit sa kalahati.

Samantala ..

Sa sandaling pinindot ni Ye Song ang [Town Defense Skill], isang sinag ng asul na ilaw ang lumabas mula sa gilid at tinakpan ang buong bayan ng Malaya.

Ang mga paningin ng lahat ay ganap na natipon sa kumikislap na asul na ilaw sa itaas at hindi nila maintindihan kung ano ang nangyayari.

Natataranta silang lahat habang nakatingin sa kakaibang asul na ilaw na biglang lumabas. naisip nilang may nagbabago sa loob ng bayan ngunit mali ang kanilang akala.

Ang nagbabago ay hindi ang bayan. sa halip ay nagbabago ang langit sa itaas ng bayan!

Sa biglaang sandaling iyon, ang buwan ay nag cast ng isang ray of light sa pagitan ng mga ulap at nagkaroon ng hindi mabilang na dami ng circle formation ang lumutang sa kalangitan!

Ang mga ulap ay nagsimulang magdilim at dahan-dahang nagtipon patungo sa circle formation na ito.

Habang nakatingin silang lahat sa kalangitan, isang malamig na boses ang biglang umalingawngaw mula sa lahat ng panig!

"Judgment!"

Swoosh!

Sa pagitan ng langit at lupa, isang guhit ng asul na ilaw ang kumislap, lumilitaw na parang isang flash!

Nag-trigger ito ng mga formation sa kalangitan. Sa pagsabog ng mga formation na ito, lumitaw ang isang napakalaking itim na ulap pababa sa malawak na bukirin. makikita ang mga kidlat na kumikislap dito.

Sa sandaling ito, isang ray of light ang nagmula sa horizon at direktang bumagsak sa malaking hukbo ng mga halimaw. ang kidlat ay biglang lumitaw sa ulap at pagkatapos ay bumagsak ito patungo sa mga halimaw sa malawak na bukirin!