Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

PAANO MO GUSTO MAMATAY?

🇵🇭Bau_M_Dre
--
chs / week
--
NOT RATINGS
25.2k
Views
Synopsis
Ito ay kwento ng mga estudyanteng napasailalim ng isang sumpa ng kanilang propesor.
VIEW MORE

Chapter 1 - EXAM

ep 1: ang exam

Ako si Chad Erseo, third year college student na kumukuha ng kursong management sa Univesity of Manila. Last day na ng exam namin noon at masayang masaya kaming mag-kakaklase dahil magbabakasyon na at makakawala na rin sa mga assignments at lintik na mga math problems na di ko naman gusto intindihin simula ng mamulat ako sa pag- aaral. Ang mga classmates ko ay nagpapaplano na ng kani- kanilang mga get- aways. Ang iba ay pupunta sa beach, uuwi ang iba sa mga probinsya nila at ako naman ay nagbabalak kumain, matulog, at maglaro ng dota sa bahay namin. Isang simpleng bakasyon pero bigla na lang nagbago ang lahat dahil sa huli naming exam kay Mr. Dante ,ang propesor namin sa subject na Psychology. "Chad, napansin mo ba na parang matamlay si sir ngayon at parang namumutla", tanong sa akin ni Jane, na unahan ko ng upuan at gf ko. "Naku baka binasted na ni Maam Beth na prof sa English. Di naman kasi papasa si sir kay maam. "Tignan mo naman ang laki ng tiyan at napapanot na si sir", pabirong sagot ko. "Okey class", matamlay na bigkas ni sir Dante. Madali lang ang exam n'yo, essay lang 'to. Kaylangan lang ng malikot na pag-iisip dito at mapabilib n'yo ako sa mga sagot n'yo. Meron tayong 30 days sa kalendaryo at sakto ang bilang n'yo, ang upuan n'yo ang kapares ng bilang sa kalendaryo. Eto ang tanong ko kung papipiliin kayo ng isang kahindik- hindik na pagkamatay, paano n'yo gusto mamatay? Isulat n'yo sa isang buong papel ang sagot n'yo at sa loob ng kalahating oras ay ipasa n'yo sa akin ang mga sagot n'yo"."Naku, exciting naman 'tong exam natin. Basta ako gusto kong mamatay sa sarap", sabi ni Venus na nasa harapan ko nakaupo. S'ya ang malandi naming kaklase na pinagpapasahan ng mga lalaki sa buong campus namin. Kung hindi lang ako seryoso kay Jane malamang ay isa na ako sa mga mga pangalan sa listahan ni Venus. Maganda din naman s'ya at seksi kaya maraming nahuhumaling sa kanya, kaya lang ay parang sakit n'ya na ata ang makipagtalik at kahit walang pahinga ay kaya n'ya. Natapos na ang kalahating oras at pinapasa na sa amin ang mga sagot namin. Pagkakuha ni sir Dante sa mga papel namin ay bigla s'yang napaiyak at nagulat kaming lahat sa mga sumunod na pangyayari. " Maraming salamat sa inyo mga bata. Magpapaalam na rin ako sa inyo dahil ito na ang aking huling pagtuturo at sana'y mapatawad n'yo ako sa aking gagawin. Kung hindi ko ito itutuloy ay pamilya ko ang matataya sa alanganin, patawad". Walang umiimik sa loob ng klase dahil nalilito sa mga sinasabi n'ya. Nagulat nalang kami nang magsalita si sir ng kakaibang wika at bigla s'yang naglabas ng patalim. Hiniwa n'ya ang kanyang t'yan hanggang lumabas ang kanyang laman loob at pagkatapos ay sinunod n'yang hiwain ang kanyang leeg at bumulagta. Nagsigawan ang mga babae. Ang iba ay nagtatakbong lumabas at humingi ng tulong.Nagulat ako at 'di makapagsalita sa nangyari habang nakayakap naman si Jane sa akin at umiiyak. Nagsidatingan na ang mga guro at mga taga ibang section.Mga ilang oras pa ay may dumating na rin na ambulansya at sumunod ang mga pulis at nagtanong sa amin sa nangyari. "Ano bang trip ang sumagi kay sir Dante at bakit ganun ka brutal ang pagpapakamatay n'ya"? Tanong ko sa isipan ko kinagabihan.Â