Chereads / The Stolen Identity / Chapter 98 - Ang Pagtatanggol Ni Zigfred Kay Shavy

Chapter 98 - Ang Pagtatanggol Ni Zigfred Kay Shavy

Ilang beses nang pinagmamasdan ni Lovan ang gamot na ibinigay ni Reign bilang maintenance niya sa kanyang mukha. Araw-araw niya iyong binibilang. Sampung piraso na lang 'yon kahapon pagkatapos niyang inuman ng isa. Pero ngayon, sampung piraso pa rin. Nagkamali ba siya ng bilang?

Ini-recheck din niya ang isa pang bote ng gamot, wala namang may mali roon. Pero bakit parang nagbago ang kulay? Imposible namang may gumalaw sa mga iyon. Ang sabi niya sa dalawang katulong nang makitang umiinom siya sa mga iyon, vitamins niya lang kasi anemic siya, para hindi pakialaman ng mga ito ang kanyang mga gamot. Para hindi rin magduda si Zigfred sa kanya, tinanggap niya ang vitamins na ibinigay ng doktora noong magpunta sila sa ospital.

Kasasara lang niya sa drawer kung saan niya inilagay ang mga bote ng gamot nang marinig ang ingay sa labas ng kwarto.

"Wala po rito si Senyorita Lovan. Kung gusto niyo, pakiantayin niyo na lang po sa labas! Sir! Hindi po kayo pwedeng pumasok rito!"

Nagtataka niyang nilingon ang pinto ng kanilang kwarto. Sarado iyon pero umaalingawngaw pa rin ang boses ni Aida galing sa labas.

Mabilis ang mga hakbang na lumabas siya ng kwarto. Nagulat pa siya nang makita si Lenmark na nagpaparoo't parito sa buong suite, halatang may hinahanap.

"Lovan!" tawag nito't muling pumasok sa loob ng kwarto ni Shavy.

"Wala nga po rito si Senyorita, Sir!" Tatanta namang nakasunod si Aida, gustong pigilan sa ginagawa ang panauhin.

Pati si Leila ay napalabas na rin mula sa kusina dahil sa ingay.

Gusto man niyang lapitan si Lenmark at sawayin sa ginagawa, nagdadalawang-isip baka madulas siya't malaman nitong siya ang totoong Lovan Claudio. Kilala niya ang kaibigan, mabilis itong maghinala sa maliit lang na kaduda-dudang kilos.

"You!"

Nanlaki ang mga mata niya nang sa paglabas nito ng kwarto ni Shavy ay makita siyang nakatayo sa may sala.

Humugot siya nang malalim na paghinga at pinakalma ang sarili. Hindi siya pwedeng magpadaig sa kaba. Bakit ba napapansin niya ngayon, madalas siyang kabahan? Mabilis na rin siyang matakot na dati'y hindi naman. Baka side-effect lang marahil ng mga gamot na iniinom niya.

"You! Do you know where Lovan is?" pasinghal na tanong ng binata sa kanya.

Mabilis pa sa alas-kwatro siyang umiling na lalong ikinainis nito.

"Dammit!" Napasuntok ito sa hangin at galit na nagmartsa palapit sa pinto ng suite. Lalabas na sana nang bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwa ang nakataas-noo pang si Shavy, hawak sa kamay ang Chanel hand bag.

Naka-office attire pa ito, tulad ng suot niya noong magkasama pa sila ni Crissy sa iisang department.

Pero nagtaka siya nang bigla na lang hawakan ni Lenmark ang kamay ng nagulat na si Shavy at kabigin ito palapit.

"Hey, Lenmark! Nasasaktan ako." Imbes na magalit ay bakit tila pa santa-santitang feeling martir ang babae. Kinarer talaga ang pagpapanggap.

Kung hindi lang siya nagpipigil, baka matagal na niya itong sinunggaban at ibinalibag sa pader hanggang sa mawalan ng malay at pagkatapos ay hiwain ang mukha nito tulad ng ginawa nito sa kaniya bago siya itapon sa dagat.

Kahit sa malayuan, kita niya ang paniningkit ng mga mata ni Lenmark at ang pagtataas-baba ng dibdib sa pinipigil segurong galit.

Si Shavy naman ay mangiyak-ngiyak na pilit inilalayo ang mukha sa binata.

Sa kabila ng pagpiglas ng babae, nailapit pa rin ni Lenmark ang bibig sa tenga nito.

He murmured and clenched his jaw afterwards, sabay tulak sa babae na bigla na lang tumili sa takot.

Kahit hindi niya narinig ang ibinulong ni Lenmark sa babae, pero ramdam niyang binibigyan nito ng babala ang huli.

Tulad ng mga napapanood niya sa pelikula, mula sa nakabukas na pinto ng suite ay bigla na lang pumasok si Zigfred na nakasuot ding office attire, agad na sinaklolohan si Shavy mula sa pagbagsak sa sahig.

Kahit sina Aida at Leila ay nakisabay din sa pagtili sa pag-aakalang babagsak talaga sa sahig ang babae.

Bumigat na naman ang kanyang dibdib nang makita sa mga mata ni Zigfred ang pag-aalala para sa impostor sa pag-aakalang ito ang totoong Lovan Claudio.

Napahikbi na siya nang akma nang magsusuntukan ang dalawa nang bigla na lang umiyak si Shavy sa takot sabay subsob sa dibdib ni Zigfred.

"Damn you! You have no right to hurt her! She's my wife, you asshole!" nanggagaliting hiyaw ni Zigfred sa pinsan.

"She's an impostor! I knew it from the start! Pinapaikot ka lang ng babaeng 'yan!" ganting hiyaw ni Lenmark sabay duro sa babaeng lalo pang nilakasan ang iyak.

"Whatever you say! She's my wife! Kilala ko ang sarili kong asawa!" ani Zigfred na itinuro na rin ang pinto. "Get out you fool! Get out!" pagtataboy sa pinsan.

Nanatili lang siyang nakatayo sa may sala, parang tuod na nakamasid lang sa mainit na eksenang iyon.

"Zigfred, Lovan is out there. O baka pinatay na ng babaeng 'yan! Kapag may nangyari masama sa kanya, hinding hindi kita mapapatawad! Ikaw mismo ang pumatay sa totoo mong asawa!" litid ang mga ugat na turan ni Lenmark, pagkatapos na tapunan ng matalim na tingin si Zigfred ay padabog itong umalis.

Naiwang umiiyak pa rin si Shavy sa bisig ni Zigfred habang ang dalawang katulong ay noon lang nagtakbuhan sa loob ng kusina at doon nagtsismisan.

Siya nama'y kagat-labing napayuko saka bumalik sa kwartong pinanggalingan kanina.

Masakit tanggaping hindi siya nakikilala ni Zigfred sa katauhan niya ngayon. Pero mas masakit tanggaping higit na pinaniniwalaan nito si Shavy kesa kay Lenmark samantalang alam naman nitong malapit siya kay Lenmark noon bilang si Lovan.

Hindi niya napigilan ang pagkawala ng isang hikbi sabay pahid ng luha sa mata at wala sa sariling umupo sa gilid ng kama habang malalim na nag-iisip.

Kailangan na niyang tapusin ang maliligayang araw ni Shavy. Malapit na nilang malaman ni Reign kung sino ang kasabwat ng mag-ina. Sa wakas ay makakasama na rin niya ang kanyang papa kapag naipadakip na niya ang mag-ina at mga kasabwat nito kung marami man ang mga ito.

Kailangan niya lang magtiwala kay Reign. Matatapos din ang kalbaryong pinagdadaanan niya ngayon. Magiging maligaya rin siya kasama ang kanyang mga mahal sa buhay.

Muli siyang napahikbi kasabay ng pagpatak ng mag-asawang luha mula sa mga mata.

Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nasa ganoong kalagayan. Nakita na lang niya ang nakalahad na palad, may hawak na panyo.

Noon lang siya tila natauhan at agad nagpahid ng mga luha saka mabilisang tiningala ang may-ari ng palad na 'yon.

"A-ate Leila, ikaw pala," aniya sabay pilit na ngiti.

"Alam kong natakot ka sa nangyari kanina. Pero huwag mo nang isipin 'yon. O, heto ang panyo, punasan mo ang luha mo," malumanay nitong usal saka umupo sa tabi niya.

Napilitan siyang kunin ang panyo at ilang beses na tumango.

"Sabi pala ni Senyorito Zigfred kanina, may allergy daw siya sa mga lumang damit kaya lahat tayo ay isasama niya sa mall bukas para bilhan ng mga bagong damit. Advanced christmas bunos daw 'yon," pagbibigay-alam nito, pigil ang saya nang mapahagikhik sa harap niya.

"Ows? S-sinabi niya 'yon?" Lumalim bigla ang kulubot ng kanyang noo. May ganoong allergy si Zigfred? Kaya ba puro bago ang mga damit nito lagi? Pero wala namang itong ganoong sinasabi sa kanya noon?