"Here's your coffee, Inspector Jonn Briones. "Thanks dear. Sabi ng inspector. "Bakit nga pala nagising ka?Kinapa kasi kita sa kama, tapos wala ka kaya tinignan kita dito sa private room mo.Mukhang mabigat 'yang kaso na hinahawakan mo ah at alas tres na ng madaling araw 'di ka pa tulog? Tanong ng asawa ni inspector Jonn. "Hanep kasi ,yung pagpapakamatay nitong iniimbistigahan ko.Biruin mo, nylon string sa gitara ang ginamit, kaya ayun, nakabigting hati sa gitna ang leeg.Sabi ng nanay ng nagpakamatay, masayahin naman daw ang anak n'ya at wala naman silang problema sa bahay, kaya nagtataka talaga s'ya kasi naririnig n'ya na masaya namang nag gigitara pa ang anak n'ya bago ito magpakamatay."Naalala mo ba dear 'yung kaso kong iniimbistigahan nung nakaraang buwan?Yung tungkol sa Professor na nagpakamatay habang nagkaklase s'ya? "Oo dear.Ano naman ang koneksyon n'un sa hinahawakan mong kaso ngayon?" "Etong iniimbistigahan kong kaso ngayon, isa sa mga estudyante nung prof.Belle naniniwala ka ba sa sumpa?" "Jonn, lahat kasi sa mundo ay posible, my mga pangyayari talaga na gawa ng masama o ng demonyo.At bakit mo naman naitanong 'yan?"Kasi nung tinanong ko sa estudyante kung anu-ano ang mga ginawa ng prof nila bago magpakamatay, nabanggit n'ya na may sinabing kakaibang salita ang prof nila na hindi nila maintindihan, na para bang isang orasyon o sumpa." "Nakakapangilabot naman yang mga kaso mo ngayong hinahawakan.Pwede bang mahiram ko muna 'yung asawa ko para makatulog na rin ako?""Hehe, sige po Mrs. Mabelle Briones. Susunod na ako." Kinaumagahan sa isang plaza."Wew grabe talaga, katabi ko pa naman lagi si Windy kapag may exam at lagi n'ya akong pinapakopya.Ano ba ang pumasok sa kokote nun at brutal pa ang naisipang pagpapakamatay?Oi, Dennis nakakarami kana ata ng burger. Kanina pa ko nagsasalita dito, hindi ka naman pala nakikinig. "Joey, ganun talaga ang buhay parang life. Walang basagan ng trip. Sabi nga ni sir Dante sa psychological perspective. Kapag gusto maglakad ng nakahubad ng kapit- bahay mo hayaan mo lang kasi yun ang gusto nyang mundo, at normal 'yun.Nasa mga tumitingin na lang sa kanya kung bibigyan ng masamang kahulugan at doon 'yun nagiging mali."Naks, nakikinig ka pala kay sir, 'di halata Den ah."Alam mo naman pagdating sa mga hubad eh matalas ini.Teka wala akong pera brad ah, wala akong pambayad."Oo na alam ko naman."Naglabas ng 500 na buo si Joey nang biglang hanginin ang pera n'ya."Teka Den hinangin yung pera ko hanapin ko lang."Sige brad at iisa pa ako sa burger,""Hay naku naman naiipit pa sa gulong.Wew hirap tanggalin ah."Biglang may sumigaw na ali."Mama may taoooooo, ihinto moooooo!!!!!!!! Napalingon si Den sa likuran n'ya at nailuwa ang kinakaing burger sa nakita."Joeeeyyyyyyyyyyyyyyy.!!!!!!!"Isang oras ang lumipas. Anong nangyari dito?" tanong ni inspector Jonn kay Den. Kumakain po kami ng burger ng kaklase kong si Joey, tapos po nagpaalam po s'ya na hahanapin ang hinangin n'yang 500 pesos. Hindi ko po namalayan na naipit po sa gulong ng pison ang pera n'ya.Nakarinig na lang po ako ng sumigaw,di napansin ng driver na andun sa gulong ng pison nya si Joey at kinukuha ang naipit nyang pera.Bigla na lang pong pinaandar ng mama yung pison at nauna pong naipit mga kamay at braso ni Joey,sumisigaw po sya hanggang sa naipit na sin ang ulo nya, sumabog po ito,hanggang pati kalahati ng katawan n'ya na ay napitpit na rin.Tsaka pa lang po huminto ang nagmamaneho ng pison nang pigilan sya ng isang lalaking nakakita."Nakaupo lang si Den na parang lantang gulay na nagkukwento sa inspector.Kinuwento nang driver ng pison na nakaheadset s'ya kaya hindi n'ya narinig na may nagpapahinto sa kanya, at 'di rin n'ya napansin na may tao sa uanahan ng gulong n'ya dahil nakayuko si Joey habang kinukuha ang pera n'ya.Durog-durog ang mga kamay at braso ni Joey.Nagkalat din ang utak nya at binaha ng dugo sa kalyeng kinamatayan n'ya.kring.kring.kring."Oh! Dennis ba't napatawag ka?""Chad, wala na si Joey."Ano?!!!"