Halos paliparin ni Zigfred ang sasakyan makauwi lang sa bahay ng mga magulang nang malaman niyang nawawala si Yaya Greta at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nahahanap. Ayon sa papa niya, monitored ang bawat galaw ng katulong sa isang isla. Subalit, noong nakaraang linggo lang ay hindi na ito nakita roon at hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap.
Ang halos isang oras na biyahe pauwi ay naging tatlumpung minuto na lang. Pagkapasok lang ng sasakyan sa gate ng malaki nilang bahay at pagkalabas sa kotse ay patakbo na niyang tinungo ang library ng ama na nang mga oras na iyon ay nakabukas na, halatang kanina pa siya nito inaantay.
Heto ang kanyang papa, salubong ang mga kilay na naka-de-kwatrong nakaupo sa swivel chair nito habang nakatukod ang kanang siko sa armrest ng chair at nakapangalumbaba.
Hindi man ito magsalita, nakarehestro naman sa mukha ang laman ng isip.
"Papa!" humahangos niyang tawag.
Tila ito noon lang bumalik sa huwesyo at mabilis na tumayo upang salubungin siya.
"Marcus was so upset that he almost had a heart attack upon knowing that Yaya Greta is still missing until now." Mababanaag sa mukha ng ama ang sobrang pag-aalala para sa kaibigan.
Natigilan siya, kinailangan pang maghanap ng tamang salita para hindi makadagdag sa alalahanin ng ama.
Tumitig ito nang makahulugan sa kanya, pagkuwa'y ipinamulsa ang mga kamay sa bulsa ng suot na slacks pants, saka lumapit sa sliding glass window. Maya-maya'y humugot nang malalim na paghinga.
"He is also aware that Lovan is unconsciously taking benzodiazepines. And in no time, she might totally loss her memory," mahina nitong sambit sabay yuko na tila hapong-hapo.
Naikuyom niya ang kamao sa sobrang pagpipigil ng galit habang nakikita sa balintataw ang mukha ni Lovan ngayon. Ang ginagawang effort para lang huwag makilalang ito si Lovan sa pag-aakalang sa paraang iyon ay maipaghihiganti nito ang nangyari sa sariling pamilya.
Was she even aware that she was already in the lion's den na kahit anumang oras ay pwede itong mapahamak?
Her poor Lovan...
Nakagat niya ang ibabang-labi sabay lamukos ng kamay sa mukha at ilang beses na kumurap upang huwang pumatak ang namumuong luha sa mga mata. He hated drama, but at this moment, para nang gustong sumabog ng kanyang dibdib sa magkahalong pag-aalala para sa asawa at sobrang galit para sa psycho na nagpapaikot sa huli.
Hindi! Hindi na siya papayag na maging pain ang kanyang asawa lalo na ngayong nalaman niyang buntis ito!
Inilang-hakbang niya ang pagitan nilang mag-ama at hinawakan ito sa magkabilang balikat.
"I have an idea, Papa. I'll make sure that it'll work. Buntis si Lovan. Hindi ko hahayaang may masamang mangyari sa mag-ina ko just because I'm afraid of that damn serial killer," panghihimok niya.
Nagtaas ng tingin ang ama, tumitig sa mga mata niyang nanghihingi ng go signal. Alam niyang matagal na itong nag-imbestiga at matagal na ring naghihintay ng pagkakataon at sapat na ibidensya para lang mabigyan ng hustisya ang nangyayari sa pamilya ni Lovan maging ang napipintong pagkalugi ng kompanya nila dahil sa mga nawawalang papeles na hanggang ngayon ay hindi pa malaman kung sino ang nagnakaw. Kahit alam nila kung sino ang may pakana niyon, pero wala pa silang matibay na ibidensya.
Matagal na nagtama ang kanilang paningin hanggang sa sumilay ang tipid na ngiti sa maputlang mga labi ng ama.
"Whatever it is, I trust you this time, Zigfred," anito saka siya marahang tinapik sa braso.
"I know your pain. Tama ka, kung hindi pa tayo kikilos ngayon, baka tuluyang mapahamak si Lovan lalo na ngayong nawawala si Yaya Greta. Nasa kanya lahat ng alas natin dahil siya lang ang tanging nakakita sa killer na 'yon," sang-ayon nito sa wakas.
"But I need more information about him, Papa," patuloy niya.
Tumaas ang isang kilay nito. "Didn't I give you all the information that you ought to know?" litong turan nito.
"I need to know about Mama Lara's identity and about his ex-fiance," walang gatol niyang saad.
Namutla ang mukha ng ama, hindi seguro inaakala na malalaman niya ang tungkol sa bagay na iyon. O nagulat ito dahil hinahalungkat pala niya ang past ng mommy ni Lovan. It was the focal point, the very vital part of the investigation. At iyon ang gusto niyang malaman.
Ilang beses na lumunok ang ama na tila ba natuyuan ng laway sa lalamunan.
"Why are you investigating her?"
Bumitiw siya sa pagkakahawak dito, pagkuwa'y siya naman ang tumanaw sa labas ng sliding window bago muling nagsalita.
"Papa Marcus was an FBI agent, right? At that time, Mommy Lara was about to marry her fiancé, that Director Simon Ignacio who was Papa Marcus' target. That director had been an accomplice for a murder case in an unregistered clinic in Sorsogon," pagkukwento niya na lalong ikinaputla ng mukha ng ama.
"Simon was already dead," kumpirma nito sa mahinahong boses sa kabila ng pagkagulat sa mga sinasabi niya.
Muli siyang humarap sa amang lalong lumungkot ang mukha. "Kung buhay pa siya, hindi sana namatay si Lara noon."
"He's still alive," pagtatama niya, dahilan upang sindak na bumaling ang ama sa kanya.
"What did you say?" nanlaki ang mga mata nito patunay na hindi ito makapaniwala sa narinig.
Huminga muna siya nang malalim bago muling sumagot.
"Nakita ko siya sa party kung saan dumalo si Lovan. Tinawag niyang Lara ang asawa ko," kumpisal niya.
Sa narinig ay biglang umaliwalas ang mukha ng ama at ilang beses na tumango saka nagparoo't parito sa paglalakad na tila ba malalim ang iniisip, pagkuwa'y huminto at humarap na uli sa kanya sabay muwestra ng kamay.
"Simon wasn't Lara's ex-fiance. He was just a driver," pag-amin nito.
Lalo siyang naging curious sa sinabi ng kausap. Ngayon lang ito nagkuwento ng nalalaman tungkol sa pamilya ng asawa niya.
"After Lara's death, may natuklasan si Marcus tungkol sa fiancé ni Lara. Na kaya nitong magpalit ng mukha at magpakilala sa ibang katauhan. Pero hindi naniwala ang superior niya. Nang masunog ang clinic na nakapangalan kay Simon Ignacio, ini-close na din ang kaso at hindi na binuksan uli," mahaba nitong kwento.
Mataman lang siyang nakitang, lumapit sa swivel chair ng ama at doon naupo habang ang nagkukwento ay muli na namang nagparoo't parito sa loob ng library, sinisikap alalahanin ang mahahalagang detalyeng nangyari noon.
"Wala pang isang taon pagkatapos mamatay ni Lara, nakilala ni Marcus si Alexandra. And the rest, you knew it already," iminuwestra na uli ng ama ang kamay bilang pagtatapos sa kwento nito.
"But what about kung paano nagkakilala ang mga byenan ko?" ukilkil niya.
Tumigil sa paglalakad ang ama, sumulyap sa kanya at muling nag-isip.
"Ah, I forgot that part. Ang alam ko, si Lara ang nagsumbong sa fiancé niya na may pinatay ito sa mismong clinic na pinagtatrabahuan nito, 'yong sinasabi ko sa'yong nasunog na clinic," sagot nito. "Duon na sila nagkapalagayan ng loob."
Tumango-tango naman siya, isa-isang ini-absorb ang mga nalamang impormasyon, pagkuwa'y siya naman ang nag-isip ng malalim.
Kayang magpalit ng mukha ng kriminal at magkunwaring ibang tao? Kung tama ang hinala niya, hawak nito sa leeg ang madrasta ni Lovan at ang impostor na pinaghihinalaan niyang si Shavy. Ano ang relasyon ng tatlo? Iisang pamilya? Alam ba ni Alexandra na ang humahawak sa leeg niya ay ang mismong ex-fiance ng ina ni Lovan? Kung hindi, pwede niyang gawing alas 'yon upang si Alexandra mismo ang magbigay ng impormasyon sa kanya kung sino talaga ang misteryosong lalaking ito.
Alam ba ng mag-ina na ang akala nilang patay na si Lovan ay nasa kanya mismong suite? Kung hindi, ano ang dahilan ng lalaking iyon para ilihim sa dalawa ang bagay na iyon?
Napapikit siya. Gusto niyang kilalanin ang ugali ng killer na iyon. Ano'ng kailangan nito kay Lovan? Bakit nito iniligtas ang huli at ibinigay ang dating mukha ng ina sa anak?
Iisa lang ang naiisip niyang hakbang para mahuli niya ang hayup na killer na ito. Ang gamitin ang mag-ina. He had to play on their game and use their tricks to lure the bigger fish.
Tama ang Papa Marcus niya. Kailangang pag-aralan niyang mabuti ang gagawin. Nagpapalit ng mukha at katauhan ang kalaban. Kung magkakamali siya ng hakbang, mapapahamak ang kanyang mag-ina.
Alang-alang kay Lovan at sa kanilang anak, gagawin niyang posible ang imposible even if it meant digging up his own grave.