Mabilis lumipas ang oras.
na iinis ako sa mga kamake out niya kahapon buti na lang ngayon akin siya.
hahaha! any way ang landi ko na.
Ngayon nandito na ako sa park at napag alaman kong isa lang din ang subject ni Carl at maaga ako ng one hour.
mag hihintay na lang ako dito umulan, bumagyo.
de joke lang hindi ko naman siya ganun ka-crush noh! slight lang.
____________________
Pag katapos ng class agad nag punta ang mag babarkada sa special place nila at pag dating na pag dating doon kumain agad si Frank.
"Tindi mo brad! kumain ka agad. penge nga"
Akmang dudukot na si Eroz sa vcut ni Frank ng paluin ni Frank ang kamay ni Eroz para hindi ma kakuha ng pag kain.
"Ah! ka tamad tara bar tayo?"
Biglang sabi ni Eric
"Tara. boring wala magawa tara bar tayo"
Sangyon naman ni Eroz
Akmang lalabas na sila Eric at Carl nang biglang nag salita si Frank.
"Di ba may date kayo ni Annoying
girl"
Sabi ni Frank na tinulak si Eroz para hindi makakuha ng pag kain.
"Oo nga. that girl. diba may
date kayo"
Sakay naman ni Eroz sa sinabi ni Frank.
"Tss! it's not a date dude and I don't care about that girl. she's annoying. ano tara sasama ba kayo?"
Sabi ni Carl
"Im in"
Kibit balikat na sabi ni Eroz.
"Me too"
Nakataas kamay pang sabi ni Eric.
tumingin si Carl kay Frank na hindi na ginagalaw ang pag kain at ito ang sign para kunin ni Eroz yung pagkain at himalang hindi nag react si Frank.
"Brad may sakit ka ba himalang hindi ka nagwala kinuha na ni Eroz yung pagkain mo"
Turo ni Eric sa kakambal pero nag kibit balikan lang ito tumayo at nilagpasan si Carl na nasa pinto.
"Pass muna ako "
Pag kaalis ni Frank nag katinginan ang tatlo at nag kibit balikat na lang at tumuloy na sa pupuntahan.
nang nasa beyahe na sila naka tanggap ng text si Carl.
°Carl, Zyren to what time kapupunta nandito na ako :-)°
"Tss she's annoying"
Nasabi na lang niya sa sarili
____________
Ay bastos naman sino ba yung nag lalaro ng tubig.
Sabi ko sa sarili pero tumingala ako at nakita kong umuualan na
Hala nag ka totoo yung sinabi ko kanina mukhang hindi na siya darating makauwi na nga
aalis na sana ako sa kinauupuan ko pero bigla kong na isip na baka biglang dumating si Carl kaya kahit lumalakas na ang ulan hindi parin ako nag patinag at nag stay lang doon inabot na ako ng 7 at na nginginig na sa lamig hindi parin ako umaalis hanggang sa tumila na ang ulan.
________________
8 na ng umalis si Carl sa bar at hindi niya alam kung bakit siya patungo sa park at nakita niya si Zyren na nanginginig at akap ang sarili.
"Sira ba siya! bat siya nag hintay at nag paulan pa"
Inis na sabi sa sarili.
nang akmang lalabas na siya ng sasakyan Para puntahan si Zyren ng nakita niya si Frank na papalapit dito at bigla siyang na inis sa kaibigan pero hindi niya alam kung bakit at tuluyan na siyang umalis sa lugar na yun.
_____________
"Crazy girl. hinintay talaga niya ng ganitong katagal yung takteng yun tsk tsk"
Sabi ni Frank sa sarili niya. habang tinitignan si Zyren na hinihipan ang kapeng nilibre niya para dito at ito siya kumakain nanaman na parang si Jughead.
"Oi bat hindi mo ka sama si Carl dapat nung sinundo mo ako sinama mo siya pinaalala mo na may da.... Este tutorial kami ngayon"
Tinignan niya lang si Zyren.
maganda naman ito pero sobrang inosente kaya siguro ayaw sa kaniya ni Carl. pero aminin man niya o hindi. crush niya itong babaeng to. Pinunasan niya muna yung bibig niya bago siya mag salita.
"Hindi ko siya kasama dahil may date ako at malay ko bang nag hintay ka ng ganun katagal"
Nilinok muna ni Zyren ang kaiinom lang na kape bago mag salita.
"Date?... Eh asan yung ka date mo "
Parang Giraffe na humaba ang leeg niya para makita ang ka date nito pero pinitik lang ni Frank ang noo niya at na paaray lang si Zyren
"Wala yung ka date ko ininjan ako"
Tumango tango na lang si Zyren
"Ah! pareho pala tayo ininjan din ako ng kaibigan mo"
Tumingin si Frank kay Zyren at na aawa siya na namamangha kase imbis na magalit ito kay Carl hindi mo makikita dito na galit o inis dahil hindi sinipot. samantalang siya naiinis na dahil hindi ito sinipot ni Carl. ewan ba niya kung bakit niya nilapitan si Zyren at tinulungan ito
"Atleast ako hindi tanga para mag hintay nang ganyan katagal at nag pa ulan pa "
Sinadya niya itong sabihin para mainis ito pero hindi, ngumiti pa siya baliw na babae.
"Eh akala ko kase darating siya
kahit late pero hindi eh at ..."
Hindi na rinig ni Frank ang huling salita ni Zyren dahil bulong na lang ito
"Ano hindi ko na dinig ?"
Imbis na ulitin ay umiling lang ito at ngumiti sa kanya
"Wala jughead kumain ka nalang "
Napakonot ang noo ni Frank sa narinig niya kay Zyren ano daw ang tawag nito sa kanya
"Jughead Bakit mahaba ba ilong ko"
Bumungisngis si Zyren at umiling iling
"Hindi mo naman kamuha si jughead ka features mo lang siya ang lakas mo kumain pero hindi ka tumataba tignan
mo yung tyan mo hindi man lang, bumundat. samantalang ako kape lang ininom ko lumaki na ang tyan"
Bigla naman siyang na patingin sa lamesa at sa tyan niya oo nga para siyang si Jughead.
naging masaya naman ang gabing yun kahit na ininjan siya ni Carl
______________
*sorry sa spelling ng injan hindi ko alam spelling ng hindi sinipot eh basta yun na yun