[Game of Gem #03 Secret Revelation of the Past]
"Sometimes you'll Think that this is the most painful things that you ever feel but you did'nt know that it is just the begining of your Suffering. Why do i need to suffer like this?"
***
LUMABAS ako ng kwarto ko at nagpalit ng damit. Sinuot ko narin ang Eye glasses ko at ang nakita kong headband.
Gusto ko lang magpahangin para naman ma refreash ang utak ko sa mga nangyayari ngayon. Para kasing may kulang sakin na hindi ko maintindihan.
"Anna san ka pupunta? May masakit ba sayo? Lalayas kanaba? Nak' Huwag namang ganyan!"
"Ma, Huwag kang OA! Okay? Atsaka lalayas?! Bakit naman ako lalayas! Ma, Nakatira kaba ng kung ano!" Natatawang tanong ko kay mama. Bigla naman siyang napaiwas ng tingin. tsk -_- Nakatira nga siya. Ganyan siya kapag nagsisinungaling eh!
Napansin kong nagbabasa nanaman ng dyaryo si papa. Hayy! Puro dyaryo nalang.
"Anong oras tayo makikiramay ma? Atsaka asan si Alacia?" Napansin ko kasing walang maingay ngayon.
"Ah, Si Alacia ba? Nandun na kila Gail nauna na. Mga Alasais tayo pupunta dun. Saan ka ba pupunta?"
"Diyan lang sa labas magpapahangin!" Palabas na sana ako ng--
"Ingat ka." bakit feeling ko iba ang meaning nun? Hayy! Napa-praning nako.
Tuluyan nakong lumabas ng bahay. Habang papunta ako sa malapit Secret Paradise ko ay may nadadaanan akong mga puno ng mga prutas at mga bulaklak. Apple, Manggo, Tulips, Rose at etc.
Manganda dito at Relaxing. Secret Paradise ang tinawag ko dito dahil Sekretong taguan ko'to kapag may nagawa akong kasalanan kayla mama at di'to ako magtatago.
Pinapalipas ko muna ang galit nila. Napaupo ako sa bench at nakita ko dun yung ginuhit naming pangalan nila Claire.
Si Claire at Deny sinulat namin ang mga pangalan namin dito.
♡Laire♡Deni♡Ann♡
natatawa pako kapag naaalala ko nung nagka-inisan pa sila kasi dapat Deny ang isusulat ni deny pero pinipilit ni Claire Na Denis, Ang totoong pangalan ni Deny.
Bakla si Deny, Denis Agustin ang pangalan niya. Maharot at malanding bakla.
"May nakita akong pogi dun oh! Halika na tignan natin! Ugh!! Ang yummy niya Laire dali na!"
"Hayy naku yang kabaklaan mo Denis Agustin baka gusto ming putulin ko yang Pahaba mo sa baba! Sige?!"
"Ang Bastos mo talaga laire. Sige Putulin mo payag ako."
"Sige kukunin ko lang itak ni Dad!"
"WAAAAAAAHHHHHHHH ANNNNAAAAA PUPUTULIN NIYAAAAAA!!"
Hahhahahahahah natatawa ako kapag naaalala ko yung mga panahong magkakasama pa kaming tatlo. Kaso isang araw nagpaalam nasi Deny na aalis siya.
Basta nagising nalang kami na may sulat sa gilid ng table namin. Ganun din ang nakita ni Claire. Papel sa gilid ng Study Table niya.
'This is Your Beloved Deny,
Alam niyo mga Friend, Hindi ko alam kong panong magpaalam. Kung paanong sasabihin sayong Buntis aketch. Charot lang. Pero kasi Nahihirapan akong sabihin sa inyo ang nangyayari sa aming Family. Paano? Naghiwalay si Mamita at Dadita Ko.
At alam mo ba kung ano pa ang latest News? Dahilan ng pagiging Beauty Queen ko. Ansakit Isipin naako pa ang naging dahilan ng Pagkarupok ng Pamilya namin.
Na akala ko tanggap nako Kasinungalingan lang pala. Kaya heto ako, Pinipilit kalimutan ang lahat. Kaya pala laging wala si papa kasi ayaw niyang makita ang aking Pretty Face haha. Pero don't worry, Maghahanap ako ng Trabaho dito sa maynila Para maisampal sa pagmumukha ng aking Dadita na kahit mala beauty Queen ang aking Feslak eh May ipagmamalaki ako.
Na hindi Basehan ang Pagiging Magandang Kabayo haha, Sa kinabukasan ko.
By Beauty Deny.
Pagkatapos nun napagdesisyonan namin katukin yung bahay nila Deny pero para kaming Pinagbaksakan ng langit at lupa ng wala siya.
Akala namin biro lang ang bagay nayun pero hindi pala. Totoo ang lahat.
Si Claire sa School nalang kami nagkikita. Parang Wala na ang pagkakaibigan namin ng mawala narin si Deny. Si Deny ang pinaka pagitan namin. Si Deny ang Pinaka Close ko at ganun din siya kaya minsan naiinis siya sakin dahil inaagaw ko daw ang atensyon ni Deny.
Napansin kong Palubog na ang araw kaya Agad nakong tumayo sa kinauupuan ko at umalis na pauwi.
Papunta pa kasi sa Pakikipaglibing ni ate gail. Makikilamay lang.
***
Pagkarating ko sa bahay nakita ko sila mama na nilolock na ang pinto kaya agad akong lumapit sakanila.
"Saan kaba nagpupupunta? Akala ko hindi kana Sasama eh!" Sabi ni mama at nagsimula ng maglakad papunta sa bahay nila ate gail sumabay naman kami ni papa.
Pansin ko lang Parang ang lalim ng iniisip nila. Kahit si mama kahit napansin niya ko alam kong may bumabagabag sakanila.
"Jan lang po nagpahangin, Naalala ko lang si Deny!" Tumango nalang siya.
Nangpapalapit na kami sa libingan ni ate gail napansin kong nandun si Claire. Hayy! Namiss ko na talaga si Deny.
Si Claire Clarisse Umasaki, May pagka-bugnutin mayabang slight. Fans ng BTS at may gusto kay Deny. Tama! May gusto kay Deny. Crush niya na si Deny dati pa Napapansin ko yun kahit hindi niya pa aminin. Narinig ko rin siyang kausap ang kuya niya na hindi niya babalakin na umamin kay Deny kasi baka mailang ito sakanya.
Kaya sigurado akong kaya siya madalas mainis sakin. Kasi simula ng maging kaibigan nila ako mas pinagtutuunan nako ng Pansin ni Deny. Inaamin ko yun kasi parang Naiilang na si Denis kay Claire siguro napapansin niya narin. Mayaman at Half Japanese din si Claire. Maganda at Maputi. Kaya hindi ko maitatangging marami siyang Manliligaw.
Si Deny naman ay Gwapo at Average lang ang buhay. Mabait at Matalino kaso Maharut.
"ANNA!" May narinig akong tumawag sakin kaya napatingin ako dun. Si Ate Saga pala Katabi niya ang asawa niyang si Kuya Harold. Nasa likod niya naman Si Ate Gemini nakatabi ang anak nito at ang mga magulang nila.
Lumapit ako sakanila at nagtanong kong bakit.
"Salamat naman at dumating ka Anna!"
"Okay lang ho, Nga ho' pala na autopsy napo ba ang katawan ni Ate Gail?" Malungkot naman silang tumango. Kung sabagay mabait na kapamilya naman si ate gail. Pero Wrong Question ata ang naitanong ko.
"Naka Drugs siya."
"sabi na eh!" mahinang bulong ko pero mukhang narinig nila kasi napatingin sila sakin.
"What do you mean 'sabi na?' may-alam kaba? " tanong ni ate Saga. Oppsss kailangan ko mag-isip ng Palusot. AHA!!
"T-this past few months po kasi nag-iiba ang kilos niya. Laging may hinahanap hanap at namumula lagi ang mata." Sagot ko habang nakatingin sa Coffin' ni Ate Gail. Para hindi halata ang pagsisinungaling ko.
"Ahh."
"Hindi ko alam kung paano naging ganun si gail. Kilala natin si Gail at H-hindi ko matanggap na magiging ganun siya. Paano siya natutong gumamit na Druga?" Naiiyak na sabi ng mama nila ate Saga.
***
Pagkatapos ng ilang oras marami ng nagsiuwian. Nauna narin sila mama. Saglit ko pang tinignan ang Coffin' ni Ate Gail At Dumeretso na sa Bahay.
Deresto kagad ako sa higaan. Hayy! Kapagod.
Pag gising ko palang ng umaga naghanda nako ng makakain namin. Dumeresto ako sa Kwarto ni Alacia Para sana tawagin siya pero wala siya dito.
"Ang kalat niya talaga."
Pano banaman hindi pa ayos ang higaan. Kumot niya ang gulo at lukot lukot. Yung Unan niya kala mo nakipag Pillow Fight at kalat na kalat.
Mga libro niya sira sira na naakala mo pinaghahagis sa kung saan saan.
Napatingin naman ako sa Papel na nakakalat sa upuan dito sa kwarto niya.
'Adoptation Paper Certificate'
Para saan to'? Kinuha ko nalang yung Papel at Dumeretso sa kwarto nila mama.
Itatanong ko narin kung para saan yun. Hindi ako tanga para hindi malaman kung ano ibig sabihin nun. Ang itatanong ko kung bakit meron ganun sa kwarto ni Alacia? At para kanino yun!
Habang papalapit ako sa kwarto nila mama naririnig ko na ang Boses ni Alacia. Tss. Babaeng yun talaga.
"MAMA PARA SAAN NGAYUN?! AT BAKIT NASA KWARTO KO YUN?!"
Hindi naman masamang makinig diba?
"ALACIA!! pwede ba manahimik ka! Baka mamaya marinig ka ni Anna" boses ni mama yun ah. Sooo nag-uusap silang tatlo ng wala ako? Daya!
"AKO?! Mananahimik pagkatapos kung makita ang Adoptation Paper nayun. Sakin bayun?! Bakit nakatago sa kwarto ko ma?!"
Napatingin ako sa hawak kung papel. Ito ba ang pinagtatalunan nila?
"Alacia Hindi iyo yun!" papa.
"Eh Kanino nga?! MAHIRAP BANG SAGUTIN YUN?!"
"Kay Anna yun!"
Hah?!
"A-ano?! Kay Ate?! P-paano?! Kailan?! ANO?!"
"OO, kay anna! Ayaw ipaalam ng mama mo! Sinabi ko na kasi sayo Mia ipaalam mona! Nang hindi umabot dito!! Oh, Kita mona ngayon."
"Hindi ko kaya! Natatakot ako--"
"Natatakot ka?! Mia Alam naman nating dalawa na mas lalong lalala ang sitwasyon kung hindi mo sinabi. Bitawan mo yang pagiging makasarili mo!! Hindi natin siya Tunay na anak! At Si Anna ay hahanapin at hahanapin ng totoo niyang pamilya ka--"
"P-PERO INIWAN NILA! PINABAYAAN NILA!"
"Wala tayo sa posisyon para husgahan ang mga pamilya ni Anna. Hindi natin alam ang buong pangyayari!"
"PERO SA BANGIN--"
"TAMA NA!! MAAWA NAMAN KAYO KAY ATE! INILAYO NIYO ANG TOTOO AT ITINAGO NIYO SIYA SA KATOTOHANANG NARARAPAT SAKANYA."
Napahawak ako sa pisnge ko ng maramdamang basa iyon. Ayoko na! Ayoko ng makarinig pa ng isa pang kasinungalingan.
Ganto ba? Ganto ba ang naramdaman ni Deny?! Oh Mas malala pato' Sa naramdaman niya?!
Ansakit pala na Niloko ka ng lahat! Yung akala mo okay na hindi papala.
Agad kong pinunasan ang pisnge ko. Tinapun ko narin ang Papel nayun.
"A--"
Dahan dahan akong kumatok at pinipigilan ulit ang pagbagsak ng luha ko.
*Tok*Tok*T--
"A-Ate?! K-kanina kapa j-jan?" Nakita kong namamasa ang mata niya pero ngumiti lang ako alanganin namang Umiyak ako.
"Ah N-ngayon N-ngayon l-lang! Kain na tayo! Wala ka kasi sa kwarto mo eh! Sila Mama?"
Nanginginig parin ako. Andami kung tanong na gusto kong malaman. Gusto kung malinawan sa lahat. Sa lahat ng Nangyayari. Bakit nakila mama ako? Bakit wala akong maalala sa nakaraan ko.
Yung mga nakikita ko ba nitong nakaraang araw? Alaala ko ba iyon? Totoo ba lahat ng iyon?
"N-nasa loob! Halika na! U-una n-na t-tayo ate?" tumango nalang ako at nagsimula na kaming pumunta sa hapagkainan.
一
Alimia's Pov; (Foster Mother ni Anna)
"B-baka narinig niya!" nanginginig na sabi ko.
Naramdaman kung lumapit ang Asawa ko sakin at niyakap ako.
"Mia, Nararapat lang na malaman niya ang lahat. At Nararapat lang din na maipaliwanag natin sakanya ang nangyari." Mahinahon na sabi ni Anthon.
Natatakot ako, Natatakot ako na baka kapag nalaman niya Iwanan niya kami. Kalimutan kami at kapag nakita niya ang magulang niya babalewalain niya kami.
Ayoko na maiwan ng isang mapagmahal na anak. Na kahit makulit at Matigas ang Ulo Mapagmahal parin.
Naalala ko ang araw kung paano ko siya nakita.
Flashback in 4 Years Ago...
Tumatakbo kami sa madilim na gubat dahil sa anak namin. Sinusubukan kunin ng mama ko ang apo niya. Ayaw niyang maghirap si Alacia. Ten Years old palang.
Hindi samin lumaki si Alacia. Sa lola niya. Meron siyang ate pero dahil sa pagiging pabaya ko Namatay siya kaya nagalit ang Mama ko at kinukuha din samin si Alacia. Kasama ko ang asawa ko na binubuhat ang gamit namin.
"Wala na sila!" Hinihingal na sabi ni Anthon. Kaya napatigil kami at Napaupo sa sobrang pagod.
Napatigil kami ni Anthon ng may nakita kaming sasakyan na padaan samin. kaya napatago kaagad kami.
Napatingin ako sa sasakyan ng makarinig ako ng Putok ng baril. May biglang tumalong bata. Napatingin ulit ako sa sasakyan ng makitang pinaulanan mo na nila ng bala ang pwesto ng bata.
Ng matapos sila narinig ko pa ang halak hakan nila bago umalis. Napatakbo kami ni Anthon sa pwesto ng Bata.
Wala kaming nakitang tama ng baril pero meron dugo sa uluhan niya.
Binuhat siya ni Anthon. Sinilip ko muna si Alacia buti nalang tulog pa siya. Nilagyan rin kasi ni Anthon ng Headset ang Tenga ni Alacia para hindi magising ito habang hinahabol kami ng tauhan ni Mama.
Dumeretso kami sa pinaka malapit na Hospital para matignan ang lagay ng bata. Maganda ang batang babaeng ito at kung tutuosin malalaman mong mayaman talaga siya at mayaman.
Pagka check ng doctor sa kalagayan niya. Napag-alaman namin Nagkaruon ang bata ng Temporary Amnesia. Walang kasiguraduhan kung kailan ang pagbalik ng alaala niya.
At mabuti nalang rin at Meron kaming perang dala ni Anthon kaya meron kaming na impabayad sa Hospital.
Ilang araw pa nagsimula ng gumalaw ang daliri niya kaya nagpatawag nako ng doctor.
"Pulse Rate?"
"Ayos na ho Doc."
"Heart beat?"
"Normal ho doc."
Lumabas na ang doctor at sinabing ayos na ang lagay niya.
Tuluyan na siyang nagising at nakapagsasalita na. "S-Sino ka? Asan ako? Bakit ako nandito?"
"Nasa Hospital ka. Ako si M-mama mo. Oo, Tama ako ang Mama mo!"
"Mama?"Tumango naman ako.
"Anong nangyari sakin? Bakit wala akong maalala? Anong Pangalan ko?"
Bigla naman akong napatalon ng merong kumatok. "Ana--"
"Anna ang Pangalan ko?" Nag-aalangan akong tumango. Sasabihin ko panaman sana 'Anak ka ng kabayo.'
Tumayo ako saglit at binuksan ang pintuan bumungad sakin Si Anthon at Si Alicia nasa likod naman nila ang Doctor.
Hinatak ko Si Anthon sa may gilid at iniwan mo na si Alicia sa may tabi ng doctor.
"Bakit?"
"Ganto, K-kasi nagsinungaling ako sa bata eh." Natatakot na sabi ko. Baka kasi pagalitan niya ko eh.
"Anong nagsinungaling?"
"Sabi ko Magulang niya tayo!"
"ANO?!" gulat na sigaw niya kaya napatingin samin ang doctor at si Alicia.
"Is there any Problem?"
"Nothing po doc." Anthon.
"Bakit mo ginawa yun?"
"Kasi para Meron na tayong Micrisse."
"Ano?! Gagawin mong siya si Micrisse?!"
"Oo, Para mawala narin ng kahit kunti yung sakit ng mawala ang una nating anak." Malungkot na sabi ko. Si Micrisse ay una naming anak pero last Month namatay siya dahil sa dengue.
Dahil narin sa kapabayaan namin o Kapabayaan ko.
"Sige! Pumapayag nako. Pero alam mo kung anong pwedeng mangyari sa kasinungalingan mo Mia ha!" Tumango naman ako.
Lumapit nakami kay doc. Sakto namang nagtanong siya kung kaano ano kami ng bata. Muntik pa nga kami mahuli kasi hindi naman daw namin kamukha.
End Of Flashback....
一 一
To Be Continued.....
一 一