Chereads / The Punished Fuck Boy / Chapter 4 - Curse

Chapter 4 - Curse

Tulala siyang humarap sa salamin. Ang kanyang mata ay singkit pa rin pero mas mapilantik ang kanyang pilik mata.

Mahaba at mabuhaghag na ang kulot niyang buhok. Matangos ang ilong, mataba ang pisngi na may isang damukal na pimples, ang laki rin ng eyebags niya, at ang natural na mapulang labi ay mas naging manipis. Hinawakan niya ang dibdib niya na naging flat-chested nang maging babae siya. Hindi na matigas ang mga yun. Wala na rin ang biceps at triceps niya.

Gulat ang mukha niya. ANG TABA NIYA! PUMANDAK SIYA!

Tangina, hindi niya alam kung tatawa ba siya o iiyak.

Naupo siya sa toilet. Humahangos naman na tumakbo ang dalawang matanda– ang kanyang ama at ang kanyang lola.

"Anak, ayos ka lang ba diyan?!" Katok ng mga ito sa banyo. Hindi umimik ang ngayo'y dalagang si Hendrick. Ha ha ha. Naiiyak na si Hendrick. Pinihit ng dalawa ang seradura ng banyo at bumungad ang likod ng babaeng si Hendrick.

"I-ija, alam mo ba kung nasaan si Hendrick?" Tanong ni Aling Nelia, ang kanyang lola.

"Mukhang may ginagawa siya, mas mainam na wag na lang natin istorbohin." Ani ng kanyang ama.

"Baka tumatae siya. Ikaw talaga! Nagdala ng panibagong babae ang anak mo sa bahay na 'to?!" Sita ng mas nakakatanda.

Tulala siyang nakaupo. Hindi makapaniwala sa nangyari. Habang ang dalawang matanda naman ay nanatili sa loob ng kuwarto.

"Nasaan ba 'yang anak mo?" Nakakunot-noong tanong ni Aling Nelia.

"Aba, hindi ko alam. Dito siya natulog 'di ba?" Nagtatakha si Frederick na tiningnan ang buong silid.

"Si Hendrick ba talaga ang narinig mo?" Tutok na tutok ang mata ng matanda sa kanyang manugang.

Napakamot naman sa ulo si Frederick. "Parang. Hindi ako sigurado. Parang boses ni Hendrick eh, mas matinis nga lang."

"Hala, ipahanap natin sa buong mansion–"

Naputol ang sinasabi ni Aling Nelia nang biglang lumabas sa banyo ang isang pangit na babae na kamukhang kamukha ni Hendrick.

Napaawang ang bibig ng dalawang matanda sa gulat. Parang aatakihin sa puso ang kanyang lola.

"Dad ako 'to, si Hendrick." Sambit nito at direktang nakatingin sa ama.

"Apo..." Naiiyak na sambit ni Aling Nelia.

"Lola." Hindi maapuhap ni Hendrick ang nais sambitin.

Iiyak sana siya pero napamura siya sa tanong ng kanyang ama.

"Iha, sigurado ka bang anak kita?"

Hendrick explained what happened.

Nakatitig na lang kay Hendrick ang dalawang matanda pagkatapos maipaliwanag ang nangyari.

"Ano na? Dad? La? Walang kumento?" Naiinis na sambit ng dalagang si Hendrick. Aburido siya dahil niya alam kung papaano reresolbahin ang problema.

"Isa lang masasabi ko anak." Sambit ng kanyang ama. Nagsalubong naman ang makakapal na kilay ni Hendrick at hinintay ang sasabihin ng ama.

"Bakit ang pangit mo?"

Napanganga siya at napahilamos sa mukha. Akala pa naman niya matino ang sasabihin nito.

"Seriously, dad?"

Tumawa ang kanyang ama at itinaas ang dalawang kamay. "I'm just kidding. Seryoso ka bang naging babae ka? Hindi ka nagpatransplant or anything?"

"Frederick. Hindi bakla ang anak mo! At paanong magpaatransplant ng isang gabi?" Gigil na sambit ni aling Nelia.

"Dad, wala sa hinagap ko ang maging babae! Girls are only meant for sex! They're good for nothing. Bunch of gold diggers!" Nasa tono ni hendrick ang disgusto at galit.

Tumakas sa itsura ng kanyang lola ang sakit dahil sa sinabi niya.

hindi niya magawang pagsisihan ang sinabi niya. "That's how I perceive women."

Umalis ang kanyang lola ng walang imik. Masama ang loob sa sinabi nito.

Hindi umimik ang kanyang ama sa tabi ng kama at pinanood lang silang dalawang mag lola.

"Anak–well, I don't wanna call you son, since you're a girl now." Kibit-balikat nito.

"What're your plans now?" Tanong nito.

"I'm gonna find answers, dad."

"Baka pinaparusahan ka na ng Diyos dahil sa pagiging babaero mo." Sabay tawa nito.

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi nito.

"Dad, kung may mas babaerong nilalang, Ikaw yun dad. Mas malala ka Sakin. Kaya kung mayroon mang dapat parusahan dito, Ikaw yun." Mahabang lintanya ni Hendrick.

May dumaan na emosyon sa mata ng kanyang ama. Pero saglit lang at bumalik na sa masayahing mga mata.

"Paano pag-aaral mo?"

Napahilamos na naman si Hendrick dahil aasikasuhin niya nga pala muna yung pag aaral niya.

"Ako na bahala gumawa ng records mo. Ipapakilala kita bilang pamangkin ng lola mo." Kibit-balikat ng kanyang ama. Habang natutuwang tinitingnan siya.

"Dalagang dalaga ka na, anak. Wala sa hinagap ko na magiging ganyan ka kapangit"

Isang unan ang tumama sa mukha niya bilang sagot mula sa anak.

Napagod si Hendrick kakahanap ng impormasyon kaya madali siyang nakatulog.

Isang paraiso ang pinaglalakaran niya, maririnig ang lagaslas ng ilog mula sa kinaroroonan niya.

Ang mga halaman at bulaklak.. ang mga hayop na sobrang amo. Ang kalangitan na naghahalo na ang dilaw, orange at blue. Pero agad din naglaho ang ganda ng paraiso. Ito ay naging disyerto. Madilim..

"Mend the bond, torn by pride"

Paulit ulit ang mga salitang 'yan na namumutawi sa bibig ng babae na tila miyembro ng kulto habang ang picture ni Hendrick ay nakapatong sa ibabaw ng lamesa na pinagpapatungan din ng kandila.

At sa gilid ng larawan niya ay ang mga larawan ng mga babaeng nagpakamatay dahil sa kanya.

Pinagmasdan ng babaeng tila miyembro ng kulto ang larawan ng mga babaeng ito.

"Hindi ka na makakawala sa tadhana mo, Hendrick, Lahat ng sakit na idinulot mo sa mga babae ay babalik sa 'yo."

AHRIANDASHE