Nagulat si Ye Song sa prankang salita nito pero napagtanto niya na may punto si old man heaven kaya nasabi niya ang mga bagay na ito.
-
Left Hand becomes Immortal: Sige, makikinig ako sa iyo. salamat sa pagbibigay mo sa akin ng iyong kagandahang-loob.
Mysterious Old Man: Hindi mo kailangang pasalamatan ako dahil ginagawa ko ito para sa sangkatauhan. narinig ko ang iyak at kawalan ng pag-asa ng mga tao at sumakit ang aking puso dahil dito kaya sinabi ko sa sarili ko "Huwag kayong mag-alala. poprotektahan ko kayong lahat mula sa mananakop" pagkatapos nun ay sinimulan kong ibigay ang lahat ng makakaya ko at-
Left Hand becomes Immortal: Leche! mahiya ka nga sa balat mo tandang gurang!
Left Hand becomes Immortal is offline.
-
Nang makita ni old man heaven na nag offline na si Ye Song ay naglabas siya ng isang ngiti sa kanyang mukha at sinabi.
"Ang lahat ng ito ay paghahanda para sa hinaharap, bata. hindi mo alam kung ano ang isinakripisyo ng Monster World para sa kanilang ambisyon kaya wala akong magagawa kundi ibigay sayo ang lahat ng tulong na kailangan mo.."
Matapos niyang sabihin ito ay nagsalita ang Heaven System.
*Bakit hindi mo nalang sabihin sa kanya para malaman niya ang totoong sitwasyon*
"Masyado pang maaga para sabihin sa kanya. malalaman niya rin ito pagdating ng tamang oras"
*Sigurado ka na ba dito?* tanong ng system.
"Hindi. kaya umasa tayo na magiging ayos lang ang lahat"
-
Matapos makipag-usap kay old man heaven ay tinuon ni Ye Song ang kanyang pansin sa [Quest] icon na nasa kanyang screen.
Pinindot niya ito at may lumitaw na isang pahina.
[Kill Quests]
[Combo Quests]
[Delivery Quests]
[Gather Quests]
[Escort Quests]
[Others]
Dito ay nakita niya ang iba't-ibang uri ng mga quest na pwede mong pagpilian.
Pinindot ni Ye Song ang [Kill Quests] upang masuri ang laman kung anong uri ng quest ang ibibigay nito.
[Pumatay ng 10 Chocobo!]
[Pumatay ng 5 Logan Wolves!]
[Patayin ang Rank F Boss Level Spidey!]
[Patayin ang governor ng Everest!]
Matapos niyang pindutin ay inilipat siya nito sa isa pang pahina kung saan lumitaw sa kanyang harapan ang mga quest na nangangailangang maghunt siya ng tiyak na bilang ng mga halimaw o pumatay ng isang tao.
Nang makita ni Ye Song ang quest na kinakailangan siyang pumatay ng isang tao, hindi matanggal ang gulat sa kanyang mukha!
Nagulat siya dahil binigyan siya ng system ng isang quest upang patayin ang isang tao!
Pinindot niya ito upang malaman kung ano ang detalye na nakalagay sa quest na ito.
-
[Patayin ang governor ng Everest!]
Ang governor ng Everest ay isang masama at walang awang tao na gumagahasa sa mga kababaihan at mga bata!
Nililimitahan niya din ang mga supply ng rasyon na ibinibigay sa mga karaniwang tao para gamitin itong pang blackmail sa kanila upang magawa niya ang kanyang gusto sa mga ito!
Ang baboy na ito ay mas masahol pa kaysa sa mga halimaw.
Hanapin mo ang taong ito at patayin!
Reward: [75,000 Exp] , [5 Skill points] , [200 Heaven Coins] , [Title: Assassin]
-
Nang mabasa ni Ye Song ang description sa quest na ito ay nanlamig ang kanyang ekspresyon!
Hindi siya makapaniwala na ang taong ito ay naging isang gobernador ng Everest, isa sa dalawampung bayan sa Freedom Land!
Kahit nakaramdam siya ng galit sa kanyang puso ay wala siyang magagawa tungkol dito dahil siya ay bumalik na sa dati.
Ang kanyang lakas ay hindi nalalayo sa isang karaniwang tao!
Kaya naman imbis na magalit ay itinuon na lang niya ang kanyang pansin sa kung ano ang kayang niyang gawin sa ngayon.
Sinuri ni Ye Song ang [Others] upang makita kung anong uri ng quest ito.
Lumitaw ang isang pahina at doon ay nakita niya ang dalawang quest na nakapukaw sa kanyang pansin!
-
[Muling itayo ang bayan!]
Ang wala pang pangalan na bayan ay nawasak dahil sa isang lindol na nangyari kanina.
Bakit hindi mo itayo muli ang bayan upang mabalik ito sa dati nitong kaluwalhatian?
Reward: [1,500 Exp] , [Title: Engineer] , [Heaven Gift Box]
[Kumuha ng mga residente!]
Kumuha ng hindi bababa sa dalampu't limang tao para manirahan sa iyong bayan upang ito ay maging buhay at hindi parang isang ghost town -_-"
Nakakatakot kaya yun, di ba?
Reward: [2,500 Exp] , [5 Box of Meat] , [5 Sack of Rice]
-
Nang makita niya ito ay napangiti si Ye Song at sinabi.
"Alright magsimula tayo dito!"
Sinimulan ni Ye Song ang paggawa ng plano habang naglalakad siya patungo sa bayan. ang LEMONS ay nakasunod sa kanyang likuran at iniisip kung anong ginagawa ng kanilang master.
*DING*
[Nais mo bang itayo muli ang bayan?]
"Yes!"
[Starting the simulation]
Isang 3D model ng bayan ang lumitaw sa kanyang harapan at sinimulan agad ni Ye Song ang pagsasaayos ng bayan.
Inayos niya ang mga pinsala na nagawa sa bayan upang maibalik ito sa dati nitong ayos at nagdagdag rin si Ye Song ng isang dojo para sa mga kung fu turtles.
Inilagay ni Ye Song ang dojo sa 9th district kung saan may bakanteng lote at gumawa siya ng mga dormitoryo para sa future disciples ng dojo.
Matapos ang pagdaragdag ng higit pang mga detalye, pinindot ni Ye Song ang [Complete] button sa sulok ng screen.
Makalipas ang ilang sandali ay may maririnig na tunog sa loob ng bayan at dahan-dahang naaayos ang mga pader at bahay na nasira dahil sa lindol.
"System, pwede ba akong magbigay ng mga quest sa aking mga alaga? kung pwede, makukuha ko ba ang mga experience mula sa reward ng quest kapag nakumpleto nila ito?"
*DING*
*Oo, maaari kang magbigay ng mga quest sa iyong mga alaga dahil gumawa sila ng isang koneksyon sa iyo ngunit makakakuha ka lamang ng bahagi ng experience sa reward quest kung makumpleto nila ito*
"Mabuti na iyon kaysa wala. kung mag-isa lang ako ay kakailanganin ko ng mahabang panahon para matapos ang lahat ng ito. mayroong mahigit sampung libo ang quest na nandito"
Matapos makumpirma sa system ay tinipon ni Ye Song ang mga LEMONS.