SHE VS HE
Magkababata sila. Matalik na magkaibigan. Halos hindi mapaghiwalay ang dalawa.
Dati iyon...
Nang inakala ni Shun na inagaw ni Erina ang role bilang Little Alladin sa isang musical play na ginawa sa paaralan na pinapasukan nang magkaibigan, nagkaroon ng lamat ang pagsasama ng dalawa. Idagdag pang nakaalis si Erina sa bayan kung saan parehong naninirahan ang matalik na magkaibigan nang hindi man lang nagkakabati o nagkakaayos ang dalawa. Lumipat ito ng ibang lugar para manirahan at simula noon ay naputol na ang komunikasyon sa pagitan ng magkaibigan.
Ngunit muli silang nagkita. Nagtagpo sa isang paaralan na pareho nilang papasukan bilang mga High School Students.
Hindi nakilala ng dalawa ang isa't-isa. Ngunit sa pagtatagpo nila ay naging mahigpit silang magkaribal sa maraming bagay at pagkakakataon. Madalas magkaroon ng kumpitensiyahan sa pagitan ng dalawa. Parehong naging Popular ang dalawa sa Paaralan pinapasukan nila.
Hindi nga ba nila natatandaan ang isa't-isa?
Magkakaayos pa ba ang dalawa?
Mananatili kaya silang magkaribal o magkaaway?
O baka naman....
Abangan