Lagi na lang ako dito sa office ni miss Pimentel ang prof namin sa calculus hindi ba siya nag sasawa sa akin.
ano magagawa ko ayaw sa akin ng math ang hirap eh!. Zyren Mariz Aston my name, 19 years old and business management student habang nag iisip ako dito biglang bumukas ang pinto at parang slowmo ang pag pasok ni Carl Ivan Smith ang guwapo niya talaga siya lang naman ang campus heartthrob ng school na ito at ka department ko.
"Tss! Tapos kana bang tignan ako? laway mo tumutulo na"
Nagulat naman ako dun at bigla din akong na pahawak sa bibig ko at kinapa kung may laway nga wala na man umupo siya sa tabi ko at nakinig lang siya ng music sa cellphone niya at parang inignore na niya ang mundo at hindi rin nag tagal ay dumating din si Miss Pimentel umupo siya sa harap namin at yung katabi ko halata ang pag ka inis.
"Miss Aston alam mo naman kung bakit kita pinatawag dito sa office ko hindi ba?"
Sabi ni Miss Pimentel tumango naman ako kase naman ang baba ng mga grades ko sa calculus
"Mr Smith kaya kita pinatawag ay dahil gusto kong i-tutor mo si Miss Aston"
Waah tutor ko siya so mag kakasama kami kahit saglit lan yes!
"No! ibagsak nalang po ninyo ako"
Aw! sad ayaw niya akmang lalabas na siya nang biglang mag salita si Miss Pimentel na nag pahinto sa kanya.
"Okay then makakarating kay Mr.Smith na ayaw mo"
Mr. Smith ? Ano naman kinalaman ng Daddy niya dito?
"Ano naman ang kinalaman ni Daddy dito?"
Tanong niya na halatang na iinis na
"Siya mismo ang nag utos sa akin na mag hanap ng itutor mo para maka bawi sa mga absent mo sa akin pero kung ayaw mo okay lang sa sabi..."
Hindi na na tuloy ni Miss Pimentel ang sasabihin niya nang biglang nag salita si Carl.
"Okay gagawin ko na pero ano ang credit nito?"
Napangisi si Miss Pimentel sa pag payag ni Carl at ako tuwang tuwa kinikilig pa.
"Ang credit nito ay kahit sa finals ka na lang pumasok sa class ko beside matataas naman ang mga grades mo "
Wow! sa finals lang siya papasok kainggit ganon ba siya ka talino at kahit hindi na siya pumasok ay makakapasa siya? Ang galing talaga ng tutor ko.
"Kahit sa finals na lang?"
Paninigurado niya at tumango naman si Miss bilang sagot.
"Deal "
Sabi naman ni Carl ano to business? "deal" daw eh
"Okay dahil settle na ang lahat bahala kayo mag usap kung kailan kayo mag tuturuan "
Yun lang at umalis na si miss dahil may class pa daw siya.
si Carl naman tinignan lang ako at umalis na.
eh! hindi pa nga namin na pag uusapan yung about sa pag tututor niya sa akin.
agad agad ko namang inayos yung gamit ko at sinundan siya pero pag labas ko ng office wala na siya. ang bilis naman nun, bukas ko na nga lang siya tatanungin mag ka department naman kami. excited na ako na makasama ko si Carl