Chereads / Monster Invasion (Tagalog) / Chapter 79 - Kakaibang kaganapan!

Chapter 79 - Kakaibang kaganapan!

Nagulat ang lahat sa biglaang kaganapang ito. kahit na ang mga halimaw na nagmamadali ay biglang napatigil sa kanilang pagtakbo dahil sa biglang pagyanig ng lupa. nakaramdam din sila ng pagkabigla sa kanilang mga puso sa pangyayaring ito!

Habang sila ay naguguluhan tungkol dito, biglang tumigil ang panginginig ng lupa at isang matinding katahimikan ang bumalot sa buong lugar sa loob ng ilang segundo.

Ang mga tao na nasa tuktok ng pader ay nalilito ang mga itsura pati na ang mga halimaw sa ibaba ay may hindi malaman na ekspresyon sa kanilang mga mukha.

Habang ang lahat ay nakakaramdam ng kakaiba, isang halimaw na devilslave ang mabilis na nakarecover ng kanyang pandama at nagpatuloy na sumugod patungo sa bayan. ngunit bago pa man siya makagawa ng ilang hakbang, napatigil siya muli dahil may nakita siyang isang bagay na nagbigay ng isang nakakagulat na ekspresyon sa kanyang mukha.

"Hum!"

Isang tunog ng "Hum" ang biglang umalingawngaw sa malawak na bukirin.

Ang mga halimaw ay muling nabigla dahil sa kakaibang tunog na ito at hindi nila maiwasang tumingin sa bayan na nasa kanilang harapan dahil ang tunog na iyon ay nagmumula sa loob nito.

Si Coco at ang iba pa ay nataranta rin sa sitwasyon na ito kaya sinubukan nilang hanapin ang pinagmulan ng tunog ngunit napagtanto nila na nagmula nga talaga ito sa loob ng bayan!

Habang gulat na gulat sila, ang pader kung saan sila nakatayo ay biglang nagsimulang maglabas ng kakaibang asul na ilaw.

Bago pa sila makapag-react, naging malakas ang tunog na "Hum" sa paligid at ang kakaibang asul na ilaw na lumalabas sa pader ay naging sobrang liwanag na kailangan nilang ipikit ang kanilang mga mata upang protektahan ito mula sa ilaw.

-

Sa labas ng bayan ng Malaya, pinanood ng mga halimaw ang buong eksena na nakabukas ang kanilang mga bibig at mata. sinubukan ng ilan sa kanila na sumugod pa rin ngunit nang dumikit ang kanilang katawan sa asul na ilaw, bigla silang naglaho na parang bula!

Nang masaksihan ng ibang halimaw ang tagpong ito, ang mga ito ay nakaramdam ng takot sa kanilang puso at nagpasyang umatras muna nang kaunti upang mailayo ang kanilang mga sarili mula sa pader ng bayan.

Ngunit bago pa nila magawa ito, ang kakaibang asul na ilaw na lumabas sa bayan ay biglang pumutok hanggang sa kalangitan na tumusok sa mga ulap.

Dahil na-curious sila sa pangyayaring ito, ibinaling ng mga halimaw ang kanilang ulo upang sundan ang asul na ilaw.

Ngunit nang sandaling tumingala sila at nakita kung ano ito ..

Isang ekspresyon ng takot at kawalan ng pag-asa ang pumuno sa kanilang mga mata habang pinapanood ang kakaibang kababalaghang nangyayari sa kalangitan.

-

Patuloy na tumakbo nang diretso si Ye Song hanggang sa makakita siya ng mga patay na katawam ng mga halimaw na humahabol sa grupo ng penguin commandos at Roy Balboa.

Nang tingnan niya ang mga bangkay na nakahiga sa lupa, natuklasan niya na ang bawat isa sa mga ito ay may malalim na hiwa sa paligid ng kanilang leeg.

Ang hiwa ay tila tumagos hanggang sa likuran ng kanilang ulo at halos putulin na nito ang ulo mula sa leeg!

Masasabi ni Ye Song mula sa sugat na ito na isa itong one shot kill. namatay agad ang mga ito nang walang pagkakamali.

Nang matuklasan niya ito, alam niya na ang penguin commandos ang gumawa nito.

Nang mapagtanto ni Ye Song na ligtas pa rin ang mga penguin, isang maginhawang ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha, pagkatapos ay nagpatuloy siya sa pagtakbo pasulong upang maabutan ang mga penguin.

Habang patuloy siyang tumatakbo, napansin niya ang higit pang mga halimaw na nakahiga sa lupa at wala nang mga buhay. nang makita ang kanilang walang buhay na mga katawan, napaginhawa nito ng kaunti ang kanyang isip ngunit habang nakikita niya ang patay na katawan ng mga devilslave, nakita din ni Ye Song ang dalawang tao mula sa grupo ni Roy Balboa na nakahiga sa lupa at wala nang buhay.

Ang dalawang ito ay ang mga hindi pinalad at nasawi habang sila ay tumatakas.

Nang malaman ni Ye Song na siya ay nasa tamang direksyon, sinimulan niyang dagdagan ang kanyang bilis!

Matapos ang ilang minutong pagtakbo, narinig niya ang ilang mga dagundong hindi kalayuan mula sa kanyang posisyon.

Dali-daling nagbago si Ye Song ng direksyon at hindi nagtagal ay nakita niya rin sa wakas ang ilang mga silweta sa kanyang harapan. halos hindi niya makita ang mga ito ngunit masasabi niyang ito ang mga halimaw na humahabol sa mga penguin at grupo ni Roy Balboa.

Nanlamig ang mga mata ni Ye Song nang makita niya ang mga halimaw at agad na inactivate ang kanyang [Cloaking LV.10].

Habang papalapit si Ye Song, narinig niya ang dose-dosenang mga halimaw na gumagawa ng isang malakas na ingay tulad ng pagpalakpak. palapit ng palapit ang mga sigaw mula sa malayo habang siya ay lumalapit at nalaman niyang mayroon ding mga tunog ng pagkawasak na halatang mula sa mga puno na nasisira.

Napakunot ang kanyang noo dahil dito pagkatapos ay lumapit pa siya ng kaunti upang makita kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga halimaw na ito. hindi siya napansin ng mga halimaw habang siya ay papalapit sa kanila. pero kahit ganun pa man, maingat pa rin na binantayan ni Ye Song ang kanyang distansya sa mga ito dahil kung siya man ay matuklasan, agad siyang mapapalibutan ng mga dose-dosenang mga halimaw.

Nang malapit na siya sa mga ito, tumalon si Ye Song sa puno upang tingnan ang pinag-pipiyestahan ng mga halimaw.

Nang makita niya ang nangyayari sa kanyang harapan, nagbago agad ang mukha ni Ye Song.

Doon ay nakita niya ang mga halimaw na nakorner ang apat na sugatang penguin. mukha silang pagod na pagod at nanghihina kada segundo ngunit patuloy pa rin ang mga ito sa pagharang kung sinuman ang lumapit sa kanila.

Kahit na lumalala ang kanilang mga kalagayan, hindi ito naging hadlang sa kanila na patayin ang kanilang mga kaaway.

Nang makita ang malubhang sugat at pagod na itsura ng mga penguin, nadama ni Ye Song na para siyang sinasaksak sa kanyang puso.