Chereads / INTO THE SHADOWS / Chapter 2 - CHAPTER TWO (Ang Outing Ng Barkada)

Chapter 2 - CHAPTER TWO (Ang Outing Ng Barkada)

Tahimik at tanging huni ng mga ibon ang iyong maririnig sa paligid, naglalakad at tinatahak ng mag-isa ni Krie ang berdeng lupa na maayos na kahalay ang mga nitso sa daanan. Naalala niya mga malulungkot at di-malilimutang ala-ala sa daanang tinahak, kasama niyang bit-bit ang paboritong puting rosas ng kanyang mga magulang. Nakarating siya sa puntod nito at sinindihan ang mga kandilang dala ngunit pinapatay ito ng hangin, kinuha niya ulit ang lighter at sinindihan ulit. Pero tila pinaglalaruan siya ng hangin, ikatlong beses at sinindihan niya ulit ngunit pinatay pa rin ito ng hangin. Tumingin siya sa sa kanyang paligid at nakakita ng isang babae na nakaitim at ito ang babae sa kanyang panaginip ang babaeng walang mukha. Namutla siya at tumayo ng ito ay papalapit sa kanya.

"Sabi ko na nga. Dito ka lang namin makikita.", isang pamiliar na boses ang kanyang narinig at lumingon ito kung saan nang galing at na hagilap niya ang isang babae na nakasuot ng trackers at puting t-shirt sa itaas. Tumingin siya ulit sa pinagruruonan ng babaeng nakita niya ngunit nawala lang ito bigla.

"Hali kana. Dinala na namin lahat ng kailangan mo.", Lucas said walking to Krie.

"Hoy! Okay ka lang ba? Parang nakakita ka nang multo?", tanong ni Art sa kaibigang na mumutla.

"Baka nakita niya yung mga magulang niya, kaya ganyan ang mukha.", Hana laughs and Krie look at her.

"Okay ka lang ba talaga Krie?", Lucas ask in concern. Tumingin ulit si krie sa pinagmulan ng babae pero wala pa rin siyang nakita at nagpatanto niya na baka nagmamalikmata lang siya dahil sa panaginip niya kaninang umaga.

"I"m alright.", he nod.

"So. Tara na malayo pa ang pupuntahan natin.", Riel break the cold atmoshphere with her huge bagging clap over the place.

Ngumiti siya sa mga kaibigan at na isipang sumama nalang siya baka makalimutan niya sa outing na ito ang mga kababalaghang nangyayari sa kanya.

-------------------------------------

"Diba, napasama ka talaga namin. Hindi mo talaga kami matiis.", Art tease.

Ngumiti siya, "May magagawa pa ba ako. Kaya nga ako umalis ng walang paalam, para hindi niyo ako mahanap, eh. Nahanap niyo ako, kaya sumama nalang ako.", mataas niyang paliwanag.

"Pumunta ka talaga sa sementeryo no. Naniwala ka talaga sa akin.", Hana laughs.

"Plano ko na talaga yun.", he reply.

"Nga pala. Ayos kana ba? Baka nanaginip ka diyan ng gising.", pabirong sabi ni Riel, tumawa silang lahat.

"Tumahimik ka nga! Baka ikaw diyan.", he reply.

"Nga pala kuya. Naalala mo pa ba yung daanan?", biglaang tanong ni Hana sa kapatid na busy sa pagda-drive.

"Siguri. Pero kung makakalimutan ko edi, magtanong tayo .", sabi niya sa mga ito.

"Huwag ka nang magalala, Hana. Boy scout yang kuya mo. Tignan mo ang dala, daig pa ang magbabakasyon ng isang buwan.", pabirong sabi ni Riel.

"Joker ka talaga, Riel no.", they all laugh.

They have a good time having each others company, nagpa-music sila, nag-stop over sa mga kainan at nagsaya. Three and half hours passed at nakarating rin sila sa isang maliit na baryo, tumungo sila sa isang liblib na daanan na mahahanap mo sa dulo ang isang di-gaano kalaking bahay, na magisang nakatayo sa gitna kakahuyan. Bumaba sila at binati ng isang maliit na pamilya.

"Ikaw na ba si Lucas?", tanong ng may edad na lalaki. Tumango si Lucas at binigyan siya ng isang mahigpit na yakap ng lalaki.

"Nakalimutan mo na siguro ako. Ako ito ang Tiyo Sales mo at ito naman ang tiya Selia mo, at siguro hindi mo pa nakikita ang nag-iisa anak namin si Hebi. Pinagbubuntis pa kasi siya noon ng tiya Selia mo noong huling punta ninyo dito.", wika niya na bakas sa mukha ang saya na makita muli ang pamangkin.

"Paano naman kita makakalimutam Tiyo Sales, nakatuntun pa nga ako rito, kayo na kaya ang makakalimutan ko.", ngumiting sagot niya.

"Akala ko kinalimutan mo na kami, yung kapatid mo nga siguradong hindi na kami na alala.", sabi niya na nakatingin kay Hana na nasa likuran ni Lucas.

"Pasensya na po kayo. Mahina po talaga ako sa memorya.", paumanhin ni Hana.

"Okay. lang yun, eh bata kapa naman nun.", ngumiting sabi ni Sales at tumawa silang lahat.

"Nga pala, tiyo at tiya. Ito yung sinasabi ko sa inyo ang mga kaibigan ko. Si Krie, Art at Gabriela.", pakilala niya sa kanila.

"Nice to meet you, po", sabi ni Krie sunod naman ni Art.

"Riel, nalang po. Nice to meet you,po.", wila ni Riel.

Pumasok na sila at napahinga sandali para maghanda sa kanilang night viewing na pinakahihintay nilang makita. Maghahapon na at tinawag ma sila ni Mang Sales para sa kanilang paglalakbay.

"So. Handa na ba kayo sa paglalakbay sa bundok Aster?", tanong ni Mang Sales sa kanila.

"Excited na po kami!", masigla nilang sagot.

"Pero may nangyari kasing hindi inasahan.", wika ni Mang Sales na napalitan ng lungkot ang mukha.

"Ano po ba yun, Tiyo Sales?", malungkot na tanong ni Lucas.

"Hindi ako makakasam sa inyo, may nangyari kasing hindi inasahan sa bayan at kailangan ako doon.", paliwanag nito sa kanila na napalitan na ng kalungkutan ang mukha.

"Pero, huwag kayong magalala. May sasama iba sa inyo at magpagkakatiwalaan talaga ito.", sabi ni Mang Sales na nagbibigay pagasa ng lahat.

"Sino po?!", masigla na tanong ni Hana.

"Yung anak ko so Hebi.", nagulat ang lahat sa sinabi ni Mang Sales.

"Sigurado po ba kayo?", paniniguradong tanong ni Riel.

"Oo. Maasahan niyo yan si Hebi, maskabisado nga niya ang pasikot-sikot sa kagubatan kaysa sa akin na matanda na at kakalimutin kung minsan.", paguudyok niya sa kanila na bakas ang pagkadismaya.

Naghanda na sila sa kanilang pagalis at sinunod na ang batang sasama sa kanilang paglalakbay. Sa paglabas nila sa bahay may na pansin si Krie na matandang lalaki na nakatayo sa itaas ng bintan ng bahay. Nagtaka siya dahil sa mga matang nanglilisik nito, kinalibutan siya tuloy sa matandang lalaki at maskinabahan siya nang nagtagpo ang mga mata nila. Iniwasan niya ito at binilisan ang paglakad at hindi na pinansin ang kanyang presensya.

Lulubog na ang buwan at nagpasya sila na maghanap muna ng lugar na paghihingahan nila. Hinanda na nilang kanilang mga tent at ang iba ay naghanda na ng kanilang makakain. Nagsalo-salo sila sa kanilang inihanda at nakaupong hinaharap ang isa't-isa.

"Hebi, huwag kang mahiya sa amin. Kanina kapang tahimik diyan, magsalita ka naman.", wika ni Riel na ininabot ang pagkain.

"Oo nga. Para ka naring barkada namin at ang bunso sa amin.", Lucas add.

She smiles. "Hindi kasi ako extovert kaya medyo na hihirapan akong makipag-ugnayan sa ibang tao.", paliwanag ito sa kanila.

"Talaga? Like you don't have friends?", tanong naman ni Hana and she shyly nod.

"Huwag kang magalala. Ngayon mayroon kana.", sabi naman ni Art sabay takip sa kanyang likod and smile then look at them.

"Nga pala, Hebi. May iba pa bang tao bukod sa inyo sa bahay niyo?", Krie ask out of nowhere, nagtaka ang lahat sa tanong niya.

"Kami lang ang tao sa bahay na yun. Bakit mo naitanong?", nagtatakang tanong ni Hebi.

"May nakita kasi akong matandang lalaki sa itaas ng binta niyo at tumitingin siya sa pagalis natin.", he answered.

"Baka nagmamalikmata ka lang Krie. Tinatakot mo naman kami.", wika ni Art.

"Baka, kaibigan lang yun ni tatay.", sabi ni Hebi na nagpakalma ng kanilang paligid.

"Come on guys! nandito tayo para magsaya! Hindi para matakot.", Riel said.

Kumain sila at nagusap, dumilim na at natulog na silang lahat pero si Krie hindi makatulog dahil naalala parin niya ang babaeng nasa panaginip niya. Nagpaisip siya na baka totoong tao yun o baka naman ay totoong multo yun. Pinikit niya ang mata niya pero hindi pa rin siya makatulog kaya napagpasyahan niya na lumabas muna para makalanghap ng hangin. Umupo siya ng mag-isa at nag-isip, tumingin siya sa kalangitan at naalala ang mga panahong buhay pa ang mga magulang niya. Ang masaya at buo pa niyang pamilya noon ay tanging ala-ala nalang ngayon.

Naging alerto siya nang makarinig ng mga kaliskis sa likod ng damo, kumuha siya ng bato at nilapitan ang pinaggagalingan ng tunog. Napahinto siya ng nakita niya ang mga pulang mata nito.