Chereads / The Punished Fuck Boy / Chapter 3 - Creep

Chapter 3 - Creep

Umuwi si Hendrick sa mansion ng mga Nathaniel, pinapauwi siya ng kanyang ama sa hindi niya malamang dahilan. Ipinarada niya lang sa labas ng gate ang kotse. Pagkababa niya, naramdaman niyang may nakamasid sa kanya kaya lumingon siya sa likod pero wala naman ibang tao. Guni-guni niya lang siguro.

Sa likod ng puno ay may isang taong nakamasid kay Hendrick, kulay itim ang suot katulad ng mga taong miyembro ng kulto.

Dumiretso sa Dining room si Hendrick pero hindi niya ito nakita. Si Aling Nelia lang na kanilang mayordoma ang kanyang nakasalubong.

"Where's Dad?"

"Nasa office. Probably with his mistress." Matabang na sambit nito.

"That mistress is just the same as your daughter, a gold digger." Mas matabang na sambit ni Hendrick sa mayordoma.

"How could say that to your mom?!" Galit na galit ang mayordoma, ang kanilang mayordoma na kanya palang Lola.

"Sumama siya sa ibang lalake 'di ba? Dahil mahirap lang si Dad noon." Diretsong naglakad si Hendrick patungo sa office ng kanyang ama.

"Dad." Naabutan niya ang dalawa na naghahalikan. Ang ganda ng girlfriend ng kanyang ama.

Another gold digger. She has these dangling earrings, shiny pearls around her neck, bracelets. And Hendrick guess' a huge sum amount of money in her bank account which is given by his father.

She's probably in her mid 20's to 30's. The girl has a great taste lalo na't pinili nito ang kanyang ama, a spitting image of him, aside from that, his father has all the control on their family's asset.

"Istorbo ka naman, anak." humiwalay ito sa babae at nginitian siya ng babae ng mapang-akit.

"Bakit mo ako kailangan, Dad?" Kahit mas gusto ni Hendrick ang mga babaeng mas matanda sa kanya, hindi siya pipili ng mas matanda sa kanya.

"Diana, can you leave us?" Tanong ng kanyang ama sa babae.

"Sure, hon." Humalik ito sa labi ng kanyang ama.

Marami ang pinagkapareho nilang mag ama. from their hair to foot, they really look alike. They're both handsome and fuck boys.

Pakembot kembot ang babae na umalis sa opisina at isinara pinto. Lumapit siya sa desk ng ama. "So, what is it?"

"May gumagambala ba sa'yong isang babae?" Tanong nito habang inayos kuwelyo na may bahid ng lipstick noong si Diana. Amoy na amoy mula sa kanya ang halimuyak ng pabango ni Diana.

Tumawa si Hendrick. "Dad, hindi lang isa, kung hindi marami sila." Tumawa rin ang kanyang ama. "Sa totoo lang, anak, nagsasawa na ako sa buhay binata.."

Diretso ang tingin ni Hendrick sa kanyang ama, alam na alam niya na agad kung anong kasunod na sasabihin ng ama..

"Kung hindi lang ako iniwanan ng mama mo..." Lumambot ang tingin ng ama niya sa pagkakabanggit sa kanyang ina.

Umiwas ng tingin si Hendrick, "Desisyon niya 'yun, Dad," May kirot sa dibdib na sambit ni Hendrick.

"H'wag kang magagalit sa mama mo, anak." sambit ni Frederick.

Hendrick didn't bother responding with his father's words.

He hates his mother. Wala siyang balita dito kung hindi nagpakasal sa lalakeng mas matanda sa kanya. She's probably in her 40's.

Ang mama niya ang unang rason kung bakit nawalan siya ng respeto sa babae. pangalawa, ang mga babaeng sineryoso niya pero pera lang pala ang habol sa kanya at pagkatapos ay ipinagpalit siya sa iba.

Lumabas siya ng opisina. Dumiretso siya sa kanyang kuwarto at nahiga sa kama. He doesn't want to care about anything anymore.

Agad siyang naidlip.

Madilim at tanging sindi lamang ng mga kandila ang kanyang nagsisilbing liwanag. Nasa loob siya ng tila kubo at rattan ang nagsisilbing pader.

May bungo sa ibabaw ng kahoy na lamesa. May manika rin na tinutusukan ng mga karayom. May fetus din sa garapon. May isang babae ang nagsasalita pero hindi niya maintindihan ang lengguwahe. Nakakasulasok at nakakasakal ang lugar.

Napakabigat sa pakiramdam. Parang gusto niyang makaalis sa lugar. Makalayo. Nakaramdam siya ng kakaibang pangingilabot. Nagtatayuan ang kanyang mga balahibo at mabilis ang tibok ng kanyang puso. Mula sa mahinang mga salita ay papalakas ito ng papalakas.

Papaling paling ang mukha ni Hendrick hanggang sa napabalikwas siya sa kama. Punong-puno siya ng pawis. Napahilamos siya sa mukha. Malakas ang Aircon pero pinagpapawisan pa rin siya.

Umupo muna siya sa dulo ng kama at nanatili sa ganoong posisyon ng ilang segundo bago tumayo at dumiretso sa banyo. Ilang gabi na siyang nanaginip ng gano'n.

Nag shower siya at pagkatapos ay nagbihis ng T-shirt at boxer. Humiga ulit sa kama. Kinuha niya ang laptop sa cabinet na katabi ng kama at binuksan ang Facebook at Instagram. Probably to check out some hot girls.

Binuksan niya ang GC ng grupo nila. Mimingot ang pangalan. Tangina nila Carlo ang balasubas magbigay ng pangalan sa GC.

Carlo: Hoy, Hendrick, hindi ka sumipot tangina ka!

Edward: Nagwawala si Angeline dito, hinahanap ka.

Hindi niya pinansin ang messages ng mga ito at bagkus ay pinalitan ang pangalan ng GC nila.

Hendrick changed the group's name MGA GAGO

Hindi niya na pinansin ang mga kumento ng mga ito at dumiretso sa profiles ng mga naggagandahang dilag.

A girl named Monica from RBreezy liked my photo.

Pinatay niya ang laptop at ipinikit ang mga mata at nakatulog na.

Pagsapit ng umaga ay nagising si Hendrick.

Bumangon siya at pupungas pungas pa siyang tumayo . Dumiretso siya sa banyo para umihi.

Tumapat siya sa inidoro.

Ibinaba niya ng konti ang kanyang boxer short at kinapa ang kanyang burat.

Napakunot noo pa siya habang nakapikit. Kinapa niya ulit pero wala.

Yumuko siya at iminulat ang mata.

Tangina wala!

Bulbol lang ang Meron! Kinapa niya rin ang pinakailalim!

Tangina bakit may hiwa siya sa gitna?!

Kumunot ang noo niya ng mapansin ang kulot at mahaba niyang buhok..

"Huh?"

Mabilis siyang humarap sa salamin at isang itsura ng babae ang tumambad sa kanya.

"AAAAAHHHHHH!!!!!"

at nabulabog ang mga buong kabahayan at nagliparan papalayo ang mga ibon.

AHRIANDASHE