Chereads / Monster Invasion (Tagalog) / Chapter 59 - Cyka Blyat!

Chapter 59 - Cyka Blyat!

[Dual Wield Mastery]

Binibigyan ka ng kakayahang gumamit ng dalawang sandata nang sabay habang nakikipaglaban!

Maganda para sa pinsala at pagpapakitang gilas!

-

Naramdaman ni Ye Song ang kagalakan nang makita niya ang bagong skill na kanyang nakuha. dahil sa skill na iyon ay makakagawa siya ng mas maraming pinsala sa mga halimaw.

Naghanda na siyang umalis pagkatapos niyang makuha ang lahat ng pagkain. sinigurado niya na wala siyang naiwan at nakuha ang lahat.

Pagkaalis niya sa bodega ay nakita ni Ye Song ang apat na guwardiya ng everest na nakatayo sa harap ng gate na may mga mukha na puno ng gulat.

Nakita ng apat na guwardiya ang bangkay ni Wang Bao at walo pang mga guwardiya na nakahiga sa isang pool ng dug. hindi nila mapigilang manginig sa takot sa eksenang ito!

Ngumisi si Ye Song nang makita niya ito at ginamit niya ang kanyang cloaking.

-

Samantala, sinimulan ni Kuchi ang kanyang paghahanap kung saan nakakulong ang mga alipin. nais niyang makumpleto ang misyong ito ng mabilis dahil ayaw niyang biguin ang kanyang master.

Habang naghahanap ay may isang russian everest guard ang nakakita sa kanya at nagtanong.

"Brad Pitt comrade, may nangyari ba?"

Nakilala siya ng russian everest guard dahil sa kanilang ginawa noong nasa panganib ang gobernador. nang malaman ng mga everest guard ang mga ganap sa Rockliffe Mansion ay maraming ang humanga sa kanilang katapangan.

"Hinahanap ko ang mga alipin dahil binigyan ako ng utos na kunin sila" sinabi ni Kuchi.

"Ganun ba? Hahaha bakit hindi mo sinabi comrade? halika, sumama ka sa akin tutulungan kita" masayang sinabi ng russian everest guard.

"Salamat, comrade"

Si Kuchi at ang russian na guwardiya ay nagkwentuhan at nagtawanan sa isa't-isa hanggang sa makarating sila sa isang maliit na courtyard. nang makapasok na sila sa looban ay sumigaw ang russian everest guard habang sinipa ang isa sa mga alipin.

"Bumangon kayo mga mababang uri ng nilalang! dumating ako ang inyong panginoon! bilis-bilisan niyong gumalaw at baka tamaan kayo saken!"

Nang marinig ng mga alipin ang boses ng guwardiya ay nanginig sila sa takot at agad na tumayo.

Ang babae na nakatanggap ng sipa sa katawan ay malubhang nasugatan ngunit pinilit pa rin niya ang kanyang sarili na tumayo kasama ng iba pang mga alipin.

Ang iba pang mga alipin ay tinulungan siya at sinuportahan ang kanyang katawan habang tinitingnan ang dalawang everest guard sa kanilang harapan na may takot sa kanilang mga mata.

Nang makita ng russian everest guard ang kanilang mga reaksyon ay nakaramdam siya ng kumpiyansa sa kanyang sarili at lumingon upang tingnan si Kuchi na naka-disguise bilang Brad Pitt na may banayad na ekspresyon.

"Comrade Brad Pitt, ito na ang mga alipin na hinahanap mo. ano ba sinabi sa iyo ng kapitan na gagawin sa kanila"

"Sundan mo lang ako at malalaman mo" sagot ni Kuchi.

"Sige"

Malawak ang ngiti ng russian everest guard nang marinig niya ang sagot ni Kuchi. ang pakiramdam niya ay naging malapit sila sa isa't-isa at nasiyahan ang kanyang puso dahil doon.

Maya-maya lang ay inutusan ni Kuchi ang mga alipin na sumunod sa kanila. mayroong mahigit sa limampu't anim na alipin ang nasa maliit na courtyard na ito at tatlumpu sa kanila ay nasa kanilang mga twenties habang ang natitira ay maliliit na batang babae at mga teenager.

Nang marinig nila ang sinabi ng mga guwardiya ay alam na nila kung ano ang mangyayari!

Kahit pakiramdam nila ay mamamatay na sila ay sumunod pa rin sila sa utos ng mga ito dahil sa takot. naranasan na nila ang lahat ng uri ng pagpapahirap at nagkaroon ng trauma kaya naman may mentalidad silang sundin lagi ang mga utos na galing sa mga guwardiya.

Isang daan silang mga alipin ang nakatira dito sa maliit na courtyard ngunit ang ilan ay namatay dahil sa torture habang ang iba ay hindi na makatiis kaya't kinuha nila ang kanilang sariling buhay!

Kaya kahit alam nilang mamamatay na sila ay sinunod pa rin nila ang utos ng dalawang everest guard sa pag-asang magbabago ang kanilang isip at iligtas ang kanilang buhay kung sila ay naging masunurin.

Ang russian everest guard ay tawa pa rin ng tawa habang nakikipagusap kay Kuchi. lumakad sila ng halos sampung minuto at nakarating sa pader ng Rockcliffe Mansion.

Ang russian everest guard ay nalilito at tumingin kay Brad Pitt na nasa kanyang tabi.

"Ito ba ang lugar kung saan mo papatayin ang mga alipin?" tanong ng russian everest guard.

Nang marinig ng mga alipin ang sinabi ng russian everest guard ay naiiyak na sila ngunit tahimik lamang sila sa kanilang pagluha dahil natatakot sila na baka mainis nila ang dalawang guwardiya sa kanilang harapan at madaliin ang pagkitil sa kanilang buhay!

Hindi sila magkaraoon ng lakas ng loob na subukan tumakbo at tumakas para sa kanilang buhay dahil marami ang nagbalak na gumawa noon ngunit madali lamang sila nahuli at ang naging resulta nito ay isang matinding parusa na mas malala pa kaysa sa kamatayan!

"Hindi. hindi ko papatayin ang mga alipin. sinusubukan ko silang tulungan na makatakas" sinabi ni Kuchi nang walang ekspresyon sa kanyang mukha.

"Huwag kang magbiro ng ganyan comrade, hindi yan nakakatu-"

Bago pa matapos ng russian everest guard ang sinasabi niya, nakaramdam siya ng isang bugso ng hangin sa kanyang lalamunan.

Nandilat ang mga mata ng russian everest guard habang nakatingin kay Kuchi na nasa kanyang tabi.

Malaking gulat ang kanyang naramdaman ng makita niyang nakangiti ng malawak si Kuchi habang sinasabi,

"Oh shit, pasensya ka na"

Nang marinig ito ng russian everest guard ay tinipon niya ang kanyang huling lakas at nagbitaw ng isang salita bago siya mamatay.

"Cyka Blyat"