[Game of Gem #02 Something]
***
PAGKATAPOS kong punta sa gubat di ko namalayang nakatulog pala ko habang pinapanuod ang buwan at nag-iisip ng palusot. Marami ring mga alitaptap.
Napadaan ako sa court wala ng tao. Wala patay narin ang ilaw. Tahimik at Madilim. Agad akong dumeretso sa bahay.
Naabutan ko si mama na nakapamewang. Patay! Huhuhuhu yari ako neto.
"Mama!Hehe?"
"HOY BABAE ALAS DOSE NA NG GABI HINDI KAPA UMUUWI! NAKAALIS NA'T LAHAT ANG MGA TAO SA COURT HALA! BUKAS NA BUKAS TALAGA YARI KA SAKIN PASOK DUN!!" Huhuhu T___T may bukas pa?
Napatakbo nako papunta sa kwarto pero hindi parin ako dinadapuan ng antok. Kinuha ko ang sketchpad ko at hinubad ang salamin ko.
May pumasok sa utak ko na isang bahay at---
Bigla akong nahilo kaya napahawak ako sa ulo ko. May nakita akong dalawang batang babae na nakaupo sa gilid ng Fountain?
"ashksg can you draw mommy?" Tanong ng isang batang babae. Habang nakatingin sa isa pang batang kasama niya. Hindi ko makita ang mukha nila. pero nakikita ko kung anong kulay ng buhok nila. Yung isa color purple at yung isa Sky Blue.
"A Piece of Cake!" Ano ba 'tong nakikita ko?
"tsk! yabang mo talaga!!Kukuha lang ako ng cookies!"
Biglang umalis yung isang bata na may kulay Blue ang buhok kaya nagsimula ng magdrawing yung isa. Ilang minuto lang natapos na siyang magdrawing dumating naman bigla yung isang bata na may dalang cookies.
"Tapos nako!" Tuwang tuwa na sabi nung purple ang buhok at hinarap yung dinrawing niya.
"ANG GANDA MO TALAGA MAG-DRAWING!!!!" Tuwang sabi nung isa na kulay blue yung buhok. "May tanong ako sayo askcybda!" Nakakunot noong sabi nung blue ang buhok habang nakatingin sa drawing ng Kulay blue yung buhok.
"Ano?"
"Bakit may Butterfly Flower ang mga drawing mo?"
"Because Bu--"
"Ate Anna!!.... ATE ANNA.... ATE GUMISING KAAAA!!" Agad akong napabangon sa pagkakahiga. Nakaramdam rin ako ng lamig kaya napatingin ako sa hinihigaan ko at sa sahig pala ako napahiga. Napatingin din ako sa yakap yakap kong sketchpad. Anong nangyare?
"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Alacia.
"Wala! pwedeng iwan mo mona ko!" Tanong ko sakanya. "Bahala ka!!" Sabi niya at umalis na. Naramdaman kong namamasa yung Pisnge ko kaya hinawakan ko yun. Teka? Bakit ako umiiyak?
Kinuha ko ang Lapis ko at Dinrawing ang nakita ko sa panaginip ko. Teka-- Bakit ko ngaba napanaginipan yun?
Pamilyar 'to sakin pero 'diko matandaan kong saan ko nakita! Parang merong tumutulak saking alamin kong ano ang nasa likod ng Bulaklak at Paro Parong simbolo na'to eh! Hayy!! Nababaliw nako.
Naghilamos nako sa banyo pero hindi parin maalis sa isip ko yun. Pumunta nako sa lamesa nandun narin si mama at papa. Si mama naghahain at tinutulungan siya ni Alacia si Papa naman nagbabasa ng dyaryo. Minsan lang walang trabaho si papa at Mama madalas kasi Nagsasaka si Papa at naglilinis ng mansyon sa Villa.
Hindi kami mayaman. Average lang.
Napansin ako ni papa kaya napatingin ako sakanya. Parang alam ko na ang mangyayari.
In
1..
2...
3....
Start of the Speech Go ON!!
"Anna Saan ka galing kagabi? Nakauwi na daw lahat ng nasa court sabi ni Alacia pero hindi kaparin nakakauwi. Alam mo namang Maraming adik dito satin at yan pa ang ginagawa mo. Alas Dose ka na kung umuwi baka sanayin mo ang sarili mo!! HINDI KA NAMIN PINALAKI NG GANYAN--"
"MIA.... MIAAAAAA!! BILISAN MO!!!! BUKSAN MO ANG PINTOOOO!!!" save by the knock. Yeah!! Tenchoooo!!!
Dali dali namang binuksan ni mama yung pinto bumungad samin ang mukha ni Aling Chori Hinihingal pa ang peg! Pustahan kwarenta may dalang balita yan! Daig pa nyan News caster eh!
"Bakit Chori? Anong nangyari?"
"Pwede..... Tubig..... M-muna?" ayy!! may parequest pa si ate!! Inutusan naman agad ni mama si Alacia kaya kumuha siya ng tubig at ibinigay ito kay aling Chori!!
"Gulp.... Gulp..... Gulp..." Ayy Lumunok at Tumunog!! Baka may ihahabol pa? -_-.
"Ano bang nangyari?" Tanong ni mama.
"Magugulat ka sa sasabihin ko!!" Sige ipagpatuloy ang pagpapabitin. Kunti nalang sasapakin kona to eh!! ANO?!
"Si g-gail.." ayy!! Kanina May parequest? Tapos may pa sound effect... tapos may pabitin!! NGAYON MAY PADRAMA RAMA NG HAPON!! PA MMK!! Umiyak!!
Ampucha!! Kukurutin ko singit nito eh!!
"Chori Hinga monang malalim." Sige ipagpatuloy niyo yang exercise niyo!! BWISETT!!
Inis akong pumunta sa kwarto ko at duon nagliliwaliw... Mga bwisit nayun!! Andaming alam.
"ANOOO?!?!?!?!" Anak kayo ng nanay niyo!! Ano nanamang problema niyo?
Inis akong lumabas ng kwarto at kita mo nga naman may pa drama si mayor! Lahat umiiyak!! Pag sinabi kong LAHAT... EH LAHAT!! pati si Alacia at si mama umiiyak maliban kay papa na kita mo ang lungkot!
"Oh Problema niyo?!" Takang tanong ko. Bawal mag sungit baka madagdagan ang sermon.
"Ate..." Umiiyak na tumakbo si Alacia sakin at niyakap ako kaya hinagod ko nalang yung likod niya.
"Ate.... Si A-a-at-t-e G-gail." Mukhang alam ko nayung kasunod. P*ta nakalimutan ko yun ah!! "P-patay n-na s-siya..." P*ksh*t sabi na! Ganto kahihinatnan nito eh!!
Humiwalay ako sa yakap niya at tumatakbong pumunta sa bahay nila ate gail. Napansin kong umuwi na lahat ng kamag-anak ni ate gail. Lahat sila umiiyak. Pati mga bata at mga taga bayan nandito narin at umiiyak.
Expect kona ang gantong eksena. Mabait ang background ni ate gail kaya ganyan ang nangyari.
Biglang may lumabas sa bahay. Ohh! Yung bangkay nasa strecher na Nababalutan ng puting kumot.
"Hindi po namin alam. Mga Nasa gitna na ng gabi nu'n pong nahilo ako at Nakatulog."
"Ikaw, Diba nasa kusina ka? May iba pa ba kayong kinain?"
"Wala po kundi isang sopas lang po. Madalas po kasing nagpapakain si Señorita Gail ng sopas eh!"
"May posibilidad bang may problema, Depression o Sakit ang inyong amo? Na dahilan kung bakit ito nagpakamatay?" W.. wait!! WTF?! Nagpakamatay?!
Nilinis ba nila? Gumawa ba sila ng--
"Detector? Sinabi niyo bang nagpakamatay?" Gulat na tanong ko. Paano nangyari yun?
"Sino kanaman? Oo nagpakamatay! May nakita kami na Kumot at Lubid na pinagsama upang makapagbigte ang biktima. Meron rin kaming nakitang blade na pinanlas las sa kanyang pulso" Ano Daw? "Pero may isang kakaiba. Merong nakasulat na 'He's Keo Zert Tart Imy 3' nug naghanap kami ng pangalang Keo Zert Tart Imy 3 Wala kaming nakuhang Result." hmmm! kung ganun--- Pinalabas nilang suicide para hindi na mapalalim pa ang ginawa nilang ito. Pero ang ipinagtataka ko Bakit Mag-iiwan ng mensahe si Ate gail kung pwede namang ang pangalan nalang ang isulat niya.
Hayy! Ang gulo niya! Pero ano ang ibigsabihin nun?
Bumalik nalang ako sa bahay at himalang walang tao kaya tahimik! Kumuha ako ng notebook at lapis at sinulat yung 'He's Keo Zert Tart Imy' tapos hiniwalay ko ang 3 kung hindi ako nagkakamali mahilig sa code si ate gail at ang naaalala ko ang isang 'to ang madalas niyang gamitin.
"he' S ke O Ze R t ta R t im Y... Sorry?" What's The Meaning of this? tsk.
Napadaan ako sa drawer ko at naghalungkat! Ewan ko. Parang ewan! Nahawakan ko yung Headband na suot suot ko ng bata pako.
Bigla nanaman akong nahilo kaya napaupo ako sa sahig at bigla nalang may lumabas nanamang imahe.
Puro puti madaming makina nandun ang dalawang bata na mga nasa 13 years old? katulad kagabi Purple at Blue ang buhok nila.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ng batang babae na purple ang buhok sa blue ang buhok.
"Basta. Eto' Isuot mo!" Sabi ng babae blue ang buhok. T-teka bakit ko ba to' nakikita? Lumapit yung babaeng blue ang buhok sa isang Makina at may inayos dun. Sinubukan ko silang hawakan pero parang nasa 3D na pelikula lang ako.
"Hello. Hello Naririnig moko?"
"Hala! Ang galing!! Ang galing mo talaga asgshaja." Hindi ko sila maintindihan.
Nabalik nalang ako sa ulirat ng may maramdaman akong tumatapik sa pisnge ko. At Pagmulat ko si mama ang nakita ko na puno ang pag-aalala ang mukha.
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "Anong nangyari? Bakit ka natutulog diyan? May nararamdaman kabang masama?"
"Wala po ma, Okay lang ako. Pupunta nako sa higaan ko." Napansin kong napatingin siya sa hawak kong headband at may dumaang lungkot sa mata niya.
tss. Baka guni-guni ko lang yun. hayy! Napatingin ako sa kisame. May kong anong nangyayari sakin na hindi ko maintindihan.
Habang papalapit ng papalapit ang kaarawan ko parang may kung anong nangyayari sakin. At hindi ko alam kong ano iyon.
Para akong nasa pelikula na puro eksena ngunit walang pangalan ang mga main Character. Nakainom bako kagabi? Bakit parang nalalasing ako?
-
To Be Continued....