Chereads / The Imperfectly Perfect Match / Chapter 1 - Chapter 1 | Marshana

The Imperfectly Perfect Match

🇵🇭TheMargauxDy
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 15.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1 | Marshana

TINATAMAD na ibinagsak ni Marshana ang buong bigat sa ibabaw ng kama. Saglit niyang ipinikit ang mga mata at ginulo-gulo ang bagong hot oil na buhok—which felt incredibly smooth and nice, by the way.

"You know what, I don't get it!" iritableng panimula ni Marshana sabay dilat at baling kay Eshie na kulang na lamang ay idikit ang mga mata sa screen ng hawak-hawak nitong phone. She had to call her friend thrice to completely snatch her attention away from that friendship-ruining gadget. "You're not paying attention. Kaibigan ba talaga kita? Kanina pa ako daldal nang daldal dito, e!"

Pumalatak ang huli at nakahalukipkip na tinabihan siya. "I'm listening, okay? This is called multi-tasking!" anito't ikinumpas pa ang kamay na may hawak na cellphone.

"Multi-tasking, my ass!" kunwa'y angil niya. "What I'm saying here is that I've already introduced four—again, four," itinaas ni Marshana ang apat na daliri sa ere at iwinagayway, "men to my parents, yet ni isa, walang nakakuha ng approval nila. Sino ba'ng magpapakasal? Ako, `di ba? This is soooo frustrating!"

Eshie rolled her eyes heavenward. "Kasi alam nilang hindi ka naman seryoso sa mga ipinakilala mo. Hello, they are your parents, Marshana. Kung mayroon mang higit na nakakakilala sa iyo, mga magulang mo na `yon. Plus, ilang beses ka na ba nilang nire-rescue sa mga eskandalo mo sa mga kung sino-sinong lalaki? Sige nga. How are they gonna believe you? For all we know, pang-front mo lang naman `yang mga lalaki na `yan—na kung hindi ka lang naman ginipit ng mga magulang mo, hindi mo naman `yan gagawin."

Ekspaheradong bumuga ng hangin si Marshana. "Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na dati pa `yon? I'm a changed woman now."

"I'm a changed woman now," her friend mimicked. "Mukha mo. Eh, ga'no ba kadati `yang 'dati' na sinasabi mo? Girl, parang two weeks ago lang, Tita Amarra had to pay the press para lang hindi mag-circulate online at para hindi makarating sa daddy mo `yong scandal mo kay Benjie," anito na ang tinutukoy ay iyong video na nakuha ng isang insider habang nagme-makeout sila ng isang kilalang artista sa isang pamosong club.

Marshana huffed. Looking back, her mother's role had always been like that; protect the last name they're both carrying at all cost—the De Leon. At kahit ngayon na may kani-kaniya nang pamilya ang dalawa, ganoon pa rin ang responsibilidad nito.

"Fine!" nandidilat niyang pakli. "Two weeks ago! Pero past is past, right? Willing na akong magbago ngayon."

Nagdekuwatro si Eshie at saka muling ibinalik ang tingin sa cellphone. "Wala ka naman na talagang choice kundi magbago, `no. Kasi kung hindi, tiyak na sa kangkungan ka pupulitin."

"This is absurd," tila nanghihina niyang usal. "Inalisan na nga ako ng kotse, wala pang itinirang savings o kahit isang credit card man lang. I'm beginning to hate my own father."

Sukat doon ay natawa ang kaibigan niya. "Well, at least iniwan nila sa iyo `tong condo mo, may matitirhan ka pa rin."

"Still this is absurd. What am I gonna feed myself?"

"Not their fault, Marshana. You left them with no choice. As for your food and other stuff, I can help you with that. But for now, bear with the situation that you created and let's go find you an eligible husband that your parents would say yes to."

Tila batang ipinadyak ni Marshana ang magkabilang paa sa ere. "Eh, saan naman ako makakakuha ng gusto nilang pakasalan ko? Ano, gusto ba nilang magpakasal ako sa teacher?"

Nalukot ang mukha ni Eshie. "Nah. Probably not a teacher."

"A soldier?"

"Definitely not. Too risky."

"Doctor?"

"Puwede?"

"Lawyer?"

"They're too busy to even find a girlfriend."

"Self-made billionaire?"

Eshie nodded. "One thing for sure.."

"...his whole family has to be rich," sabay nilang supply ng kaibigan.

"And from a prominent one," dugtong pa ni Eshie sabay angat ng hintuturo sa ere. "Someone with good records, too," she emphasized, "hindi katulad ng mga nauna mong ipinakilala kina Tita Amarra and Tito Fabio."

"Hindi `tulad ko, you mean." Pinaikutan niya ito ng mga mata.

Wala naman talagang kaso sa kaniya ang mga nauna niyang ipinakilala. Inayawan lang ng mga magulang niya dahil katulad niya ang mga ito—very laid back and notorious players; the type of boys that her parents told her not to get close to but ended up as her boyfriends anyway.

Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga at saka tumayo at nagpaikot-ikot sa harapan ng kaibigan. Akmang magsasalita na ulit si Marshana nang biglang suminghap si Eshie, nasundan pa ng makailang-ulit na pagsabi nito ng, "Oh, my God!" Para itong may nadiskubreng kahindik-hindik mula sa binabasa o tinitingnan.

The tsismosa in her was triggered, so rushed towards her best friend. "What? What's happening? Tell me, tell me!"

Mabilis pa sa alas kuwatrong inilapat ni Eshie ang phone sa dibdib upang panandaliang itago sa kaniya ang dahilan ng pagkabigla nito. "Oh, my God, Marshana. You're not gonna believe this...but I think I just found the perfect candidate for you."

Marshana's eyes widened in anticipation. "Who?"

Nagniningning ang mga matang tuluyan nang hinarap ni Eshie ang phone sa kaniya. "Mayor Dax Mondejar."

"Dax Monde..." Tuluyan nang nakalimutan ni Marshana ang sasabihin nang tumambad sa kaniyang paningin ang naka-zoom in na larawan ng isang adonis. Ang dramatic man pakinggan, pero parang tumigil ang oras nang mga sandaling iyon. Wala sa loob na inagaw niya ang phone ng kaibigan para mapagmasdang maigi ang lalaking naroroon.

The man wasn't even naked—he's wearing an immaculate white barong tagalog and jet black trousers—yet she could feel herself drooling as her mouth fell open. His facial features looked strong and well-defined; sharp jaw, thin upper lip but slightly plump bottom lip, arrogant nose, and a pair of chocolate eyes that could burn and melt someone in a span of millisecond. The guy oozed power and authority. Sa tantiya niya ay nasa early 30s pa lamang ang lalaki.

Perfect, she thought.

"Is he single?" ang unang mga katagang lumabas sa bibig ni Marshana habang pinagsasawa ang mga mata sa lalaki.

"Well, base sa interview niya diyan, he is." Nakangising hinablot ni Eshie mula sa kaniya.

Kinagat ni Marshana ang ibabang labi at tumanaw sa malayo. "Dax Mondejar, hmm. I've never seen him before, but it's weird because I swear his name feels oddly familiar."

"Kasi nga schoolmate natin siya noong high school!"

"Really? Bakit hindi ko siya matandaan?"

"Hindi mo siya matandaan kasi hindi pa ganiyan ang hitsura niya noon. He used to be so fat and small, but look at him now. Judging from his current built and physique, looks like he's got six-pack abs hiding beneath that shirt," tila kinikiliting sabi pa ni Eshie.

Sukat doon ay sunod-sunod na bumaha ang samut-saring mga alaala sa kaniyang isip.

"Oh, my God!" Muli niyang hinablot ang cellphone sa kaibigan at pinakatitigan ang lalaking dati niyang kaasaran. "Totoo bang si Dax `to? My goodness! Grabe! He's so...so..."

"Hot? I know, right! At alam mo kung bakit ko nasabi na siya ang perfect candidate para sa iyo? Because, my dear best friend, he's currently looking for a wife, at mukhang nagkakagulo na ang mga kababaihan para lang mapansin ng nag-iisang Mayor Dax Mondejar."

Unti-unting gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ni Marshana. Mayroon nang planong nabubuo sa kaniyang isip.

Get ready, Dax Mondejar. I'm about to rock your world.

đź‘