Chereads / INTO THE SHADOWS / Chapter 3 - CHAPTER THREE (Ang Malaking Mansion)

Chapter 3 - CHAPTER THREE (Ang Malaking Mansion)

Nanginginig siya sa takot at hindi alam kung ano ang gagawin ng makita niya ang mga pulang mata, ipinikit at dinilat niya ang mga mata para siguraduhin na hindi siya nagmamalikmata. Hindi makakilos dahil sa kaba at takot, nanginginig ang kanyang mga tuhod at pumapatak ang kanyang mga pawis.

"Lucas! Art! Riel gising!", sigaw niya na dahan-dahang lumakad paatras at nakita niya ang totoong imahe sa likod ng mga pulang mata. Umatras siya hanggang nakarating siya sa kanilang tent.

"Lucas! Art! gumising kayo may halimaw sa labas!", sigaw niya ulit at dahil sa lakas ng sigaw niya nakagising si Lucas at siya ay lumabas.

"Ano ba ang pinagsisigaw mo, Krie?", he yawn.

"Tignan mo ang malaking halimaw.", sabi ni Krie na napahawak sa balikat ni Lucas.

"A-ano yang aso na yan? Bakit ang lalaki ng pangil?", tanong niya sa kaibigan na hindi alam ang gagawin.

"Hindi ko rin alam. Marami sila rito Lucas, nakita ko kanina sa likod ng mga damo. May kinain silang tao.", he said whispering. Pinandiyakan ni Lucas ang tent para makagising si Art pero hindi ito nagtagumpay.

"May plano ako.", wika ni Krie na hindi maitangal ang mga mata sa halimaw.

"Ano?", tanong ni Lucas.

"Babatuhin ko siya sa mata niya at gisingin mo silang lahat.", sabi niya sabay pakita sa mga bato sa kanyang kamay.

"Tapos?", tanong ulit ni Lucas

"Aakyat tayo sa mga puno.", wika ni Krie.

"Oo, sige. Pagbilang ko ng tatlo. Isa....Dala-", naputol ang pagbilang niya nang lumabas si Art sa tent.

"Ano ba ang ginagawa niyo diyan?", nagtatakang tanong niya Art sa kanyang paglabas.

"Hali ka dito.", wika ni Lucas na nakatayo sa kanyang harapan. Pupunta na sana si Art sa kanila ng kagatin siya nito sa kanyang balikat.

"Art!", sigaw nilang dalawa na nahawakan ang kamay ni Art, wala silang nagawa kundi ang paghawak sa kamay ni Art

Hinatak ng halimaw si Art palayo sa kanila at bigla nitong nabitawan. Tanging sigaw sa pangalan ang kanilang nagawa, kaya naglakas loob si Krie na batuhin ito ng bato at nataman ito sa mata. Nakatakas sa pagkagat si Art, pero napuruhan ng malubha ang kanyang balikat. Nagmamadali silang gisingin ang iba at nagtaka sa nakitang malaking sugat sa balikat ni Art.

"Anong nangyari kay Art?!", tanong ni Hana.

"Baba-kit siya nagkaganyan?", tanong naman ni Riel na nagugulat sa nakita at si Hebi naman na hindi alam ang gagawin sa nakitang sugatan na si Art.

"Mamaya na! takpan muna ninyo ang kanyang sugat at kunin niyo ang mga importanting gamit. Aalis tayo ngayon din.", paliwanag niya sa mga babae na walang alam kung ano ang nangyayari.

"Nasaan ba si Krie?", tanong ni Riel.

"Nandun pa kinakalaban ang halimaw!", sabi niya na buhat pa ang kaibigan. Basta tulungan muna ninyo si Art at huwag na huwag muna kayong lalabas.", wika ni Lucas na nagbibilasa.

"Ano ba talaga ang nangyari Lucas?!", tanong ni Riel at lumabas bigla nakita niya si Krie na nakatayo magisa na halos naliligo sa pawis at nanginginig ang mga tuhod. Sinundan agad ni Lucas si Riel at nakita si Krie na tumatayo sa gitna kaharap ang halimaw.

"Riel! Ano ba ang ginagawa mo! Mamatay tayo sa ginagawa mo bumalik ka rito sa tent.", sigaw ni Lucas na papalapit si Riel ka Krie.

Napalingon si Krie at nakita na papalapit sa kanya si Riel.

"Huwag. Huwag kang lalapit baka parehas ka kay Art.", huminto si Riel ng marinig ang sinabi.

"Ano ba ang nangyayari!? Krie, Bakit sugatan si Art at anong ginagawa mo diyan. Bakit mayhawak ka na matulis?", nagtatakang tanong ni Riel.

"Ano ang sinasabi mo Riel. Hindi mo ba nakita ang kaharap ni Krie?!", sabi ni Lucas at lumabas na rin ang dalawang babae sa tent dahil sa naririnig nilang sigawan.

"Anong kaharap? Anino lang niya ang kaharap niya. Niloloko niyo ba ako?", sigaw ni Riel.

"Oo, nga Lucas wala namang kaharap si Krie.", Hana add up confusing the whole situation.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi mo nakikita ang halimaw na to?", nagtatakang tanong ni Krie.

"Anong halimaw? Nababaliw na ba kayong dalawa?", wika ni Riel na naguguluhan sa lahat mga nangyari.

"Kayong dalawa hindi niyo rin ba nakita ang nakikita namin?", tanong naman ni Lucas sa dalawa. Lumingon si Hebi at nanginginig na sa takot.

"Lucas tigilan muna kami. Ano ba talaga ang nangyari kay Art at ano ba ang sinasa---", natigil si Hana nang makita niya na mayhumablot na hindi makikita kay Krie. Nagulat ang lahat sa nangyari at napatras si Riel sa kanyang kinatatayuan, tumakbo naman si Lucas patungo kay Krie pero may humarang sa kanya na isa pang halimaw, napahinto siya.

"Lucas! tumakbo na kayo!", sigaw ni Krie na nilalabanan ang kumakagat sa kanyang braso, nahawakan ni Riel ang balikat ni Krie at tinulungan na kumawala. Nanlaki ang mga mata nito nang makita na niya ang halima at umatras na ng dahan- dahan si Lucas at sinabihan na sina Hana at Hebi na kunin si Art at dahan-dahan ng tumakbo papalayo.

Pwenersa ni Krie ang kanyng braso at nahatak niya pabalik ang kanyang braso na sugatan at duguan. Lumapit ito sa kanya pabalik pero hinampas niya ito ng malakas sa mukha, nagtaka siya dahil nagusok ang mukha nito sa bandang hinampas niya. Tinulungan siya ni Riel na ipatayo tumakbo ng mabilis kasama si Lucas at iba pa.

Binuhat nalang ni Lucas ang mahina at walang malay na si Art at tumakbo ng mabilis kasama ang iba. Sinundan sila ng mga ito at masdumami pa ang sumunod nila kaya masbinilisan nila ang pagtakbo. Sa kanilang pagtakbo hindi namalayan ng iba na nahuli pala si Hebi dahil sa takot at kaba. Binalikan ito ni Hana at nakitang duguan ang tuhod dahil sa pagkadama, tinulungan niya itong sa pagtayo at tumakbo sila kaagad, ngunit nahagilap si Hana ng isang halimaw at nakagat ang paa nito. Hindi makagalaw si Hebi dahil sa takot wala siyang nagawa kundi tanging iyak at sigaw ang kanyang nagawa. Narinig sila ng iba at binalikan ni Krie ang mga ito, matapang na sinuntok at hinampas ng kahoy ni Krie ang halimaw kahit sugatan ang braso nito, madaling nakatakas si Hana at tinulungan ni Hebi ito at ni Riel. Tumakbo na sila pabalik kay Lucas.

"Nasaan si Krie?", tanong niya sa mga ito.

"Nandun, pumunta na kami agad dito bago pa may dumating na isa", wika ni Riel.

"Teka. Anong nangyari kay Hana? Bakit duguan ang paa niya?", nagalala niyang tanong sa kapatid.

"Nahagilap ako kay ito na kagat, pero malayo ito sa bituka ko.", pabiro niya sabi sa kapatid na nagalala.

Maya-maya pa ay dumating si Krie na duguan na may sumusunod pa na mga halimaw. Tumakbo agad sila ng makita ito, tumakbo ng tumakbo sila hanggang nakarating sila sa isang malaking luma na gate. Napaatras ang mga halimaw ito nang nakadating sila sa paahan ng lumang gate. Nagaan ang kanilang pakiramdam at huminga ng malalim.

"Okay lang ba kayo lahat?", tanong ni Krie na puno ng dugo ang damit.

"Oo. pero si Art, hindi maganda ang kanyang kalagayan.", sabi ni Lucas na buhat-buhat ang sugatang kaibigan.

"Ikaw? Okay ka lang rin ba? Ang lakas mo dun, ha parang hindi ikaw.", sabi ni Riel sabay tingin sa malaking luma na gate.

"Nasaan na ba tayo? Alam mo ba ang lugar na to Hebi?", tanong ni Hana sa nanginginig paring bata.

"Hindi tayo dapat nandito. Walang sino man ang dapat pumunta dito, mas maganda pa ang makain sa mga hindi nakikita na halimaw kaysa papasok sa lumang mansion na kastilyo na yan.", wika niya sa lahat na makikita sa mga mata ang takot.

"Huwag ka namang manatakot ng ganyan, at isa pa nasaan ang sinabi mong mansion na kastilyo, eh. Wala naman diyan.", wika ni Hana na tumitingin pa sa loob.

"At kung meron man, Wala tayong magagawa. Sugatan tayo, hindi ko kaya ang may mawala sa atin.", wika ni Lucas.

"Ano ba ang ibig sabihin mo, Hebi?", tanong ni Krie sa bata na ngayon ay seryoso at mubabalot ng misteryo ang mukha.

"Kung papasok tayo diyan, kailangan hindi kayo magsisi dahil, pagnaka-apak ka na sa loob ng gate hindi kana pweding babalik pa.", she said with her daggering eyes and cold voice

"Gees! Tumindig ang balahibo ko sa sinabi mo, Hebi.", wika ni Hana na naka upo sa maliit na bato sa gilid.

"Bakit mo nama nasabi niyan? Nakapasok na ba diyan?", tanong ni Riel sa bata.

"Hindi, yan ang naririnig ko sa mga matatanda. Mahigit isang libo na kasi yan nakatayo at walang sino man ang nagtatangka na pumasok dahil sa bumabalot na kababalaghan diyan.", wika nito na napainit ang paligid.

"Putang*na! Akala ko naman, may kung ano sa bahay na yan. Eh, kahit sino, wala pa pala nakapasok!", Riel yelled.

"Yan lang ang narinig ko tungkol sa bahay na yan. Sinasabi ko lang ang totoo. Eh, baka totoo.", wika nito sa mga nakakatanda.

"Pumasok na tayo. Bago pa magbuhat ako ng patay.", wika ni Lucas na nakapagulat sa kasama.

"Ano ka na man, Lucas. Bakla man yan si Art, pero matigas rin yan.", wika ni Hana na nagalala sa kaibigan.

Tumuloy na sila sa malaking lumang gate, pero nagdadalawang isip si Krie sa kanilang desisyon.

"Teka. Sigurado ba kayo? May ibang sulosyon naman siguro para matulungan nati si Art.", sabi ni Krie.

"Krie tignan mo ang sarili mo, marami kang sugat at may naiisip ka ba na ibang sulosyon? Ayaw mo naman siguro na makain tayo sa halimaw na yun?", paliwanag ni Lucas.

"Huwag mong sabihin na natatakot ka na pumasok dahil sa sinabi ni Hebi?", sabi naman mi Riel na tinutukso si Krie.

"Anong pinagsasabi mo.", sagot ni Krie. Pinuntahan siya ni Riel at hinila papasok sa gate si krie.